Chapter 4: Start of our Friendship

506 21 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at madalas na nga kung asarin at kulitin ni Borj si Roni. Yun lang kasi ang naiisip na paraan ni Borj para kahit paano ay mapalapit sa dalaga. Kung minsan nga ay nahihiling ng binata na sana mabigyan siya ng pagkakataon na makusap ang dalaga ng sila lamang. Gusto din kasi niya itong makilala pa ng lubusan.

Napagbigyan naman ang kahilingan ni Borj ng minsang nakita niya si Roni na nakaupo sa may bench malapit sa may parking lot ng kanilang school.

"Hi, Roni! Pwede maupo sa tabi mo?"

Tiningnan naman siya ng dalaga at nagbigay ng matipid na ngiti bago tumango.

"Hmm. Mag-isa ka ata ah. Inaantay mo ba kuya mo?"

"Paano mo nalaman na may kapatid ako at ano naman sa'yo kung inaantay ko nga siya?"

"Ayan ka na naman sa pagsusungit mo e. Parang nagtatanong lang eh."

"Alam mo kasi, hindi ko alam kung bakit lagi mo kong ginugulo at inaasar. Sino ba naman kasi matutuwa kung laging may nang-aasar sa'yo ng Ms. Sungit. Ano bang problema mo sa akin?"

Nagbuntong hininga ang binata bago muling nagsalita,

"Okay, Roni. I'm sorry kung inaasar kita ng Ms. Sungit pero kasi yun lang kasi yung nakikita kong way para kahit paano magkaroon ako ng interaction with you. Ang hirap mo naman kasi makausap. Lagi kasama mo sila Jelai, Missy at Jane. Kaya ayun. Again, I'm really sorry kung hindi mo nagustuhan ang actions ko sa iyo."

"Eh bakit mo naman ako gusto makausap? Wala naman tayong dapat pag-usapan."

"Hmm. Wala lang. Gusto lang kita maging kaibigan. Hindi ba pwede yun? Hmm. Kasi feeling ko matutulungan mo ko sa studies ko e kasi di ba consistent honor student ka, lagi ka nag-eexcel sa mga subjects natin sa school plus nabanggit pa ni Jelai na valedictorian ka nung elementary kayo. And by the way, sa kanya ko rin nalaman na may kapatid ka na nag-aaral din dito. Si Yuan, right? Yung dating student council president? Grabe, pamilya pala kayo ng mga achievers noh?"

"Teka bakit pati mga yan nabanggit sa'yo ni Jelai ah?"

"Like I said, gusto lang kasi kita makilala at maging kaibigan and nung minsan naging groupmates kami ni Jelai sa activity natin sa Filipino ay nakapag-usap kami, yun lang. Nabanggit din niya na super close ka sa lolo at lola mo at may ari ang pamilya niyo ng isang restaurant. "

Tinitigan lamang si Borj ng dalaga.

"So.. Roni, can we be friends? And I promise hindi na kita tatawagin na Ms. Sungit." Inalahad ng ng binata ang kanyang kamay "Friends?"

Hindi naman agad nakapagsalita ang dalaga pero kalaunan ay nasilayan na din ni Borj ang matamis na ngiti ni Roni.

"Okay, friends."

--------

Roni's POV

Kasalukuyang nakaupo at nagmumuni muni si Roni sa isang bench malapit sa parking lot at hinihintay ang pagdating ng kanyang Kuya Yuan.

So far, masaya naman ako sa tinatakbo ng junior year ko. Naeenjoy ko ang mga lessons and siyempre ang bonding moments ko with my girlfriends. Isang bagay lang ang kinaiinisan ko at yun ang palaging pang-aasar sa akin ni Benjamin Jimenez. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking iyon. Palagi na lang akong iniinis at tawag pa talaga sa akin ay Ms. Sungit. Eh sino ba naman kasing di maiinis sa mga ginagawa niya. Naku. Isipin ko pa lang, umiinit na talaga ang ulo ko. Ngayon naiintindihan ko na si Mia kung bakit ayaw niya dito. At kung minamalas ka nga naman sa lahat ng pwede ko pang makita habang naghihintay kay kuya ay si Jimenez pa.

"Hi, Roni! Pwede maupo sa tabi mo?"

Ang kapal talaga ng mukha pero sige Roni, kalma ka lang. Ngitian mo na lang. Sumagot naman ng tango ang dalaga.

"Hmm. Mag-isa ka ata ah. Inaantay mo ba kuya mo?"

Teka paano niya nalaman na may kapatid ako? Ah baka kasi dahil student council president dati si kuya. Ayoko na talaga makipag-usap noon kay Benjamin Jimenez pero hindi ko alam kung anong meron at tila may nag-uudyok sa akin na ituloy ang pakikipag-usap sa kanya pero di ko pa rin hindi magawang hindi magsungit.

"Paano mo nalaman na may kapatid ako at ano naman sa'yo kung inaantay ko nga siya?"

"Ayan ka na naman sa pagsusungit mo e. Parang nagtatanong lang eh."

Sa mga oras na iyo ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na maglabas ng sama ng loob dahil sa totoo lang, punong-puno na ko sa madalas niyang pagtawag sa akin ng Ms. Sungit at kung minsan hindi pa siya nakukuntento at ginugulo pa niya ang buhok ko.

"Alam mo kasi, hindi ko alam kung bakit lagi mo kong ginugulo at inaasar. Sino ba naman kasi matutuwa kung laging may nang-aasar sa'yo ng Ms. Sungit. Ano bang problema mo sa akin?"

"Okay, Roni. I'm sorry kung inaasar kita ng Ms. Sungit pero kasi yun lang kasi yung nakikita kong way para kahit paano magkaroon ako ng interaction with you. Ang hirap mo naman kasi makausap. Lagi kasama mo sila Jelai, Missy at Jane. Kaya ayun. Again, I'm really sorry kung hindi mo nagustuhan ang actions ko sa iyo."

Sa bawat salitang binibitawan ni Jimenez ay nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Naguguluhan ako sa sinasabi niya na gusto niya ako maging kaibigan ngunit kabaligtaran naman ang pinapakita niya.

"Eh bakit mo naman ako gusto makausap? Wala naman tayong dapat pag-usapan."

"Hmm. Wala lang. Gusto lang kita maging kaibigan. Di ba pwede yun? Hmm. Kasi feeling ko matutulungan mo ko sa studies ko e kasi di ba consistent honor student ka, lagi ka nag-eexcel sa mga subjects natin sa school plus nabanggit pa ni Jelai na valedictorian ka nung elementary kayo. And by the way, sa kanya ko rin nalaman na may kapatid ka na nag-aaral din dito. Si Yuan, right? Yung dating student council president? Grabe, pamilya pala kayo ng mga achievers noh?"

"Teka bakit pati mga yan nabanggit sa'yo ni Jelai ah?"

"Like I said, gusto lang kasi kita maging kaibigan and nung minsan naging groupmates kami ni Jelai sa activity natin sa Filipino ay nakapag-usap kami, yun lang. Nabanggit din niya na super close ka sa lolo at lola mo at may ari ang pamilya niyo ng isang restaurant."

Hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa mga sinasabi ni Jimenez. Ang dami niyang alam tungkol sa akin without me even knowing. Baka nga he's a really good guy. Baka nga naunahan lang talaga ng bwisit at inis kaya ganoon. Nakatitig na lamang ako kanya at hindi malaman ang sasabihin ng biglang narinig ko siyang magsalita.

"So.. Roni, can we be friends? And I promise hindi na kita tatawagin na Ms. Sungit"

"Friends?"

Hindi naman ako agad nakapagsalita. Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba yung kamay niya. Tama bang kalimutan ko na lang lahat ng pangbwibwisit niya sa akin? Siguro nga noh, ilang buwan na rin simula ng nagsimula ang junior year ko at nakakapagod na rin na laging may kinaiinisan. Ngumiti ako at inilahad ang kamay kay Jimenez.

" Okay, friends."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now