Chapter 17: Anniversary Getaway

502 30 4
                                    

Roni's POV

"Parang dumaan lang ang apat na taon namin sa kolehiyo, halos hindi ko namalayan na natapos na ang apat na taon pero mas namamangha ako sa idea na mag-aapat na taon na kami ni Borj at bilang celebration sa graduation namin at ganoon din sa nalalapit na anniversary namin ay napagdesisyonan namin na pumunta sa Palawan. Isa ito sa dream destination namin, ang dami naming mga dream destinations dito sa Pilipinas at ganoon din sa ibang bansa. Matagal din naming pinag-ipunan ito. Pero kung inaakala niyo na kaming dalawa lang ang nag Palawan, pwes nagkakamali kayo dahil kasama ang buong barkada at kasama din ang pamilya ko gayun din ang lolo't lola ni Borj. Bale ang Palawan trip na ito ay 'College Grad celebration/HS Reunion/Family Vacation/Anniversary Getaway' 4-in-in ang peg ng Palawan trip na ito. Pero itong Palawan trip na ito ang isa sa pinakamemorable para sa akin. Siguro kahit na ilang taon pa ang lumipas habang buhay kong dadalhin sa puso ko.."


Palawan Getaway

"Grabe Roni, sis, namiss kitang makasama sa ganitong mga out of town trips. I miss you, sis!" wika ni Jelai kay Roni

"Hay naku sis, paano ba naman kasi palagi kang hindi pwede lalo na nung last year natin ng college, gusto ko na nga magtampo sa'yo, isang university lang tayo pero hindi kita mahagilap kapag pwede ka naman e si Junjun lang lagi mong kasama." wika ni Roni

"Sis, sorry na. Huwag ka ng magtampo, e ikaw din naman mas madalas mo ding kasama si Borj e." tatawa tawang sagot ni Jelai

"Hay naku, kayong dalawa. Tama na nga 'yang tampo tampo na yan. Alam niyo mag-enjoy na lang tayo dito sa Palawan. Tsaka alam ko namang namiss niyo ang isa't-isa pero Jelai pwede bang ipagdamot ko muna sa iyo 'tong bestfriend mo. Ngayon lang din naman kami magkakasama sa ganitong ka-romantic na lugar oh. Di ba babe?" wika ni Borj na hindi maitago ang kilig at excitement

"Paano ba iyan sis? May request and prince charming mo. Gusto ka daw masolo." saad ni Jelai

Hindi naman sumagot si Roni sa halip ay hinawakan lang niya ang kamay ng kasintahan at tinitigan ito sa mga mata habang hindi maitago ang ngiti sa mga labi. Hindi nagtagal ay hinagkan niya si Borj.

"I love you, Borj!" 

Hindi naman maitago ng binata ang labis na kilig at kasiyahan. Yumakap din ng mahigpit ang binata, at pinaulanan ng halik sa pisngi si Roni. 

"Mahal na mahal kita Ronalisa!" sigaw ni Borj na agad din namang binawal ng dalaga

"Uy, Borj, ano ka ba. Nakakahiya."

"Roni, basta ikaw. Walang hiya hiya. Hinding hindi ako mahihiyang ipakita at ipagsigawan ang pagmamahal ko sa'yo. Huwag na huwag mong kakalimutan 'yan." ani ni Borj

"Oy! Kayong dalawa masyado na naman kayong sweet. Pwede ba maghiwalay naman kayo kahit minsan." wika ni Yuan sa magkasintahan

"Yuan, let them be. Hindi naman namin kayo pinagbabawalan ni Missy kapag nagiging sweet kayo." wika naman ni Tonsy

"Kaya nga honeybunch, masyado ka na namang nagiging strict kuya e. Sila tito at tita nga hindi sila binabawal e." ani naman ni Missy 

"Kayo, mga kontrabida talaga kayo sa mga sinasabi ko e noh. Mga ano din kayo eh" wika ni Yuan na pakunwari'y nagtatampo

"Kuya, alam mo minsan lang naman ako maging ganito. Pagbigyan mo na kami. Ang ganda ng lugar kaya mag-enjoy na lang tayo. Okay?" wika ni Roni sa kapatid.

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now