Chapter 9: Avoidance

394 23 0
                                    

Jelai's POV

Magdadalawang linggo na rin magmula ng lumipas ang camping activity namin at pansin ko talaga na tila iniiwasan ni Roni si Borj, ayoko naman tanungin si Roni o si Borj tungkol sa bagay na ito pero ayoko na rin naman tumagal pa ang pag-iiwasan nilang dalawa.

Sa lalim ng pag-iisip ni Jelai ay hindi niya namalayan na umupo na si Junjun sa tabi niya.

"Lalim nang iniisip natin ah.. mukhang may ideya ako kung ano 'yang iniisip mo" sambit ni Junjun

"Uy, Jun ikaw pala."

"So, ano nga iniisip mo?" tanong muli ni Junjun

"E, akala ko ba may idea ka. So, ibabalik ko lang sa'yo ang tanong. Anong idea mo?" sagot ni Jelai

"Hay naku, mga babae talaga ang hirap kausap kung minsan." ani ni Junjun sabay humawak sa batok nito.

"Pansin mo din na parang iniiwasan ni Roni si Borj noh?" sabi ni Junjun

Hindi na nagsalita pa si Jelai sa halip ay tumango na lamang ito.

"May idea ka ba kung bakit Jelai? Pansin kasi namin ni Tonsy magmula nung pauwi tayo galing camping parang may nag-iba na kay Borj, ang tahimik niya na parang may malalim na iniisip."

"Meron naman akong idea kung bakit pero hindi rin ako sigurado sa hula ko. Hindi ko pa rin kasi tinatanong si Roni, baka kasi hindi pa rin siya ready magkwento."

"Siguro nagkaaminan na ng feelings 'yung dalawang' yun kaya nagkailangan na" sagot ni Junjun habang tatawa tawa

"Alam mong may gusto si Borj kay Roni?" tanong ni Jelai

"Oo naman noh, alam mo kasi Jelai makikita mo 'yun sa mata ng tao e. Kitang-kita kung paano nagliliwanag mata ni Borj sa tuwing andyan si Roni. Kung paano siya mag-alala para sa bestfriend mo noh. Tanda mo noong minsan na umuulan at hindi kayo masusundo at wala din ang Kuya Yuan ni Roni, di ba binigay ni Borj yung payong niya kay Roni noon dahil magcocommute daw kayo at ayaw niya daw mabasa si Roni dahil wala itong dalang payong. Haha. Tapos di ba kinabukasan nun, si Borj sinisipon at nagkasinat pa. Ibang klase magmahal at concern kay Roni e, kahit siya na ang magkasakit wag lang ang Roni loves niya." kwento ni Junjun habang tumatawa

Huminga ng malalim si Jelai.

"Nalulungkot nga din ako kapag naiisip ko na baka matagalan pa bago sila mag-usap ulit e."

"Pero alam mo Jelai, palagay ko lang naman huh, e may nararamdaman na rin si Roni para kay Borj natatakot lang siyang aminin" pahayag ni Junjun

"Hindi ko rin masabi. Gusto ko na nga kausapin si Roni. Gusto ko na rin sila mag-usap, sayang naman yung nabuong friendship nila kung bigla na lang masisira dahil lang sa feelings na 'yan."

"Maiba tayo Jelai, ikaw ba napapansin mo kung sino ang tumitingin sa'yo ng may pag-aruga at pag-aalala?" nakangiting tanong ni Junjun

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Wala noh. Tsaka huwag mo nga ibahin usapan, sila Roni at Borj ang topic natin e. Dapat makaisip tayo paano sila magkakausap." sagot ni Jelai

"Hay, magbestfriend nga kayo ni Roni" pabulong na sabi ni Junjun

"Anong sabi mo?" tanong ni Jelai

"Wala, ang sabi ko sa prom. Di ba next week na 'yun? Doon, doon natin sila pag-usapin" tugon ni Junjun

"Tama, ang galing mo diyan sa naisip mo na' yan, Jun!" sabi ni Jelai sabay ring ng bell hudyat na kailangan na nilang bumalik sa klase.

------

Roni's POV

Magdadalawang linggo na simula nung nangyari ang pag-amin ko kay Borj ng hindi ko sinasadya. Ilang araw na rin akong pilit na umiiwas, alam kong gusto akong kausapin ni Borj pero halos lahat na ng excuse nabigay ko, kapag nakikita ko din na paparating at lalapit siya sa akin ay umiiwas na ako agad. Kapag darating siya magkukunwari akong may tinatapos na assignment o kaya bigla akong makikipagkwentuhan sa kung sinuman ang katabi ko. Kung may award lang siguro para sa 'the best in pag-iwas,' ako na siguro ang makakakuha nun.

Alam ko nagtataka na rin ang barkada lalo na si Jelai, gusto ko na nga magkwento sa kanya tungkol sa nangyari nung science camp - sa hindi ko sinasadyang pag-amin, pati na rin sa pag-amin ni Borj nung gabi na 'yun.

Nung gabing iyon, hinabol ako ni Borj nung pabalik na ako sa tent. Nahawakan niya ang braso ko sabay sabi na kaya niya daw akong hintayin hanggang sa maging handa ako, sinabi din niya na he really likes me simula pa lang daw at masaya siya sa friendship at closeness namin. Masaya siyang nalalaman lahat ng mga pangarap ko at gusto daw niya na makasama siya sa lahat ng pangarap at mga aabutin ko pa sa buhay.

Halos hindi ako makahinga noong narinig ko 'yun. Hindi ko maexplain yung feeling, parang masaya na may kaba sa dibdib ko.

Pero aaminin ko, ngayon ko kang naramdaman ito na parang gusto kong sumugal at bigyan ng pagkakataon kung ano pa ang pwedeng mangyari sa amin ni Borj. Sa lahat nang nagtapat at nagsabi ng hangarin nila na manligaw, kay Borj ko lang naramdaman ang sincerity at ang feeling na gusto ko ring subukan at sumugal.

Ngunit kasabay din ng idea na ito ay doon na nga din naglaro ang maraming what ifs sa isip ko. What if bigyan ko ng chance ang sarili ko na papasukin siya sa buhay ko, makakaya ko bang pagsabayin ang studies and relationship? What if hindi magwork, paano ang naumpisahan naming friendship? And what if malaman ng parents ko? Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. I don't think  I am ready and mature enough to handle a relationship..

Ang hirap ng may iniiwasan pero one thing is for sure and iyon ay ayoko din siyang mawala sa buhay ko, gusto ko pa rin maging kaibigan si Borj...

I have to do something..

I want him to stay in my life bilang kaibigan...

I have decided, aayusin ko 'to.

------
Borj POV

Mali siguro na umamin ako noong gabing iyon, siguro dapat nagpanggap na lang ako na hindi ko narinig ang mga sinabi ni Roni..

Pero ang hirap naman kasi na hindi ako magrereact sa ganoong sitwasyon lalo pa' t ang tagal ko na ring pinipigilan ang feelings ko..

Pero dahil din sa pag-amin ko, nangyari na ang kinakatakutan ko... Ang pag-iwas niya. Ang sakit na lalo sa dibdib kapag nakikita ko siya pero wala akong magawa at hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Palagi niya akong iniiwasan, kung makakausap ko naman siya ang lagi lang niyang sasabihin, may kailangan siyang tapusin or busy siya. Alam ko namang dahilan lang niya ang lahat ng iyon..

Hay, Roni ano na ba ang dapat kong gawin?

"Pare, alam ko ano iniisip mo!"

Napalingon naman siya agad kay  Tonsy na kasama si Junjun.

"Tutulungan ka namin Borj. Tigilan niyo na 'yang iwasan na iyan. Sa prom. Doon, aayusin natin ang lahat" tugon naman ni Junjun

Nagtataka man ay ngumiti na lang din ang binata at doon din ay may pumasok na idea kay Borj..

Tama! Sa prom. Aayusin ko ang lahat...

-----

Song: More than Friends from youtube
©Jason Mraz

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now