Chapter 09

2.1K 82 2
                                    

Shin POV

ISINANDAL agad ako nito sa pader ng biglaan pagkatapos niyang isara ang pinto, mahigpit pa 'rin ang pag kakahawak niya sa  braso ko.

"You!" dinuro ako nito.

"T-Teka ano bang problema mo?" nagtatakang anya ko at pinilit na alisin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa braso ko.

"You're a flirt!" gigil na sigaw niya sa'kin.

"A-ano? Teka - teka ano bang ikinagagalit mo ha!?" medyo gigil na 'ring bawi ko. Iniharap sa'kin ng isang kasama niyang talipandas ang isang letrato sa phone, kaming dalawa ito ni Khairron ito yung gabing nasa department store kami.

"Ipaliwanag mo yan! Bakit mo kasama si Khairron!?" anya niya at sinabunutan ako!

"T-Teka Sarah!" hinawakan ko ang kamay niyang nakasabunot sa akin at sapilitang itong tinanggal, nagulat siya sa pagtanggal ko sa kamay niya, nagkatitigan kami, "Una sa lahat hindi ako responsable na mag explain sayo, pangalawa wala naman kayong relasyon ni Khairron para mag react ka ng gan'yan, at pangatlowala kang karapatang sabunutan ako!" matapang nasabi ko sa kan'ya.

Naglakad na'ko at sinangga ko pa ang balikat niya at lumabas na ng classroom.

Ang totoo kaya ko 'ding lumaban pero pag dating kay Xyro ay nanghihina ako at naduduwag, nalulusaw ang tapang ko pag siya na ang galit. Gano'n naman talaga siguro kapag mahal mo.

Pumunta na'ko sa section ko at umupo sa upuan, lumapit sa'kin si Grace.

"Huy beh may relasyon ba kayo ni Khairron?" nahinang anya, napakunot ang noo ko, "Ano? Wala." sagot ko.

"Eh ano to?" ipinakita niya sa'kin ang letratong nakita ko na kanina pa,
"Wala 'yan, nagkasalubong lang kami n'yan." paliwanag ko.

"Weh?" di naniniwalang anya,

"Oo nga," natatawang sabi ko.

Dumating na ang prof namin at si Xyro 'yon, tumayo kaming lahat upang bumati. "Morning class." walang emosyong anya, nagkatinginan pa kaming dalawa pero umiwas siya ng tingin.

"Good morning sir!" bati namin.

"Ako muna ang papalit sa Ap teacher n'yo ngayong araw." masungit na anya.

"Sir mas okay kung kayo nalang ang mag tuturo sa'min sa lahat ng subject." maharot na sabi ni Rose, ang isa pang mean girl sa room.

"Ms. Falcon hindi ako nakikipag biruan sayo kaya umayos ka." naiiritang anya. Kumuha siya ng chalk at nag sulat sa blackboard ng 'RECITATION'. Umalya ang mga kaklase ko.

"Kung ako ang magiging Prof niyo sa buong subject araw - araw kayong mag re recite!" Inis na sabi ni Xyro. Bumulong sa'kin si Grace mula harap, nasa harapan kasi siya, "Mukhang high blood si Sir ngayon ah, hightone eh haha."mahinang anya, tinanguan ko nalang siya.

'Mainit nanaman ang ulo ni Xyro ano nanaman kayang dahilan?'

"Ms Falcon ikaw ang mauna!" utos ni Xyro napilitan namang mag recite ni Rose.

Sa kalagitnaan ng pag rerecite ni Rose ay dumating si Khairron, binuksan nito ang pinto ng walang katok - katok at nakatingin kay Xyro ng may blangkong mukha, nag katitigan sila. "Mr.Park you're late" umiigting pangang anya.

"Na traffic ako sir," cold na ganti ni Khairron.

Namumula na ang tainga ni Xyro kaya alam kong galit talaga siya.

'Patay'

"Ohh, so kasalanan ko kung bakit ka na traffic?" sarkastikong ganti ni Xyro.

Napatampal naman ako sa noo ko, kailan ba nag papatalo tong lalaking 'to?

"No sir, wala po akong sinasabing gan'yan."

Lalong kumunot ang noo ni Xyro, napakagat labi ako. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa.

"Mr. Park mag recite ka." at pinarecite kay Khairron ang topic ni Rose kanina.

Tinanong siya ng tinanong ni Xyro, napanganga kaming lahat dahil walang palya niyang sinasagot lahat habang may mapag larong ngiti sa labi.

"Pwede na ba kong maupo sir?"

Tahimik lang ang lahat dahil ramdam na ramdam ang tensyon sa kanilang dalawa.

Kumuyom ang panga ni Xyro, "Maupo kana."

Tumango si Khairron at agad na nag tungo patungo sa gawi ko, tipid siyang ngumuti sa'kin at gumanti naman ako ng ngiti.

Nakahinga ako ng maluwag dahil buti ay hindi na pumatol si Xyro.

Nag ma quiz lang si Xyro ay nag discuss.

Ano bang namamagitan sa kanilang dalawa? Bakit parang may tinatago silang galit sa isa't isa?

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now