Chapter 36

1.5K 51 2
                                    

Xyro POV

MARAMING alak sa lamesa, magkaharap kami ni Khairron

Binuksan niya ang isang bote at tinungga agad ito, nakaka dalawang bote na siya samantalang ako ay nakakakalahati palang ang isang bote, hawak ko lang ito habang nakatitig sa kanya.

Tinititigan ko ang mukha niya . . . kaya pala may pag kahawig kaming dalawa, hindi  pa rin ako makapaniwalang kuya ko ang pinag seselosan ko, nakaka tawa.

Tumungga ako ng alak.

"Bakit ni hindi man lang kita nakita sa burol ni Mama?" tanong ko.

Tumingin siya sa 'kin at ibinaba ang bote sa lamesa. "Nandon ako . . . sa malayo." Tumungga ulit siya.

Bumuntong hininga ako.

Kanina ko pa gustong itanong  sa kanya 'to.

"Bakit pumasok ka pa sa academy, tapos ka na pala?" Naka taas na kilay na sabi ko.

He giggled. "Para inisin ka. Effective naman, ah. Tss bro bakit gano'n ka kay Shin? Kung hindi lang natapakan 'yang ego mo hindi mo pa siya makikita ang halaga ng asawa mo."

"Tss," asik ko.

"Who's Mitch Chua?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya at tiningnan ako ng seryoso sa mata.

"You're ex girlfriend."

"W-what?"

Teka? Paanong naging siya? Shit . . .

Ang akala ko ba ay mag momove on na siya?

"Ang totoong pangalan niya ay Mitch Chua, iniba niya lamang ito ng tumuntong na siya ng Manila."

Humigpit ang hawak ko sa bote.

"Nakakatanda niyang kapatid si Marcos Chua, you killed him. Napag alaman ko rin na ang plano ni Mitch nong una ay ikaw ang puntiryahin, pero naging kayo at mukhang nahulog siya sayo . . .kaya umiba ang plano niya."

Tumiim ang bagang ko.

"Paano mo nalaman?"

"I have ways," Ngumisi siya sa 'kin at tumungga ng alak.

Kailangan ko bang maniwala sa kanya? Paano kung pinapaikot lang pala ko? Lalo na ngayon mahirap mag tiwala.

Pero kailangan ko ng tulong ngayon para maprotektahan ang asawa ko, hindi ko siya pwedeng pabayaan nalang. Fuck it, hindi ko alam kung mag titiwala ako sa kanya.

"Tangina, hindi ko man lang naisip na sya ang pumupuntirya." Tumawa ko ng may pait.

"Kailangan nating protektahan si Shin." Tumingin siya sa 'kin, kita ko sa mga mata nya ang pag ka determenato.

"Hmm," Tumango ako.

Kalahating oras kaming binalot ng katahimikan ng mag salita ako.

"Ni minsan ba nagalit ka kay Mama?" Lumingon siya sa 'kin, kumuyom ang bagang niya.

"Hindi." Umiwas siya ng tingin at tumungga.

"Hindi ako na galit sa kanya, kahit kailan hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya kahit sobrang sakit na . . . Nanay ko 'yon, e. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito sa mundo, iniisip ko na lang na may malaki siyang dahilan . . . naiintindihan ko siya dahil bunga ako ng alaalang ayaw niya ng maalala pa, kahit kailan hindi ako nagalit sa kanya. Sa katunayan nga nag papasalamat pa ko dahil hindi niya ko pina laglag." Tumawa siya ng mapakla, "Syaka nasanay na rin naman na ko . . . tinanggap ko na sa sarili ko na ayaw nya talaga sa 'kin." Tumingin siya sa 'kin na namumula ang mata.

"I'm sorry," Wala akong ibang masabi kundi ang salitang patawad.

Naisip ko swerte pa pala ako dahil nakaramdam pa ako ng mag mamahal ng isang ina.

"Sorry for what?"

"Sa mga nagawa at nasabi sayo ni Mama."

Bumuntong hininga siya. "Hindi na kailangan.'' Umiwas siya ng tingin at pasimpleng nag punas n luha. ''Tapos na 'yon."

NAPAG pasyahan ko nang umuwi, hindi ko namalayan ang oras, madami akong nalaman tungkol sa kanya.

Tulad nalang ng kaya pala siya naging bilyonaryo dahil sa tatay ng nakagahasa sa Mama namin, patay na daw ang tatay niya, pinahanap daw siya ng Lolo niya at sa kanya hinabilin any lahat.

Deserve niya naman ang lahat ng nakamit niya ngayon dahil sa mga pag hihirap na dinanas niya.

Nalaman ko din na kaya niya ako kinuha sa office ko ay may sumusunod sa akin, well, alam ko naman yon.

Inaalala ko lang ngayon ay si Shin . . .

 Siya ang prayolidad ko ngayon.

Nasa gate na ako ng village namin ng itext ko si Andrill.

To: Andrill

Kumusta na diyan?

Nag babantay siya sa labas ng bahay, sa madilim na parte ng bakuran namin.

Napabuntong hininga ako, medyo may tama na rin, good thing na malakas ang tolerance ko sa alak.

Nasa tapat na 'ko ng gate at ipinasok ko na ang kotse sa garage.

Inilabas ko ang phone ko at nag text Kay Andrill.

To:Andrill

Go home, nandito na ako.

Tinted ang kotse ko kaya for sure walang makakakita kung anong ginagawa ko dito sa loob ng kotse.

Inilibot ko muna ang paningin ko bago bumaba.

Pag kapasok ko sa living room nakita ko si Shin na mahimbing na natutulog, napangiti ako.

Kahit papaano nawawala ang problema ko pag nakikita ko siya. Lumapit ako sa hinihigaan ni Shin at hinalikan ko sya sa noo.

Inayos ko ang nakaharang na mga buhok sa mukha niya at tinitigan siya.

Proprotektahan kita kahit among mangyari . . . i love you wife.

Inayos ko ang kamay niyang nakalaylay.

Ng may mapansin akong isang punting bagay sa sahig,
Pinulot ko ito.

Pregnancy test?

Tiningnan ko ang guhit, nanlaki ang mata ko dahil dalawa ito! Magiging tatay na 'ko! Sobrang saya ko. Hindi ko mapangalanan ang sayang nararamdaman ko, hindi ko na napansin na lumuluha na pala ako sa sobrang saya. Pero lahat ng sayang nararamdaman ko ay nahaluan ng takot ng sumagi sa isip ko na nanganganib nga pala siya. Fuck!

Masaya ko, masaya ako dahil magiging tatay na ko, pero nilulukob ako ng takot dahil hindi maganda ang sitwasyon ni Shin ngayon.

Ibinulsa ko ang pregnancy test at hinalikan ulit siya sa noo.

Dahan-dahan ko siyang binuhat at inakyat sa kwarto, inihiga sa kama at kinumutan.

Hinalikan ko ulit siya sa noo. "Good night, wife and . . . thankyou for everything."

SARADO lahat ng bintana, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Khairron.

Ibinigay niya sa'kin ito kanina.

Nakailang ring din bago niya sinagot.

"Kailangan na mating kumilos." bungad ko sa kanya.

"Anytime, bro."

"Buntis si Shin at kailangan kong protektahan ang mag-ina ko."

Bigla siyang natigilan sa kabilang linya. "C-Congrats bro" napakunot ang noo ko

"Are you okay?" tanong ko

"Oo naman, I'm happy to both of you." Naririnig ko pa ang kanyang hininga, mabagal ang kanyang pag sasalita.

"Thanks, bro."

"So? What's the plan?" bumalik sa pag kaseryoso ang boses niya, mahina ito ngunit nababakasan doon ang otoridad.

Tumingin ako litrato namin ni Shin na nakapatong sa bedside table at nag salita, "I have a plan."


Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now