CHAPTER 15

60 19 0
                                    

ISAIAH'S POV

Masaya akong pumasok sa loob ng bahay nila Zeph. Bakit ako andito? Sekretong malupit! Hahaha!

“Hi manang!” Agad na bati ko sakanya nang makita ko siya sa living room, naglilinis.

“Hi hija!” Naglakad naman papalapit sakin si manang.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong naman niya habang nakangiti.

“Nako manang bigla ho eh, dito ako matutulog. Asan ho ba sila tita?” Natatawang kong tanong.

“Nako kakaalis lang nila dahil may emergency daw sa company, oh siya maupo ka rito at ipaghahanda kita ng makakain.” Nginitian muna niya ako bago talikuran.

Umupo naman ang sa sofa at nagsipasukan naman ang mga maids ko kasabay si Zeph na ngayon at naka-crossed ang dalawang kamay habang nakakunot ang noo.

“Ba't ang rami naman ata ng gamit mo? Hanggang kailan kaba—”

“1 week.” Agad na sagot ko kahit hindi pa naituloy ang tanong niya. Nakita ko naman nanlaki ang mata niya.

“Pero—”

“Andito na yung cookies mo!” Bigla naman sumulpot si manang kaya hindi nadin naituloy ang sasabihin ni Zeph.

“Salamat ho manang!” Ngiting saad ko.

“Oh siya, maiwan muna kita medyo marami-rami pa ang gagawin ko.” Nginitian muna niya kami bago niya kami talikuran.

Bumuntong hininga muna ako bago kumain na inihanda ni manang oara sakin.

“Ganun katagal Isaiah?” Napatingin naman ako kay Zeph na ngayon ay nakaupo na habang naka-crossed ang legs niya at ang dalawa niyang kamay habang nakakunot padin ang noo.

“Yup.” Tangin sagot dahil busy ako sa pagkain.

“Pero—”

“Zeph, alam naman nila mommy at pumayag sila. Alam din to ng magulang mo kaya agad akong pumunta rito.” Agad na sabi ko.

“Baka may mangyaring masama naman sayo dahil saakin—”

Nailapag ko naman ang juice na iniinom ko sa mini table.

“Zeph, yan nanaman ba ang iniisip mo? Walang mangyayaring masama sakin ok? Kaya nga dito ako matutulog para may kasama ka naman ket papaano.” Pinigilan ko naman ang inis sa pananalita ko.

Bumuntong hininga naman ito at malungkot na tumingin sakin.

“Iniisip lang naman kita eh. Bilang kaibigan, ayaw kong may mangyari namang masama sayo. Ayaw kona ulit mangyari ang nangyari sayo.” Nakita ko naman na maluluha na siya. “Kung pu-pwede umuwi kana lang Isaiah. Kase kahit ngayon, sinisisi ko padin ang sarili ko sa nangyari sayo, sainyo ni James. Naiiyak padin ako kapag nakikita kita.” At tuluyan ng pumatak ang kanina niyang pinipigilang luha.

Mapatayo naman ako at lumapit sakanya sabay yakap ng mahigpit.

“Sorry.” Tanging saad ko. Kusa nading tumulo ang luha ko. Hindi ko kaya na makitang umiiyak si Zeph dahil lang sa nangyari sakin, samin ni James. Kahit ilang linggo na ang nakakalipas, sinisisi padin niya ang sarili niya sa mga nangyari.

“Sobrang bigat dahil hindi man lang kita na ligtas nang mga oras nayun, ne hindi man lang kita naprotektahan—”

“Shhhh....its ok Zeph. Matagal naman yun eh. Tignan mo ok naman ako oh! Malakas nako! Maayos na ang mga sugat at pasa ko.” Kumawala naman ako sa pagkakayakap at ngumiti sakanya. “Linigtas moko Zeph, prinotektahan moko, simula palang. Ikaw na ang naging pamilya ko Zeph, tinuri na kitang tunay na kapatid. Kaya sana, kalimutan na nating ang mga nangyari, kung pu-pwede.”

The Day When You Lie Where stories live. Discover now