CHAPTER 05

123 23 4
                                    

ZEPHANIAH'S POV




Nakasakay ngayon ako sa kotse at nagdri-drive naman si mang hinar papunta sa University. Sobrang saya ko dahil nakabalik nako sa pag aaral. Mahigit isang linggo ang nakaraan nang mangyari ang nangyari sakin. Naka recover nako at maayos na ngayon ang paglakad ko pero kailangan daw itong ipahinga pag sumasakit at wag mona akong tumakbo. Hindi ko naman mapigilan maalala nong makauwi nako galing sa hospital.

Flashback.....

Nakasakay kami ngayon sa van habang si daddy naman ang nagdri-drive. Habang tinatahak ang daan papunta sa bahay namin ay hindi ko mapigilan ang ngumiti 'thanks God, makakauwi nako!'

Mahigit isang oras kaming bumyahe bago makarating sa bahay namin. Binuksan naman ni daddy ang pinto sa tapat ko at inalalayan naman ako makababa. Lumabas naman ang mga kasam bahay namin para kunin ang mga gamit namin sa loob ng van.

"Salamat naman sa Diyos at nakauwi kayo ng ligtas." Sinalubong naman kami ni manang. Bumaling naman siya sakin.

"Kamusta ang pakiramdam mo hija?" Alalang tanong naman ni manang sakin.

"Maayos naman ho ako." Ngiting tugon ko.

"Oh siya, alalayan na kita papasok." Sabi naman ni manang at gaya nga ng sinabi niya ay inalalayan nya'ko papasok ng bahay. Dahan-dahan naman ako maglakad habang hawak ni manang ang kamay ko para alalayan ako si daddy naman ay nagtulong magbitbit ng mga gamit namin, ganon nadin si mommy. Nang makapasok kami nanlaki naman ako sa nakita ko. Taka naman akong tumingin kay manang na ngayon ay nakangisi na.

"M-manang kanino galing tong mga b-bulaklak?" Takang kong tanong kay manang. Sino bang hindi magugulat kung ang unang bungad mo ay ang magagandang at iba't ibang klase ng mga bulaklak. At nakalagay ito sa basket. Mga dalawampung basket ng bulaklak ang andito. Yun ang pagkakabilang ko.

"Nako hija, nagulat nga din ako. Ito nga pala." At may inabot naman sakin si manang ng isang papel na nakatupi yun. "Mamaya mo nayan basahin, umupo ka muna." at inalalayan nyako makaupo sa couch.

"Diyan ka muna, ipagluluto ko lang kayo ng makakain." Paalam naman ni manang at tsaka umalis.

Taka ko namang tinignan ang papel na ibinigay sakin ni manang. Binuksan ko naman yun at binasa ang nakasulat don.

'Hi Zeph, sorry kong hindi ako nakapagbisita sayo, kaya ipinadala ko nalang dyan sa bahay niyo. Hope you like it. I'm so worried when I heard about what happened to you. 'Di agad ako nakapagbisiti dahil marami akong ginawa. 'Di ko alam kong anong favorite flower mo kaya binili ko lahat, sorry 'bout that. See you soon Zeph.

Loving Timothy,

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Tinupi ko naman yun at tinignan isa-isa ang mga bulaklak na pinadala ni Timothy. 'He's so sweet.'

"Bakit ang raming bulaklak dito?" Nagulat naman si daddy sa raming bulaklak ang nakita niya.

"Oh my god, they're beautiful." Ngiting sabi naman ni mommy.

"Galing sa secret admirer ni Zeph yan." Biglang sulpot naman ni manang na may dalang isang tray at may kasamang siyang dalawang kasambahay na may dala ding tig-isang tray. Inilapag naman nila yun sa maliit na mesa na nasa harapan ko.

The Day When You Lie Where stories live. Discover now