Chapter 14

2.2K 74 1
                                    

Shin POV

NAGISING ako dahil sa sikat ng araw sa aking mukha, iniharang ko ang aking kamay upang hindi masyadong masilaw. Naramdaman ko na may nakayakap mula sa aking likod, tininingnan ko ang braso nitong kayakap sa akin, napangiti ako.

Itinanday ko ang ulo ko sa isang braso ko para matitigan siya, ang mahaba niyang pilikmata, ang mapupungay niyang mga mata, mala perlas na balat na sa t'wing nasisinagan ng araw ay parang kumikinang, mapupula't manipis na labi. Hindi ko mapigilang ngumiti, nagulat ako ng unti - unti siyang nagmulat nang mata.

"A-ano ka— ahhhh! " hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng bigla niya akong hatakin at natumba ako sa dibdib niya, doon niya ako mahigpit na niyakap.

"Hmmm matulog pa tayo." inaantok na anya. Yumakap 'din ako sa kanya.

Akala ko panaginip lang ang lahat o ilusyon ko lang ang nangyari kahapon. Sobrang saya ko talaga ngayon na abo't abot sa langit ang saya't kilig na nararamdaman ko.

Hindi ko inaasahan na darating ang araw na makakayakap ko siya ng ganito kahigpit, kung panaginip lamang ito ay ayaw ko nang magising pa.

Hinimas niya ang ulo ko gamit ang isang kamay, nakagat ko ang pang ibaba kong labi dahil sa hindi mapigilang ngiti at kilig.

"Shin," bulong na tawag niya sa pangalan ko, medyo dumukwang para matingnan siya, nakatingin siya sakin.

"B-bakit?" naiilang na anya ko.

"Thankyou," nakangiting anya niya, kumikinang ang kan'yang mga mata.

"S-saan?"=kunot noong tanong ko.

"For loving me and for not giving me up." sinserong anya, biglang naging pilyo ang ngiti niya, "And for this." kagat labing anya habang nakatingin sa katawan ko.

Doon lang ako natauhan na wala pala akong suot! At maski kumot wala!

Nagtapis ako ng kumot at bigla akong umupo sa kama, damang - dama ko ang pamumula ko at sobrang init ng pisngi ko.=Naramdaman kong umupo 'din siya, hindi ako makatingin sa kan'ya dahil sa pagkapahiya.

Pinilipilit niya akong lumingon sa kan'ya pero iniiwas ko ang aking mukha para hindi niya makita ang pamumula ng mukha ko, pero wala 'rin akong nagawa dahil hinawakan niya ang aking baba at bigla niya akong hinalikan sa labi! Mabilis lang iyon.

"Good morning kiss," at kumindat pa siya at tumayo na naka tapis ng kumot. Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla.

Pumasok na siya sa banyo habang ako ay nakatulala pa rin, kinurot ko ang braso ko para nalaman kung nananaginip ba ako o hindi.

Agad - agad akong tumayo pero napa aray ako ng sumakit ang gitnang bahagi ng katawan ko, pinilit ko paring maglakad at lumapit sa closet at kumuha ng maisusuot na damit, kahit ano nalang ang kinuha ko dahil baka lumabas si Xyro sa Cr at nakahubad pa ko, nakakahiya.

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now