FH 28:

33.3K 892 29
                                    

FH 28:

 

#unedited

Tama ngang sabihin na bumaliktad na ang mundo...ang dating hinahabol ay siya na ngayong naghahabol, pero kahit two weeks na siyang nakakauwi sa bansa ay hindi niya pa rin magawang magpakita dito. Yes he's been following Pyne, alam niya na sa maikling panahon ang mga naging tagumpay nito sa napiling negosyo, batid niya na rin na marami lalo ang humahanga dito, kitang kita niya rin kung paano halos gabi-gabi itong sinusundo ni Newton, sundo na mauuwi sa romantic dinner...wala naman siyang lakas ng loob na pumagitna at pumigil sa masayang kwentuhan ng mga ito habang kumakain, nakukuntento lamang siya sa panakanakang pagsulyap at pakikinig sa daloy ng usapan ng mga ito…

Sa usapang iyon, malabo na marinig niya ang kanyang pangalan mula sa bibig ni Pyne, siguro nga tama si Mir, nakalimutan na siya nito.

Nakakahiya, dahil binalaan na siya ni Mir noon, pero never siyang nakinig.

Wala siyang lakas ng loob, dahil ang tiyak na malinaw lamang ay kung gaano kasakit na makita itong ngumingiti at tumatawa sa piling ng iba.

Kasiyahan na kailanman ay hindi niya naibigay dito…

……………………………………………………………………………………….

“Akala ko ba hindi mo ako tutulungan?” kinunutan niya ng noo si Mir, ngingisi ngisi kasi itong itong nakatingin sa kanya, hawak nito ang invitation para sa fashion show ng clothing line ng Finest, pag-aari ni Pyne, nagtataka lamang siya dahil sumumpa pa kunwari ito na hindi daw ito tutulong pero, heto eto ngayon, ito pa ang nakagawa ng paraan para kumuha ng ticket na exclusive lamang para sa mga taong related sa business ni Pyne.

“Syempre di ko matitiis ang kamiserablehan mo, magpakamatay ka pa, makokonsensya pa ako,” nangiti na lamang siya sa sinabi nito, mahirap nab aka magbago ang isip, hindi naman ibig sabihin na itinanong niya yun, tatanggihan niya ang tulong nito, he needs all the help that he can get, lalo na’t wala siyang sapat ng lakas ng loob na harapin si Pyne.

Hiyang hiya siya sa mga nagawa niya dito, takot siya na mareject nito, kaya bago mangyari yun, bubusugin niya na lamang muna ang sarili na panoorin ito na matagumpay, hindi naman siya magpapakita, gusto niya lamang itong makita.

“Paano ka nakakuha nyan?” nag-isip pa muna ito, pero maya maya ay napabuntunghininga na lamang..

“Wag mo na lang alamin muna, malalaman mo na rin naman ito mamaya…” may ibinulong pa ito pero hindi niya na lamang pinagka-abalahan, iniintindi niya na lamang ang kasiyahan na makakapunta siya sa event ni Pyne…

Hindi na sila nag-akasaya ng oras nagbihis na sila at nagpunta agad sa hotel…hindi niya alam kung may makakakilala sa kanya, pero sana wala, hindi pa rin kasi siya humaharap sa mga magulang niya, hindi niay pa alam kung ano ang mga sasabihin. Hindi niya alam kung maiintindihan siya ng mga ito, hindi niya alam kung maiintindihan pa siya ng mga ito ngayon.

“Mir!” tawag ng isang babae ang nagpabaling sa mapaghanap na mata ni Luke, he is trying to look for Pyne, katabi niya si  Mir na naka red suit, mukhang sasabog sa pagkapula that’s why Luke kept his distance on him.

“Yin yin darling, salamat sa ticket,” nagbeso ang dalawa, kapwa nanlaki ang mga mata nina Luke at Yin yin pagkakita sa isa’t –isa.

“Luke!” gulat na tawag nito na parang natuklaw ng ahas.

“What are you doing here?” gulat na wika ni Luke, ito yung babaeng binayaran niya para saktan si Pyne, noong gabi nay un, bagay na lubos niyang pinagsisisihan pagkatapos, kung pwede lamang sanang ibalik, hindi niya sana ginawa ang bagay nay un kay Pyne.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedWhere stories live. Discover now