Chapter 11

2.2K 76 5
                                    


Shin POV

"Mas gago ka!" nanlalaking matang ani ni Khairron, tumayo ito at pinagpag ang damit niya at ngumisi nang nakaka - inis kay Xyro. 

Sinapak na naman siya ni Xyro!kinwelyuhan ni Xyro si Khairron at nag titigan lang silang dalawa, pinipilit kong awatin si Xyro pero parang wala siyang naririnig! "S-sir Xyro tama na po 'yan." natatakot na ani ko, pero nakatitig pa rin silang dalawa sa isa't isa na parang nag uusap sa mata.

Binitiwan ni Xyro ang kwelyo ni Khairron "Hmm," aya ni Khairron at tumango tango pa at ngumisi, "Sa natatandaan ko sir wala akong ginagawa sayo para sapakin mo'ko," at hinawakan niya ang sugat niya.

"Stay. away. from. her." sobrang diin ng pag kakasabi ni Xyro sa mga katagang iyon, at ito namang si Khairron halatang nang iinis dahil naka ngisi lang.

Hinawakan ni Xyro ang braso ko ng mahigpit at hinila ako palabas ng Music Room ng walang namumutawing salita. Papalabas kami ng campus.

Maraming nakatingin sa amin dahil siguro sa itsura ko at pagtatakang bakit ako kinakaladkad ni Xyro.

Nasa parking lot na kami ng school at binuksan ni Xyro ang pinto ng kotse niya para sakin, "Get in." sa malayo siya nakatingin, mahinahon iyon pero alam kong nang gigigil siya.

Nasa daan na kami at sobrang bilis ng takbo ng sinasakyan namin, minumura na nga kami ng ibang driver dahil sa sobrang bilis pero parang wala talagang naririnig si Xyro. "X-Xyro dahan - dahan lang baka mabangga tayo!" kinakabahang anya ko.

"Manahimik ka." malamig na anya.

Nasa garahe na kami at basta nalang akong kinaladkad ni Xyro pababa ng kotse, hawak - hawak niya ang braso ko habang papasok ng bahay at nung naka pasok na kami ay basta - basta niya nalang akong binuhat ng parang sako nang bigas at binuhat ako pa - paakyat sa taas.

"Xyro ano ba! Ibaba mo nga ako! Ba'ka mahulog ako! " tili ko pa habang pinapalo ang likod niya pero pa tuloy lang siya sa pagbuhat hanggang sa makapasok kami sa kwarto ko at dinala niya ako sa banyo s'yaka lamang niya ako binaba, sobrang sama ng tingin niya sa'kin habang naka tingin sakin ay binuksan niya ang shower.

"Maligo ka," at inutok niya ako sa tubig, hindi ako makapag salita, para akong napipe. Lalabas na siya ng pinto nt banyo pero bago siya lumabas ay may salita siyang sinabi habang nakalingon sa'kin patalikod.

"Mag uusap tayo mamaya." nanlilisik na matang anya niya at padabog na sinara ang pinto.

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now