Chapter 30

1.9K 55 0
                                    

Xyro POV

NAPIPIT ko ang hawak kong beer in can na wala ng laman dahil paulit-ulit kong nakikita sa isip ko ang itsura ng mga magulang ko, kung paanong nakasaksak at duguan si Mom, at kung paanong hirap na hirap si Dad, kung sana ay hindi kami pumunta doon ay buhay pa rin sila at masaya kami ngayon, pero hindi eh. Nabago ang lahat dahil sa isang trahedya... kahit patawarin ko si Shin o mawala ang galit ko, hindi na matatanggal sa utak at sistema ko ang sakit ng pagkawala ng parents ko.

Oo alam kong walang kasalanan si Shin dito dahil hindi niya rin naman ginusto yon o hiniling, sa kanya ko lang talaga binuhos ang galit ko at pagsisisi, alam kong gago ko sa part na 'yon. Pero wala, eh. Naiba ako ng landas, kinain ako ng galit, ganon naman siguro talaga pag nakita mo ang magulang mo na alam mong unti-unti ng kukunin sayo at ang mas masakit pa sa ganoong paraan pa sila kinuha sakin.

Mahirap mawalan ng magulang dahil sila ang makakaramay mo pag may problema ka.

Natawa ako.

Hindi ko pa nga sila nabibigyan ng apo kinuha na sila sakin.

Kinuha ko ang isa pang beer sa tabi ko at binuksan iyon at tunungga agad, napatingin ako kung saan tanaw ang hagdan mula dito papunta sa taas kung nasaan ang kwarto niya.

'Mawawala ka rin ba sakin?'

Nag sisisi ako dahil nagalit pa ako sa kanya at sinisi ko pa siya sa nangyari, hindi naman ako perpekto, nagkakamali rin ako. At ito na siguro ang pinaka malaking pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko.

Ang akala ko dati pag nagmahal ka hindi ka na makakaramdam ng anomang lungkot at puro saya nalang ang mararamdaman mo at sa araw-araw na gigising ka ay para kang nakatapak sa ulap.

Ganon ang nararamdaman ko dati, ganon ang nararamdaman ko pag kausap o katabi ko si Shin, punong-puno ng saya ang puso ko tuwing makikita ko ang mga ngiti niya. Pero binago lahat iyon ng dahil sa isang pangyayari na hindi ko na malilimutan.

Minsan nga hiniling ko na sana nag ka amnesia na rin ako katulad ni Shin para hindi ko na mabalikan pa ang sakit, sakit na nagpabago sakin, sakit na araw araw akong dinudurog.

Minsan na tatanong ko rin sa sarili ko may ginawa ba kong mali? Para kunin sila sakin?May ginawa ba kong hindi katanggap tanggap para mawala sila sa tabi ko? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nangyari 'to sa buhay ko.

Minsan talaga may mangyayari sa 'yong isang bagay na mag papa realized sayong hindi kahit kailan pwede kang maging masaya
Na may araw at gabi din sa buhay ng tao
Na may lungkot at saya.

Sana lang maging masaya na ako sa huli,kasama ang babaeng mahal ko.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dito sa kusina, nagising ako mga bandang ala sais ng umaga, tumayo ako at pinagpag ang damit ko, naglakad ako sa taas at pumunta sa kwarto ko upang kumuha ng gamot para kay Shin.

Naligo na ako at bumaba, nasa kusina ako ngayon habang nag babasa ng newspaper at umiinom ng kape.

Nakita ko si Shin sa gilid ng paningin ko na papasok siya ng kusina, hawak ko ang gamot habang nag babasa ng dyaryo.

Ang totoo hindi pa rin mawala sa isip ko ang katagang sinabi nya,paulit ulit sa tenga ko.

'Let me go Xyro'
'Let me go Xyro'
'Let me go Xyro'

Natinag lang ako sa pag iisip ng batiin niya ko. "Morning" Tiningnan ko lang siya.

'Gusto mo ba talaga kumawala sakin?'

Binalik ko ang tingin ko sa dyaryo dahil nasasaktan ako.

Naramdaman kong nangangalkal siya sa kusina.

'Tsk may sakit to ah?'

"Uminom ka?" tanong niya.

"Wala kang pakealam"

Nag papanggap pa rin akong nag babasa ng dyaryo kahit hindi naman. Ayokong aminin sa kanyang uminom ako kahit halata naman talaga, tss.

Maya-maya pa napatingin ako sa gilid ko ng makita ko syang nag hihiwa, naiinis ako dahil pwes na mag pahinga nalang nagluluto pa
Inilapag ko ang gamot sa harap nya.

"Uminom ka, tss"

At umakyat na ko sa taas para mag ayos. Kailangan ko munang mag isip isip, kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.

Pag katapos kong mag ayos ay bumaba na ako at lalabas na sana ng bahay ng may maramdaman akong humawak sa braso ko, napahinto ako sa paglalakad.

"A-Ah Xyro nasan si Mitchell?" Napairap ako dahil sa pag irita bakit nya pa hinahanap ang babaeng yon!? Naiirita ko dahil narinig ko ang pangalan nya, kumukulo ang ang dugo ko.

Lalabas na sana ko ng pinto, ayokong pag usapan ang babaeng 'yon pero pinigilan nya ulit ako.

"T-teka kumain na muna tayo..." Tiningnan ko lang siya.

I'm sorry kailangan ko lang makapag isip isip at i adjust ang sarili ko.

"Ayoko kitang makasabay."

Totoo yon dahil baka makasama ko pa sya ngayong umaga at maalala ko nanaman ang sinabi nya kagabi at baka hindi ako makapag pigil at umiyak ako sa harap niya.

Sumakay na ako ng kotse at bago ako pumuntang school ay pumunta muna ako sa puntod ng mga magulang ko, bumili ako ng bulaklak sa loob ng sementeryo.

Kin cremated sila dahil sa pagsabog, naka salamin ang lalagyan nila ng abo.

Ngumiti ako ng malumanay, inilagay ko ang bulaklak sa loob ng salamin.

"Kamusta na po kayo?" Ayon palang ang sinasabi ko pero ramdam ko ng uminit ang gilid ng mga mata ko.

"Ako po kasi hindi ako okay eh, papalayain ko po ba siya?" Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko, naririnig ko nanaman sa tenga ko ang sinabi niya.

'Let me go Xyro'

Tumingala ako at bumuntong hininga at ngumiti. "Mom, Dad alam kong hindi niyo gusto ang paninisi ko kay Shin, pasensya na po... pasensya na kung naging ganto ko, pero masisisi nyo po ba ko?" Humugot ako ng hininga.

"Kung papalayain ko po ba siya magiging masaya na po siya? At kung papalayain ko po sya magiging masaya po ba ko Mom, Dad?" humikbi ako.

"Damn, hindi ko maimagine na nasa ibang kamay siya ng lalaki, iniisip ko palang nawawasak na ko." Tumawa ko.

"Siraulo talaga ko Mom, Dad, no? Pinahirapan ko siya tapos may karapatan pa kong masaktan? Pakiramdam ko kasi parang wala na, eh." Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Miss na miss ko na po kayo, sana masaya kayo diyan, salamat po sa pakikinig, late na po ako." Tumawa pa ako, hinimas ko pang mga salamin nila bago umalis sa puntod.

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now