FH 43:

35.9K 937 46
                                    

#unedited, konti na lang

………………………………………………………………………………………

FH 43:

Kailangang macontact agad ni Pyne ang ama , matapos ang pagsusuka she went to her room and grab her phone. Hindi nga sya nagkamali, maraming miscalls ang kanyang ama, hindi naman kasi ito tatawag sa kanyang landline kung nasagot lang niya iyon at hindi siya nagpakatulog mantika kanina. Napigilan niya sana na malaman nito na kasama niya ngayon si Luke, hindi pa nga siya nakakapag-isip ng maayos kung paano niya sasabihin sa kanyang pamilya na buntis siya at si Luke na naman ang ama.

She can’t stop herself from thinking worst scenarios, nakita ng pamilya niya kung paano siya nasaktan, hindi man sabihin ng mga ito but they wanted Luke totally out of her system.

Ginawa naman niya yun, sinubukan, kahit alam niya may parte pa rin na nangangarap na magkakatotoo ang pangarap na binuo niya pagkabata, pero nawalan lahat yun ng saysay ng si Luke naman ang lumapit sa kanya, paano niya matatanggihan ng tuluyan ang mga ginagawa nito kung naalala niya lagi kung paano siya noon?

“Dad!” napasigaw pa siya ng marinig ang boses ng ama, finally he answered.

“You never learned.” Pambungad nito, bakas ang galit sa boses, kinabahan siya habang bumubuntunghininga ang ama sa kabilang linya.

“Dad?” ulit niya, kahit hindi niya alam kung saan mag-uumpisa ang kanyang mahaba habang paliwanagan.

“What now? Hihintayin mo ba na ako ang pumunta diyan?”matagal ding hindi niya narinig ang authorative na tono ng ama, she’s giving her choice na hindi niya mahihindiian.

“Dad, I will explain everything, pupunta po ako,” sabi niya sa nakikiusap na tono. Huminga ng malalim ang ama sa kabilang linya bago nagsalita.

“You know what I want at this point, and it’s not just you.” Huling linya nito bago pinutol ang linya, hindi na hinintay ang kanyang sagot.

She will not abide to his demand, hindi niya isasama si Luke, it will make everything worst, nagtitimpi lang ang kanyang ama at hindi niya pinangarap na makita ang pagsabog nito nanghihina niyang ibinaba ang cellphone sa mesa, napaupo siya sa kama, balisa habang sapo ang ulo.

“You okay?Can I come in?” marahang katok ni Luke ang nagpatigil sa kanyang pag-iisip.

“I’m okay,” sagot niya dito.

“You don’t sound okay to me,” pangungulit nito. nakaramdam siya ng iritasyon dito, may sakit na nga pero nagiging makulit pa.

“Kung may hindi okay sa ating dalawa, ikaw yun at hindi ako so please leave me alone!” sagot niya dito, she said please, pero ng mapagtanto na hindi maganda ang nasabi ay wala na siyang magawa para mabawi pa ito. Ang ibig sabihin lang naman niya ay ito ang hindi maayos dahil may sakit.

“Si-sige, call me kapag may kailangan ka,” tumahimik na sa labas , sanhi na lumayo ito, muli siyang nahiga sa kama, hinawakan niya ang kanyang impis na tiyan, saka siya nakaramdam ng kapayapaan, dito siya kukuha ng lakas.

From now on, whatever they say, wala akong pakialam, ikaw ang mahalaga, my baby.

 

 Nagdesisyon siya na lunch time na siya pumunta kaya naman nagpahila siya sa antok na kanyang nararamdaman, baka sakaling maging maayos ang lahat pagkagising niya. She texted her father then, hindi nga lang niya sinabi na hindi niya isasama si Luke.  She will go alone, and that’s final.

…………………………………………………………………………………………

Hindi niya na muling inabala si Pyne, alam niyang kailangan din nitong magpahinga, he is worried dahil sinuka lang nito ang kinain. Naging balisa ito ng malaman na sinagot niya ang tawag ng ama nito, galit ang boses nito ng marinig siya sa kabilang linya. Kung kaharap lamang siya nito, maaring hindi ito nakapagtimpi. Yung ama niya nga galit na  galit sa kanya, ito pa kaya na ama ng babaeng sinaktan niya?

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz