Chapter 35

1.7K 63 3
                                    


Xyro POV

ARAW ng linggo ngayon at may nag patawag ng meeting ang principal tungkol sa paparating na acquaintance party sa school. Even though Andrill was hanging around our house, I was still restless . . . so I will go home after the meeting.

But my mind was not in that meeting . . . is Shin okay there even if she's alone. Kahit may babantay sa kanya ay hindi pa rin talaga mapirmi ang isipan ko, ang dami daming sinasabi ng principal pero kahit isa ay wala akong naiintindihan, eto lang ako nag lalaro ng ballpen sa kamay at nakatulala lang doon sa nag sasalita.

Pag katapos ng meeting ay pumunta ako sa office at may hinanap na mga gamit sa lamesa ko. Nakatalikod ako mula sa pinto habang nag hahanap ng mga kailangan ko narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako sa pintuan. Sa suot palang nito ay masasabi kong janitor na.

"Good afternoon, Sir." magalang na sabi ng janitor na lalaki.

Tinanguan ko lamang ito.

"Mag lilinis lang po ako."

Hindi na'ko nag salita at nag patuloy nalang sa pag hahanap ng may maisip ako . . . ngayon ko lang siya nakita. Bumaling ako sa kanya.

"Ngayon lang kita nakita dito?" naka taas na kilay na sabi ko.

Naka sumbrero siyang itim na natatakpan ang kanyang mata at naka surgical mask siya, kung titingnan sa tikas ng katawan ay kasing edad ko lamang ito. Bumaling ito sa akin at inayos ang kanyang sumbrero habang hawak-hawak ang map.

"Bago lang po kasi ako Sir . . ." naka tungo siya habang nag sasalita.

This man is suspicious . . .

"Bakit naka surgical mask ka?" 

"May ubo po kasi ako, Sir . . . pasensya na po."

Tumango lang ako at tinititigan pa rin siya, nag patuloy na siya sa pag ma map ng sahig at pinapakiramdaman ko lang siya, bumalik nalang ako sa ginagawa pero pinapakiramdaman ko lang siya.

Mga limang minuto nang naka lipas ay may pumasok nanamang janitor . . . tiningnan ko iyon at lumipat ang paningin ko sa janitor na naka mask.

Ngumiti ang janitor na kakadating lang sa 'kin. "Good afternoon, Sir! Bago lang po kami ni Omar dito sa school."

Tumango lang ako at bumalik ulit sa ginagawa, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa upang I text si Andrill kung may kahina hinala ba. Sa kalagitnaan ng pag titipa ko ng mga salita ay may nag inject sakin sa braso! 

Nang hihina ako at naramdaman ko pang nabitawan ko pa ang aking telepono, nawalan ako ng lakas . . . unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata . . . hanggang sa hindi ko na nakayanan at nag dilim na ang lahat.

ANG SAKIT ng ulo ko ng binalikan ako ng kamalayan, hindi ko pa maidilat ang aking mga mata dahil sa nararamdamang hilo . . . ramdam kong nakaupo ako ngayon at wala akong gapos kahit isa, hinawakan ko ang aking ulo at inalog iyon ng nakapikit para mahimasmasan.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, naliliyo talaga ako . . . malabo ang aking paningin pero may na aaninag akong tao na nakaupo sa aking harapan.

Inalog ko ulit ang aking ulo at kinusot ang mag kabilang mata at unti unting luminaw ang mukha ng nasa aking harapan.

Ramdam ko ang pag liliyab ng galit sa aking dibdib, tila nawala ang aking iniinda . . . sinasabi ko na ba!

Tumayo ako at hinawakan ng isang kamay ang kanyang kwelyo at sinapak siya! Nanlilisik ang mga mata ko sa sobrang galit!

Hinawakan ko ng dalawang kamay ang kanyang kwelyo. Tumingin siya sakin ng walang emosyon, madilim ang kanyang titig, dumudugo ang kanyang nguso dahil sa malakas na pag sapak ko sa kanya.

Pursuit of Love(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz