CHAPTER 09

92 23 0
                                    

ZEPHANIAH'S POV




"Anong ginagawa mo dito?" Kunot nuo kong tanong kay Timo.

"Bakit bawal ba kitang bisitahin?" Ngumuso naman siya.

Hindi ko alam kung bakit andito siya ngayon sa bahay. Nasapo ko naman ang nuo ko.

"Hindi, pero anong ginagawa mo dito sa bahay?"

"Binibisita ka."

Napatunganga naman ako.

"Binibisita mo'ko? Bakit?" Nabigla padin ako sa biglaang pagbisita niya.

"Wala lang, gusto ko lang."

"Umuwi kana." Pagtataboy ko sakanya.

Ngumuso naman siya sakin.

"Sayang naman itong binili ko." Pinakita naman niya ang isang plastik ng paborito kong milk tea at sa isa naman niyang kamay ay isang box ng chocolate cake. Naglalaway man ay hindi pwede siyang pumasok sa loob.

"Umuwi kana, please." Pakikusap ko.

Bumuntong hininga naman siya bago tumalikod. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Sino yan anak?" Biglang sulpot ni Mommy.

"Ah...eh..."

"Bakit hindi mo pinapasok?" Kunot noong tanong ni Mommy. Hindi naman ako nakasagot. Sa halip ay tinawag ni Mommy si Timo.

"Hijo!"

Lumingon naman si Timo at lumapad naman ang ngiti niya.

"Anong pangalan mo?" Tanong naman ni Mommy kay Timo.

Lumapit naman si Timo.

"Ako ho si Timothy."

"Nice name huh. So, kaano-ano mo ang anak kong si Zeph?" Seryosong tanong ni Mommy.

Naghihintay naman ako ng sagot ni Timo.

"Manliligaw ho ako niya."

(0_0)

Nabigla naman ako sa sinagot niya. Ano daw?! Manliligaw?! Aba!

Napatingin naman sakin si mommy sabay ngisi.

"I didn't know that my princess has a suitor."

"Hindi ho ba sinabi sainyo ni Zeph? Almost 5 months na ho ako nanliligaw."

Mas lalong nanlaki ang mata ko.

"Hindi yun to-"

"Hali na't pumasok ka timo." sabi naman ni mommy kaya hindi kona naituloy ang sasabihin ko.

Tumango naman siya. Kinuha naman ni mommy ang kamay ni timo sabay hila papasok ng bahay. Ako naman ay nilagpasan lang.

"Anak pakisara nalang ng gate!" habol namang sabi ni mommy.

Ako naman ay padabog na sinara ang gate. Pumasok naman ako sa loob at natagpuan kong nakikipagtawanan si Zibeon kay Timo. Bumuntong hininga naman ako bago lagpasan sila at naglakad papunta sa kwarto ko. Hindi pa ako nakakaakyat ay sinalubong ako ni manang.

"Kay gwapo naman hija ng manliligaw mo." Sabi naman niya habang nakatingin kay Timo.

Napapikit naman ako sa inis.

"Manang," hinawakan ko naman ang balikat niya. "Hindi ko siya manliligaw ok?"

"Jusko, hija wag kanang magsinungaling pa. Oh siya, dalhin moto sakanila alam kong nagugutom na yun kakausap." at linagpasan naman ako ni manang.

The Day When You Lie Where stories live. Discover now