FH 45:

37.8K 1K 32
                                    

hindi ako naiyak sa update 

#RIP FALLEN44…, dito ako naiyak, kasi naman, isang bansa lang tayo diba?

#RIP HEROES. MAY PUPUNTAHAN DIN ANG BUHAY NA INIALAY NYO!

                                                   

#UNEDITED

last three chapters....

FH 45:

May pagkakaintindihan na silang dalawa, pero ramdam ni Pyne na mabigat pa rin ang pakiramdam ni Luke, pero naniniwala siya na hindi na ito aalis, hindi na siya iiwan nito. Inilipat niya na ang mga gamit nito sa kanyang closet, they should live like husband and wife from now on, habang hinihilom nila ang sugat ng bawat isa.

Sa kama niya ito natutulog, walang namang nangyayari bukod sa kiss, they just cuddle, ito ang nakayakap sa kanya ng mahigpit, matutulog sila na nakayakap ito sa kanya. Magigising siya sa gitna ng gabi na nakayakap ito, gusto nyang kumawala para pumunta ng kusina dahil may nagugustuha siyang kainin pero hindi niya naman itong magawang gisingin. She prefer to watch him sleeping peacefully. Sa bahay lang sila maghapon, natatapos at nagsisimula ang araw na nakatingin lamang ito sa kanya, minsan nakakailang na rin. Yung mga kailangan niyang ayusin sa opisina ay pinapadala niya sa kanyang secretary, hindi niya pa magawang iwan si Luke, minsan kahit nanonood siya sa  t.v ng cartoon na Phineas and Ferb, lalapit ito, tatabi sa kanya at basta na lang mangyayakap. Nagseselos pa ito sa atensyon na binibigay niya sa t.v., kaya naman kakagibigin nito ang kanyang mukha at tititigan ng mapang akit nitong mata.

“Anong problema?” she will ask him, dahil hindi naman ito nagsasalita, sinusuri lamang siya ng mga mata nito. Iiling lamang ito at mas yayakapin siya ng mahigpit, tama lamang para makahinga siya, matatapos ang maghapon nila ng ganoon.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Luke ng makitang nakabihis si Pyne, kailangan kasi niya munang pumunta sa kumpanya, may isang linggo na rin siyang hindi pumapasok.”Sa office,” nakita niya ang lungkot sa mukha ni Luke, kaya naman nagdecide na siyang yayain ito,”Gusto mong sumama?” tumango naman ito at nagbihis na rin kaagad.

Magkahawak kamay silang pumasok sa company ni Pyne, hindi niya mapigil na manliit habang nagbobow ang mga taong nakasalubong nila. Tinataasan naman siya ng kilay ng ilan, hindi siya kilala ng mga ito, hindi naman kasi siya dumadalo sa mga company meeting o gathering, siya nga yung alibugha na anak na walang pakialam sa pamilya, kaya hanggang ngayon tinatanggap niya pa rin ang parusa ng ama.

Walang wala siya kumpara sa achievement ni Pyne, sa maikling panahon naging matagumpay na ito, samantalang siya, nasa baba pa rin habang kinukuha ang tiwala ng ama. Ngayon alam niya na kung bakit matindi ang galit nito, maging ang kanyang ina na laging kumakampi sa kanya.

Sino nga ba siya para kampihan?  Hindi simpleng bagay ang ginawa niya para mapatawag agad.

“you allright?” she cling her arms to Luke, tulala naman kasi ito. Tumango lamang ito sa kanya at sabay na silang sumakay sa elevator papunta sa kanyang opisina. Natahimik ang mga nakasabay nila sa loob pero alam ni Pyne na laman siya ng usapan ng mga ito. Wala namang masama, she’s with her husband at  soon , kasama na ang anak nila sa pagtitinginan ng mga ito.

She let them figure out kung ano ba sila talaga, hindi mag syota lang, tutal malalaman at malalaman din ng mga ito. Malalaman din marahil ng mga ito ang mga chismis tungkol sa kanila ni Luke, but she care less, ang mahalaga ay kung ano ang meron sa kanila.

They are happy.

They love each other, and they are both happy sa pagdating ng kanilang bagong baby.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedWhere stories live. Discover now