Chapter 14: Graduation Letter

378 27 8
                                    

Dear Roni, 

As I write this letter, naalala ko kung paano nagsimula ang friendship natin and looking back I never imagined na magiging kaibigan ko ang isa sa achiever sa batch natin. Sinong mag-aakala na effective na pagpapansin ang kulitin at asarin ka. Nainis ka man sa akin noon, well at least all of it is worth it dahil nagkaroon ako ng best friend sa katuhan mo. 

And Roni...

Hindi man tayo nagkaroon ng 'official love story' ngayong high school, I just want you to know that you are more than a friend to me. We may be less than what lovers are pero masaya pa rin ako na kaibigan kita and I will forever treasure yung mga pinagsamahan natin. You've made the last 2 years of my high school life meaningful and memorable. And I'm looking forward sa mga pagsasamahan pa natin in the future. I know maraming pwedeng magbago but please remember that I will always be here for you no matter what. 

I will always support you sa mga pangarap mo sa buhay and please do bear in mind that I am always and will always be proud of you. Ituloy mo ang pangarap mo maging isang doctor, I'm sure isa ka sa magiging pinakamabait, pinakamagaling at siyempre pinakamagandang doctor hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo. Hehe. I'm sure nakangiti ka na kapag nabasa mo 'tong part na ito ng sulat at iyan naman ang gusto kong mangyari at makita - ang ngiti sa mga labi mo kasi sigurado din ako na bago mo 'to mabasa eh kakaiyak mo lang dahil sa graduation natin. Sana palagi kang nakangiti. 

I will always pray for you!

Anyway, thank you again and I just want you to know that....

I love you, I really do.. I will always be your Borj. I will miss you, my Roni.

Forever and Always. ❤️

-Borj

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now