FH 9:

36.6K 865 55
                                    

UNEDITED

FH 9:

Nilampasan ni Luke si Mir at lumapit kay Pyne na nakasandal sa kotse nito.

“Kami lang ang aalis, you can’t go with us, diba Mir?” nilingon ni Luke si Mir, pero imbes na kampihan siya nito…hindi iyon ang nangyari.

“Uy, bad ka Luke, wala akong sinasabi ganoon ha, ikaw talaga pahamak!” sagot nito na tumabi pa  sa gild ni Pyne,”okay lang ba na sumama ako? Kasi ang labas parang third wheel ako sa supposed to be date nyo?”

Imbes na tumutol, malawak pa itong ngumiti sa kanyang kaibigan.

“It’s okay, maganda ngayon, at least I can get to know some of Luke’s friend, pwede mo akong makwentuhan ng mga nangyari about him, kailan pa kayo magkakilala? What is he like saka kung ano ano pa. Ngayon lang kasi ako bumalik ulit, you know fam issues,”

“Kwento ba kamo? Ay bongga, can afford ko yan, basta hindi lang empty ang stomach ko, magpapaka lola Basyang ako for you!”  sinabayan pa nito ng pagliyad ng kamay.

Lumingon ka! Pinapanalangin ni Luke na lumingon sana si Mir para makita niya ang talim ng kanyang paninitig at kung paano niya ito gustong suntukin sa pakikipagclose sa babaeng baliw, and worst siya pa ang topic ng dalawa, as if wala siya doon!

“Yun lang ba, don’t worry my treat, dinner muna tayo tapos bar hopping, what do you think?” pakiramdam talaga ni Luke sinusuhulan nito ang patay gutom nyang kaibigan, nilatagan na nga ng mga kinababaliwan nito, pagkain at pagkain pa rin ng mga lalake na makikita nito sa bar. Nakikita niya na ang mga bituin na kumikinang sa mga mata nito, sa isipin na maililibre ito ngayong gabi!

“Pumayag ba ako?” sabat niya sa dalawa na napalingon na. at last  pansin na ng mga ito ang kanyang naghuhuramintadong presensya.

“Just this once,” Pyne pleaded,  na sinuhulan naman ng baklang patay gutom.

“Oo nga naman bro,” kinunutan niya ito ng noo,Saan nganggaling ang bro?”kababalik lang ng kababata mo, hayaan mo naman  na ilibre ka niya, para date lang naman, kung maka asta ka parang gagahasain ka na…” tapos sinabayan pa nito ng ngisi..”pero kung si ganda ang gagahasa sayo, pagahasa ka na lang!hahahahahaha!” sinabayan pa nito ng tawa, nakakahiya. Pakiramdam niya nag-iinit ang kanyang mukha dahil sa kadaldalan at kabalahuraan ng baklang kaibigan, ng tinignan niya naman ang mukha ni Pyne namumula ito habang pinipigil ang ngiti. Mukhang imbes na maoffend ikanasisiya pa nito ang narinig. Ng mapansin nito ang kanyang titig, iniwas nito ang mata at bumaling kay Mir…

“Wag kang matuwa, hindi maganda ang biro niya.” Saway ni Luke kay Pyne, lumabi naman si Mir sa kanya,

“Friend wag masyadong pa-virgin, kasi hindi na naman virgin, ako lang ang may karapatan , well on the second thought hindi na rin pala , hahahahaha!. Dami ko ng tawa, baka mamaya kabagan na ako!” pero patuloy pa rin ito sa pang iinis habang hawak ang tiyan. Nakikitawa din si Pyne sa biro nito.

Both crazy!

“So let’s go, sakay na kayo, I’ll drive,” yaya ni Pyne matapos buksan ang passenger seat kung saan gusto nitong pasakayin si Luke.

Tumayo pa si Mir sa likod niya at bahagya siyang tinutulak.

“Wag ng ma-arts,”

“Baka nakakalimutan mo may kotse ako.” Napalunok naman ito at hindi nakakakibo kaya naman nilingon niya ito.

“May problema Doon eh, sorry nasira kanina, alam mo na maharot na driver ako kaya nasa talyer, bukas pa makukuha, kaya nga may libreng rides, sunggaban na…pero kung gusto mong suggaban yung magandang driver ay ipag checheer pa kita. Go Lang ng Go!” hirit pa nito na ginaya kung linya ng isang commercial.

FOOLED HEARTS  (BMO side story)/completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon