FH 30:

35.8K 906 62
                                    

matrabaho ng konti ang new watty, konti lang naman..

sorry busy much po:)sobrang busy po talaga..

#unedited

.........................……………………………………………………………………………………….

FH 30:

He made his way inside, hindi matandaan ni Pyne na binigyan niya ito ng pahintulot para pumasok, although she was sorry na nasaktan niya ito.

Sadyang nagulat lamang siya, pero hindi nga ba’t patas lamang sila?

Pero ano nga ba talaga ang sadya nito?

To confuse her already confuse mind?

Napapikit pa siya ng mariin, dahan dahan niyang sinara ang pinto para harapin ang kanyang bisita. Hindi siya sigurado kung ano ang pakay nito, ayaw niyang maniwala sa sinabi nito na mimiss siya.

Para sa kanya, napaka imposible ng bagay na yun, kung noon sana niya narinig yun mula kay Luke, marahil naglulupasay na siya sa kilig, kanya lamang iba na ngayon, iba na ang panahon, iba na ang sitwasyon.

Naabutan niya itong nakaupo sa living room, palinga linga ito, wala naman siyang dapat ipag-alala, wala namang bakas na magpapaalala ng pagkahumaling niya dito noon. Kung dati, kahit saan siya lumingon may picture o bagay na magpapaalala kay Luke hindi na ngayon.

Bawal.

Nakahukipkip si Pyne habang nakatingin dito, naiilang siya sa presensya nito, pero hindi naman siya tinuruan na maging bastos.

“It’s late, “umpisa niya, nakuha niya ang atensyon ni Luke.

“ I saw you earlier, natutuwa ako na successful ang negosyo mo,” iniwas ni Pyne ang kanyang mga mata,  hindi niya kaya ang paraan ng pagtitig ni Luke sa kanya, ayaw niya rin na bumalik siya sa pagkalunod sa maamo nitong mata.

Umasa na siya doon, nasaktan na siya doon ng sobra.

“Yes, that’s all because of you, thank you for leaving me,” sinabi niya yun matapos parangalan ang kanyang sarili. It’s not important kung masaktan man ito sa sinabi niya, napakababaw noon, pero tama naman kung di dahil dito, hindi siya magsusumikap, kung di dahil pag iwan nito… kung hindi dahil sa matinding pagkawala… hindi niya parurusahan ang kanyang sarili ng ganito.

Parusa na nakakabuti sa mga tao sa paligid niya dahil marami siyang natutulungan, pero hindi alam ng lahat ang kanyang tunay na dahilan, naiintindihan ni Newton kahit hindi ito nagsasalita…Pampakalimot ang FINEST para sa kanya, napapagod siya at hindi nagkakaroon ng oras para isipin kung gaano kasakit ang mawalan.

Ang ipagtulakan, ang tratuhin ng pinakamababa, ang sisihin ang sarili ng sobra…

She is blaming herself, kasalanan niya, siya higit sa lahat ang dapat na sisihin, nakaramdam na siya ng sign noon, pagkahilo, pagsusuka…kaya lamang masyado niyang pinagtuunan ng pansin ang kanyang emosyon, hinayaan niya ito ang magdikta sa kanya, maging ang parte ng utak niya na alipin ng kabaliwan kay Luke.

Kung maaga niya sana na realize, hindi na sana hahantong sa ganito. Tanggap niya na wala silang happy ending ni Luke, pero hinding hindi niya matatanggap na siya ang pumatay sa kanyang anak.

He is bad for me.

 

“Achooo!” napahatsing ito, doon niya napansin na basa pala ang damit nito, hawak din nito. Hindi niya masabi kung totoo ang lungkot sa mga mata nito, pero hindi ito sumagot sa sinabi niya.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon