FH 49:

37.4K 843 23
                                    

ang saya sa booksigning ni xxakanexx, nakakatuwa siya, enjoy!

#unedited

………………………………………………………………………………………

FH 49:

“Why did you kissed me?” dinig nila ang pagsusungit ng bunsong anak ni Clem, nagrereklamo sa mommy nito, habang pinapahid ang pisngi, tumingin naman si Phin sa parents nito, parang nagpapasaklolo. She got the impression nab aka mapagalitan.

Agad lumapit si Luke sa kanyang anak para damayan ito at sawayin na rin na hindi dapat nanghahalik ng basta basta. O wag na lang talaga.

“Daddy, diba kapag love kinikiss?” paliwanag nito kay Luke na hindi alam kung paano sasabihin sa anak na hindi niya nagustuhan ang paghalik na ginawa nito sa kababata. Hawak pa rin nito ang reagalo kay Ron, hindi na nagawang ibigay dahil umalis na ang bata papunta sa ibang mga batang bisita na rin.

“Baby, you shoudn’t be doing that, you’re still young and,” kunot noo lang ang reaction nito sa kanyang sinasabi, bumaling na lang siya kay Pyne para humingi ng saklolo.

Ang hirap aminin pero hindi niya kaya ang mga ganitong sitwasyon.

“Baby,” si Pyne na ang lumapit at kinarga ang anak, natatawa pa rin siya sa expression ni Luke. She can tell how worried he is , ganito pa lang kasimple ang pangyayari paano pa kaya kapag nagdalaga na ang kanilang anak? Paano pa kaya kapag nagkagusto na ito, na inlove at nagkaroon ng boyfriend? Baka atakihin na ang kanyang asawa sa pagkapraning.

Tiyak niyang sasakit ang ulo ni Luke.

 She’ sfine with it though, para kasi sa kanya, yung mga pakiramdam na ganito, simple lang at masarap sa damdamin, just like her towards Luke, yun nga lang mukhang mas maaga kay Phin dahil ilang taon pa lang ito, pero walang bukambibig kung hindi ang anak nina Clayann at Jett na si Ron, kung kailan sila pupunta, kailan sila maglalaro, things like that, doon siya natalo ng kanyang anak..

“Yes mommy, are you mad because I kissed Ron and he didn’t like it?”

“Hindi naman ganoon baby,” inalo nya ito, Pyne look at her husband na nakangiwi pa rin” nagseselos kami syempre kapag may kinikiss kang iba, diba dapat sina mommy at daddy lang?” Pyne sounded disappointed kaya naman napaisip ang anak.

“Ay, sorry po, I will kiss you both,” lumapit din si Luke at pinupog sila ng halik ng kanilang anak. Nawala na ang kanyang tampo, lambing lang naman kasi ang katapat, mapapawi na ang kanyang inis.

“Sorry sa inasal ng anak ko, pasenysa na kasi medyo suplado ang isang yun,” lumapit si Clayann sa kanila para humingi ng pasenysa. Abala ang lahat sa mansion, maayos na ang garden dahil doon magaganap ang 4th birthday ng bunso ng mga Romualdez.

“It’s okay,” Pyne smile, okey lang naman sa kanya, at sa amo ng hitsura ni Clayann talagang  mawawala ang ano mang tampo sa loob mo.

“Alam ko naman kasi kung kanino mana,” si Luke na hinampas niPyne, ang asawa na naman kasi ni Clayann na si Jett ang tinutukoy nito. napatawa na lamang si Clayann dahil sanay na siya ng nasasabihan ng ganoon. Lahat kasi ng mga anak nila may attitude na namana sa ama, kung bakit daw hindi sa kanya nagmana ng kabaitan. Kung bakit daw kasi napakalakas ng kamandag ng kanyang asawa.

Isa lang naman ang sinasagot ni Jett.

Gwapo eh.

Sagot na wala namang koneksyon sa tanong.

“are you okey Phin, punta tayo kay ate Ran magplay kayo,” pagkarinig sa pangalan ng babaeng anak ni Clayann ay ngumiti na si Phineas at nagpapababa. She likes Ran, she likes to call her ate, she likes to play with her.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedWhere stories live. Discover now