CHAPTER 08

89 21 0
                                    

ZEPHANIAH'S POV




Sobrang saya ko dahil nakahanap na ng the one si Isaiah. When kaya no?

“Stop smiling.” Sita naman sakin ni Timothy. Pauwi na kami ngayon galing sa beach kung saan ay naging official na sila Isaiah at Gian.

Inirapan ko naman siya. “Pake mo ha?”

“Ba't ba ang sungit sungit mo?” Inis niyang sabi sakin habang nakatingin sa daan.

Napa-tsked naman ako. “Wala kana dun, mind your own business hmp!” Tumingin naman ako sa labas ng bintana.

Naramdaman ko naman na bumuntong hininga si Timothy. Walang ingay naman namin tinahak ang daan papunta sa bahay ko. Mga ilang oras bago kami makarating sa bahay. Bumaba naman si Timothy para buksan ako nang pinto pero inunahan kona siya. Hinarap ko muna siya bago magsalita.

“Thank you.” Sarkastiko kong sabi sabay talikod.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ang kamay ko.

“Ano ba ang problema Zeph? Ba't ang sungit sungit mo sakin?” Tanong naman niya.

Humarap naman ako sakanya at tumawa nang mapakla.

“Ako masungit? Eh ikaw nga umiiwas sakin!” Sigaw ko sakanya.

“Anong umiiwas? Ba't naman kita iiwasan?” Kunot noo niyang tanong.

Napa-tsked naman ako.

“Wag kanang magmaang-maang Timo, iniiwasan moko!”

“Ba't ba galit ka? Anong gusto mong gawin ko? Magdikit lang sayo habang buhay? Ganon ba yun?”

Bumuntong hininga naman ako.

“Wag mo nang isipin yun. Umuwi kana gabi na din. At salamat.” Nagiwas naman ako nang tingin at tinalikuran siya.

Deretso lang ako naglalakad hanggang sa makapasok ako.

“Oh hija, tara na't kumain kana. Andun na ang magulang mo hinihintay ka.” Salubong sakin ni Manang. Tumango naman ako at nginitian siya.

Naglakad naman ako papunta sa dinning room at nadatnan kong kumakain sila mommy at zibeon.

Umupo naman ako sa tabi ni zibeon. At sinimulan nang kumain.

“How's your school baby?” Tanong naman ni Mommy kay Zibeon habang inilagay naman ni Mommy ang plato ko ng ulam.

“Maayos naman po.” Tugon naman ni Zib.

Tumango-tango naman si Mommy.

“Eh ikaw anak? How's school?” Baling naman sa'kin ni Mommy.

Inubos kona muna ang laman nang bibig ko bago sumagot.

“Maraming projects and assignments as usual. Pero kaya panaman.” Sagot ko.

Tumango naman si Mommy.

“Dapat mag aral kayo ng maayos para pag nawala kami, kayo na ang maghahawak ng company natin.” Ngiting sabi samin ni Daddy.

Napatigil naman ako at tumingin kay Daddy na nakangiti na nakatingin sakin. Bakit parang iba ang pakiramdam ko sa sinabi ni Daddy? Parang hindi tama.

“Hon?!” Pinandilatan naman ni Mommy si Daddy.

“What?”  Natatawa namang tumingin si Daddy kay Mommy. “Sinasabi ko lang naman hon, malay mo diba? Hindi natin ang future natin.”

The Day When You Lie Where stories live. Discover now