CHAPTER 30

68 15 3
                                    

A/N: Hello! Sorry for almost a month walang ud, naging busy ako and I forgot that I have a on-going story haha. Nov, I started writing this chap but hindi natapos dahil marami na akong ginagawa, naging busy na din sa lovelife charizz. Btw Happy New Year guyss, and enjoy readingg. Muah, its good to be back!

ZEPHANIAH'S POV

"A-anong ibig m-mong sabihin?" Utal kong tanong.

"Lets break up." Malamig n'yang ani.

Agad naman tumulo ang luha ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Ipinikit ko ang mga mata ko na sana panaginip lang lahat ng ito. Huminga ako ng malalim bago tumingin ng derekta sa mga mata n'ya. Hahawakan ko na sana ang kamay n'ya pero agad n'ya itong iniwas. Nakapakagat naman akong sariling labi.

"Babe, p-pagusapan n-natin 'to." Utal kong saad.

Huminga ito ng malalim. "Ayaw kona Zeph, pagod na ako—"

"E, ako ba?" Tinignan ko ito ng matagal bago umiwas. Pinakalma ko muna ang sarili ko.

"Pagod na din ako Timo, e. Pagod na pagod na pagod na ako...." May isang butil ng luha ang bumagsak mula sa'king mata. "Pagod na'ko pero pinipilit ko dahil mahal kita."

Umiwas ito ng tingin. "May nagawa ba akong mali? May kulang ba sa'kin? Hindi mona ba ako mahal—"

"Mahal kita Zeph—"

"Pero bakit?! B-bakit b-bumitaw ka?" Nanghihina kong aniya. Sinusubukan kong magpakalakas pero hindi ko kaya. Nanghihina ako.

"You don't understand—"

"Ang alin?! Sige, sabihin mo sakin! Alin ang hindi ko naintindihan?"

"Ayaw kitang masaktan—"

"E, ano bang ginagawa mo ngayon? Sa tingin mo hindi ako nasasaktan?"

"Zeph," Huminga ito ng malalim. "Pagod na'ko, ayaw kona! Sawang-sawa na'ko! alin ba don ang hindi mo maintidihan?!"

"H-hindi....hindi totoo yan."

"That's the truth Zeph. Sa 5 years nating pagsasama, hindi ko man lang naramdaman ang saya, kilig."

"A-anong s-sabi mo?"

Mapakla itong tumawa. "Please Zeph, wag mo na akong pahirapan pa. Oo mahal kita, pero dati yun."

Gusto ko s'yang sampalin ngayon. Ano bang pinagsasabi n'ya? Baliw ba'to? Si Timothy ba'to? Parang hindi, e. Ang layo ng Timothy na nakilala ko. Naikuyom ko naman ang kamao ko.

"Tangina naman Timo, e! Hindi ako nagmumura pero, gago ka! Ang gago mo!" Pinagsusuntok ko s'ya sa dibdib hanggang sa manghina ako.

"Mahal kita, e. Pero bakit mo'to ginagawa sa'kin? Timo naman , e! Nasan yung mga pangako mo? Yung sabi mo h-hindi m-mo'ko iiwan? Nasaan yun? Bakit hindi mo tinupad?" Hindi ito nagsalita. Pinunasan ko agad ang luha ko.

"B-bigyan mo'ko ng m-masakit na dahilan, at....p-papakawalan na k-kita." Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya. Siguro tama na. Saan paba ako kakapit, kung bumitaw na s'ya.

The Day When You Lie Where stories live. Discover now