Chapter 41

1.4K 51 0
                                    

Mitch POV

Dalawang linggo na ako dito sa lugar nila, hirap na hirap na ako pero hindi nila ako mapapasuko, kaya ko pa.

Kaya ko pa . . .

Niloko niya 'ko, akala ko nag kamali lang siya, mahal ko siya, mahal na mahal kaya nagawa ko ang mga bagay na 'yon, dapat akin lang siya! Akin naman talaga kasi dapat siya kung hindi lang dahil sa deputang Shin na 'yan!

Naliliyo ako at nang hihina, ako lang ang tao dito sa loob ng kwarto. Madilim at nakatali ang dalawang kamay ko pataas, nakasandal ako sa pader. Kailangan kong makatakas dito. Gaganti ako.

Pinalibot ko ang paningingin ko sa buong kwarto at may namataan akong isang bagay na makakatulong sa 'kin.

Susi . . .

Siguro ay nahulog ito ng nag babantay sa 'kin kanina at hindi niya napansin.

Napangisi ako, inabot ko 'yon sa pamamagitan ng paa ko.

Konting-konti nalang at maabot na ng paa ko. Nang naabot ko na ay dahan dahan kong inilapit sa akin at kinuha ko 'yon sa pamamagitan ng mga daliri ko sa paa, itinaas ko ang paa ko na maabot ng nakasabit kong kamay, nang makuha ko na ay 'tyaka ko sinusian ang isa kong kamay at pag katapos ay ang isa pa.

Gusto niyo ng laro? Kung akala niyo nag simula na ang laro pwes . . . hindi pa.

Nag hanap ako ng pwedeng labasan at nakakita ako ng napaka taas na bintana, mas lalong lumawak ang ngiti ko.

Khairron POV

Kakauwi ko lang ngayon galing opisina, pinuntahan ko agad kung saan naka kulong si Mitch Chua, pag kabukas ko ng pinto ay nabahala agad ako! Hinalughog ko pa ang buong kwarto pero wala siya!

Fuck!

Ginulo ko ang buhok ko. Lumabas agad ako ng kwarto at tinawag si Alice at si Rick, agad naman silang nag silapitan sa 'kin.

"Nasaan si Mitch!?"

Nag katinginan sila na parang hindi makapaniwala. "Iniwan ko lang siya kanina sa kwarto dahil maliligo ako." sagot ni Alice

"So!? Ano?! Snong gagawin natin ngayon?!"

Bigla kong naalala si Shin!agad agad akong tumakbo sa kwarto niya! Binuksan ko agad ang pinto pero wala si Shin sa kama!

Tangina!

Hinanap ko na rin siya sa buong kwarto at bahay pero wala pa rin!

Tinawagan ko agad si Xyro at sinagot niya agad.

"May problema tayo." seryosong sabi ko. "Si Mitch nakawala at—" Naputol ko ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumigaw.

"What!?!"

"May isa pa tayong problema . . . si Shin nawawala." Nag tiim ang bagang ko.

"Fuck! Papunta na 'ko!" At binaba nya agad ang tawag.

Nasa harap ko ngayon so Alice at Rick pinukol ko lang sila ng masamang tingin.

"Patawad, boss."

"Sorry po,"

Sabay nilang sabi.

"Mamaya na 'yan, tara na."

Shin POV

Umalis si Khairron kaya wala akong makausap sa kwarto ko kaya boring boring na ako at 'tyaka pa matagal na akong hindi nakakalanghap ng hangin sa labas kaya napag desisyunan ko munang lumabas para hindi naman ako masyadong maboring.

Lumabas na ako ng kwarto at wala talagang tao, bumaba ako at wala talagang tao dito kahit maid!

Pumunta na ako sa maindoor at lumabas doon.

Nag lalakad ako ng nasa likod ang dalawang kamay habang magkahawak, pumikit ako para madama ang hangin na tumatama sa mukha ko.

Dumilat ako pinalibot ang mata ko, puro puno lang ang makikita at huni ng ibon lang ang maririnig.

Hinimas ko ang tiyan ko habang naka yuko doon.

Baby ko . . .

Medyo umuubok na ang tiyan ko kaysa sa normal nitong laki, excited na akong mawakan ang anak ko at the same time natatakot din dahil sa sitwasyon namin ngayon . . . Nakaka kaba

Hinihimas ko lang ito nang may naramdaman akong pumalo sa ulo ko!naliliyo ako, nag blu blurd na ang paningin ko hanggang sa dumilim na at wala na akong maramdaman pa . . .

Gising na ang diwa ko pero hindi ko pa rin madilat ang mga mata ko dahil sa sobrang hilo, ramdam ko din ang likidong tumutulo sa noo ko makirot ito.

Ramdam ko rin na nakaupo ako sa upuan habang naka tali ang paa't kamay. Wala na akong pakialam sa sarili ko, mas pinag aalala ko ngayon ang batang nasa sinapupunan ko.

Baby kumapit ka lang please . . .

Pinilit kong idilat ang mata ko, blurd ang paligid at nahihilo pa ako kaya naging mas mahirap sa 'kin na makakita pero may naaninaw akong rebulto ng isang tao na naka tango sa 'kin habang mag kapantay ang mukha namin.

Bigla niya akong sinabunutan!

"Agrhh!"

Unti unting luminaw ang paningin ko. "M-Mitchell?"

"Happy to see me?" Ngumisi siya.

Napuno ng takot ang pag katao ko ng makita ko ngisi niya. "H-huwag m-o kong s-sasaktan...pl-lease."

Mas lalo niya pang hinila ang buhok ko. "Alam mo ba kung gaano kasakit ang mawalan ng isang taong nandiyan lagi para sayo!? Siya lang ang pamilya ko!Siya lang . . . wala ng iba . . ." Pumatak ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.

Hindi ko maintindihan . . .

Sino ang tinutukoy niya?

"Pero ano!?" Mas hinila niya pa ang buhok ko at mas lalo akong natakot ng marahan niyang haplusin ang pisngi ko.

Baliw na siya . . .

"Pero ano!?" Sinakmal niya ang panga ko! Sobrang diin! " Nawala sa 'kin ang Kuya ko!" Tumingin ako sa mga mata niyang nanlilisik at namumula.

Anong kuya? Sinong kuya? Bakit nawala ang kuya niya? At bakit parang kami pa ang sinisisi niya? Eala akong alam!

"Ngayon," Tumabingi ang ulo niya, hawak niya pa rin ng mahigpit ang panga ko.

"Kukunin din kiya sa kanya."

Kukunin?! Kanino!? Ano ba talaga ang totoo? 'Di ba nag kakaganito siya dahil kay Xyro!? Ano bang nangyayari!?

Nanlalaki ang mga mata ko ng mag labas siya ng baril at ngumisi, dahan dahan siyang naglakad paatras habang nakaharap pa rin sa 'kin. Nakatutok ang baril sa tiyan ko.

Oohh, huwag please . . .

Isang metro na ang layo namin sa isa't isa, mala demonyo ang ngisi niya na parang hindi siya nag dadalawang isip na patayin ako.

Huwag please ang baby ko.

Naka tingin ako as gatilyo ng baril. "H-Huwag please, n-nagmamakaawa ako sayo . . ." Tuloy tuloy ang agos ng luha ko.

Unti unti lumalapat ang daliri niya sa gatilyo ng baril, napapikit ako ng mariin

At naka rinig ako ng putok ng baril.

Akala ko tapos na . . . wala na . . .

Pero.

Hindi ako makaramdam ng sakit.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nalalaki ang mga mata ng makita ko si Mitchell na nakahawak sa braso niya dahil may tama ito ng baril at nakaluhod dahil dumudugo din ang binti niya.

Tumingin ako sa likod niya at natanaw ko si Xyro na madilim ang mga mata.

Unti unti niyang binaba ang baril.

Xyro . . .

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now