CHAPTER 17

72 17 0
                                    

ZEPHANIAH'S POV

“Please, pass your papers!” Sigaw nang prof namin. Isa-isa naman naming ipinasa ang mga papel dahil kakatapos palang ng exam namin. Isang linggo na ang nakakalipas ang sleep over namin. Nagkausap naman kami ni Timo pero tamang kamustahan lang at boom! Tapos na ang usapan.

“Goobye class, goodluck to all of you!” She smiled at us before she left.

“Jusko! Sana perfect ang score ko!” Maiiyak na sabi ni Isaiah. Naglalakad na kaming dalawa papunta sa caf dahil break time na. Hindi namin kasama si Jane dahil pumunta agad ito sa library para magreview. Umupo agad kami nang makarating kami sa caf.

“Ano ang gusto mo? Ako na ang magpipila.” Suhensyon ko naman.

“Hmm...ganun padin. Isang milktea at isang burger.”

Tumango naman ako bago pumila. Nagorder agad ako nang makaabot ako sa counter. Sinabi ko naman ang order ko. Babayaran ko na sana ito nang may biglang nagsalita.

“Ako na ang magbabayad.” Nginitian naman nya ako.

Inirapan ko naman sya.

“Wag na oy! Tsaka marami pa ang utang ko sayo, kaya wag na!” Magbabayad na sana ako nang pigilan naman nya ako.

“Anong utang? Hoy! Hindi utang yun ah.”

“Babayaran naman kita, kaya wag kang mag alala.”

“Hindi nga kase utang yun. Libre yun Zeph.”

“Aba! Kailan pa naging libre ang utang  James?”

“Ikaw na nga tong nililibre, nagpapakipot kapa.”

“Gago! Mukha ba akong nagpapakipot ha? Eh ikaw nga tong duwag!” Singal ko naman.

“Aba! Aba! Kailan pa akong naging duwag ha?”

“Aba, malay ko sayo i—”

“Ano baaaa! Magbabayad ba kayo o hindi?! Kanina pa kayo eh! Kung magaaway lang kayo dahil sa paganyan-ganyan nyo! Masilayas na kayo mga bwct! Hindi lang kayo ang nagoorder! Kung hindi nyo to babayaran dahil sa lintik nyong pag aaway, wag na kayong bumili!” Sigaw naman samin ng tindera.

“Pasensya na ho ah! Eto kaseng bruha tong eh—”

“Hoy hindi ako bruha—”

“Isa pa!” Napahinto naman ako sa pagsasalita.

“Hehe ito na ho ang bayad! Have a nice day! By the way, and ganda nyo po hehe. I love you tita muah!” Kinuha agad ni James ang isang tray at dali-dali kaming umalis.

“Sandali ang sukle mo!” Sabi ko naman sakanya.

“Wag na, isang pesos lang naman ang sukle nun eh.”

Napatango naman ako.

“Anong nangyari?” Tanong naman ni Isaiah nang makarating kami. Andito din pala si Gian. Wala si Edzon dahil kasama si Jane.

“Eto kase! Ang epal!” Inis ko namang sabi.

“Ako pa talaga yung epal ah, eh ikaw nga tong naninigaw nang walang dahilan!” Ani James.

The Day When You Lie Where stories live. Discover now