Chapter 02

2.8K 87 4
                                    

Shin POV

Nasa bahay na ako at nag luluto ng sinigang na hipon, paborito kasi ito ni Xyro.

Hinahalo ko ito ng biglang nag ring ang telepono ko, tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

'Si Xyro.'

Agad agad ko itong sinagot, "Hello?"anya ko.

"Why does it take you so long to answer the phone!?" sigaw nya sakin.

"A-ano kase." kinakabahang anya ko, narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya na parang nawawalan ng pasensya.

"Hindi ako uuwi d'yan ngayon kaya huwag mo na kong hintayin." inis n'yang banggit.

"H-ha?eh nagluto ako s'yaka saan ka matutulog?" nag aalalang tanong ko.

"Pwede ba? Andami mong tanong, itapon mo kung gusto mo at wala kang pakialam kung saan ako matutulog!" at bigla niyang binaba ang linya.

Napabuntong hininga ako, tiningnan ko ang niluto ko ng malamya"Sayang naman 'to."

Kumain na akong mag isa, oo mag isa lang ako dahil wala kaming maid dito, ayaw kumuha ng kasambahay ni Xyro dahil ako daw dapat ang maglinis ng bahay.

Pagkatapos Kong kumain umakyat na ako sa kwarto para maligo, pumasok ako sa Cr at isa isang tinanggal ang mga damit ko. Pagkatanggal ko ng t shirt na suot ko ay tumambad sa akin ang kwintas na suot ko, humarap ako sa salamin at doon ito pinagmasdan. Hinawakan ko ito.

Hindi ko alam kung bakit tuwing nakikita't nahahawakan ko ito ay napapangiti ako ng kusa, parang puno ng kapayapaan ang dibdib ko sa t'wing hinihimas ko ito.

Hindi ko alam kung paano napunta sakin ang kwintas na ito basta ang nararamdaman ko ay mahalaga sa akin ito.

Isa itong half moon na may nakapaloob na bituin sa gitna sobrang ganda nito.

Tila nakaugnay sa akin ang kwintas na ito at pakiramdam ko ay may malaking bahagi ito nang nakaraan ko. . .

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now