Chapter 2: Junior Year

576 28 1
                                    

Excited at nakangiting bumaba si Roni sa kanilang kusina.

"Good morning, mommy! Good morning daddy! Good morning Kuya" Ani ni Roni sabay halik sa pisngi ng mga magulang

" Aba, maganda ata gising ng baby sister ko huh. Wala ata sa aura mo ngayon ang pagiging monster? Bakit? Anong meron?" Pang-aasar na tanong ng Kuya Yuan nya.

"Hay naku Kuya, umagang umaga, nang-aasar ka na naman. Pasalamat ka at ayoko masira ang morning ko noh? Masaya lang naman ako dahil excited ako pumasok. Yun lang" ani ni Roni.

"Hep! Tama na ang usapan ninyong magkapatid at baka kung saan pa mapunta iyan. Kumain na kayo at ihahatid ko na lang kayo sa school ngayon. Okay ba?" saad ng Daddy ng dalawa.

Kung mayroong isang bagay na lubos na pinagpapasalamat si Roni ay yung ay ang pagkaroon ng masaya at buong pamilya. Ang mga magulang niya ay may-ari ng isang restaurant. Ang Kuya Yuan naman niya ay 4th yr highschool student naman sa eskwelahang pinapasukan din nya. 

Pagkatapos mag-almusal ng mag-anak ay inihatid na sila Roni at Yuan sa eskwelahan.

"Good morning, sis!" bati ni Jelai kay Roni. Magkaklase pa rin ang dalawang matalik na magkaibigan.

"Hi, sis! Namiss kita!" saad ni Roni

"Ay, sus. Para naman hindi tayo nag-uusap sa telepono. At nagkikita din naman tayo nung bakasyon. Ikaw talaga sis." sagot ni Jelai

Sasagot pa sana si Roni ng biglang dumating na ang teacher nila. English ang first subject nila at dahil daw first day of classes ay ang nakagawiang introduce yourself ang gagawin nila sa umagang iyon pero with a twist dahil  kapag nagpakilala sila ay ibabahagi nila ang kwento sa likod ng kanilang pangalan at magpapakita sila ng kanilang special talent.

Naenjoy ng buong klase ang activity nila nuong English class kaya hanggang sa mga sumunod na subject ay punong-puno pa rin ng energy ang buong klase.

Sa first day of class din ay nakilala nila ang mga bago pa nilang kaklase na sila Jane at Missy.

Pagkatapos ng 4th period ay sabay-sabay nagpunta sila Roni, Jelai, Missy at Jane sa canteen para maglunch.

"Girls, thank you for allowing me to be your friend" - Missy

"Ako din. Thank you huh! Akala ko mahihirapan akong magkaroon ng bagong kaibigan dahil transferee lang ako dito."- Jane

" Ano ba kayo, wala yun. And besides the more, the merrier. Di ba sis?" - Jelai

"Tama si Jelai! Kaya mabuti pa, i-enjoy na lang natin ang lunch natin." - Roni

Pagkatapos maglunch ay nagpaalam muna si Roni na may kukunin muna sa Kuya Yuan niya.

Pabalik na ng room si Roni, ng may biglang kumalabit sa kanya.

"Hi!"

"Ahmm. Hello?" sagot naman ng dalaga na may kasamang pag-irap ng mata.

"Ay grabe, ang sungit naman nito. Akala ko ba you were named Roni kasi it means 'my song and joy', eh bakit ang sungit mo? Dapat ata itawag ko na sa'yo e Ms. Sungit."

Napatigil sandali si Roni sa paglalakad at duon niya narealize na pamilyar ang mukha ng binata.

"Kaklase kita? Ano nga ulit name mo? Sorry."

"Akala ko ba matalas ang memory ng isang consistent honor student na katulad mo? Bakit hindi mo maalala ang pangalan ko? Grabe naman, ganun ba kadaling kalimutan ang pangalan ng isang gwapo na katulad ko?"

"Alam mo ang yabang mo din e noh. Diyan ka na nga"

"Wait. Sandali lang, sabay na tayo bumalik ng room! And by the way, I'm Borj!"

 Sandali lang, sabay na tayo bumalik ng room! And by the way, I'm Borj!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Roni's POV:

Ano bang problema ng lalaki na 'to at akala mo kung sino kung kausapin ako. Akala mo naman close kami. Pero pamilyar talaga siya e. Saan ko ba siya nakita? Saglit na sinulyapan ni Roni ang binata at sa wakas ay napagtanto niya rin-

"Tama! Siya nga! Siya yung may gusto kay Mia!"

----

Hi, pasensya na po if hindi namemeet ang expectations niyo. I'm really trying my best. Still, I'm hoping you'll appreciate my work. Hehe. Malapit na po ang more kilig moments. 💕

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now