FH 25:

34.7K 839 66
                                    

Sinulit ko ang sembreak kaya sunod sunod upadte this past weeks , pero nextweek , start na ng madugong second semester, we had met some of our prof, sa macro( na nag-alanganin ako sa micro last sem, buti pumasa sa remedial,) and sa LAW, sobra daw higpit ni Atty..walang quiz, pero recitation, memorization of articles,(i need this for Ren's strory) tapos yung ibang major...gabi ang klase ko 5-9PM...

morning po, may work ako till 4pm..three hours left to study...so bakit ko to sinasabi? 

paaral ko po ang sarili ko, pag hindi ako kumilos, magugutom ako, ayoko pong magutom nagiging bampira ako, pag naging bampira ako, mangangagat ako, pag nangagat ako, gusto ko yung diabetic na type A ang dugo...

stop na nga, di nyo naman to babasahin eh:(

#CAMEONGISANGMAKULITNAMISSKONAPEROKAYOHINDINIYAMISS.

……………………………………………..

FH 25:

#unedited

“Love yourself and be proud of everything that you do, even your mistakes, 
because even your mistakes mean you're trying”

(c) to the owner

But i will always regret my mistake- Pyne

................

TWO YEARS AFTER

Pyne is looking for her favorite flowers, daisy and sunflower, gusto niya talaga ang kombinasyon ng dalawang bulaklak, flowers have their meanings, kagaya ng sunflower. Nasa gitna siya ng pag-iisip ng may makaagaw ng kanyang atensyon. Agad siyang napahinto para makiusyoso sa tindera at sa batang lalake na nag-uusap.

How cute.

She can't help but to admire the cute kid, nakasuot ang back pack at nakabonnet ito...inilipag nito ang pera sa mesa...nakakatuwa na alam pa nito ang denomination ng batang dala...

"Heto po yung pera ko ate, okay na po ba?" nakangiti pa ito habang nakamasid ang medyo bata pang tindera,tinanggal ng bata ang sombrero nito na may naka print na Ren, pinapaypay ng bata yung sumbrero nito sa pawisang katawan...So his name is Ren, it suits him. Meron sa pangalan nito na isinisigaw na bagay na bagay, malakas ang dating, kung siya kaya? Inialis niya ang pag-iisip ng masakit na alaala na yun, sapamamagitan ng pakikinig pa lalo sa usapan nito, batid niyang hindi lang siya ang nakikinig, maging ang ibang customer.

"Pero cute  kulang pa rin eh, para doon sa boquet ng red roses na tinuturo mo," paliwanag ng babae, tumulos ang nguso ng batang kaharap...bumaling yung paningin doon sa pumpon ng roses , tapos sa tindera, tapos bumalik ulit sa roses, tapos sa tinder muli....pati si Pyne napapasunod na rin sa direksyon na ginagawa ng bata, nakakasakit sa leeg at nakakaduling pero nakakatuwa.

I wish I also have my litte one.               

"pero marami na yan ah, ang tagal ko kayang inipon ‘yan," katwiran pa nito,"may 2 na twenty, saka isang 50 tapos may 10 pesos at 5 pesos pa ako? Kulang  pa rin ba?"  Mukhang ayaw talaga nitong maniwala na hindi sapat ang pera…

"oo eh, "napakamot sa ulo ang tindera, hindi kasi matapos ang usap ng dalawa, pabalik balik lang. Bilib si Pyne sa talino ng bata, dahil alam nito ang detalye ng perang dala.  

Nakakaawa ang ka cute-tan ng bata..she heard the little one said na para daw ito sa honey nito. 

"Kaya sige na please Ms. Ate ganda," maging siya ay natawa sa pambobola ng bata para ibigay yung pumpon ng bulaklak na gusto nito. Sigurado si Pyne na magiging habulin ang bata paglaki, iba kasi ang karisma, yung kakulitan nito, hindi ka maiinis, para pa ngang gusto mong iuwi sa bahay at hayaan mong kulitin ka maghapon at hindi mo magagawang magreklamo.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedWhere stories live. Discover now