Chapter 07

2.2K 79 0
                                    

Shin POV 

NAKATINGIN lang siya sa'kin ng blangkong mukha.

"Stand up. . ." utos niya habang naka lahad ang kamay sa akin, tinanggap ko iyon at tumayo, pinapayungan niya pa rin ako kahit basa na'ko. Nag titigan lang kami, hindi pa 'rin ako humihinto sa pagluha. Pinunasan ng hinlalaki niya ng kaliwang kamay ang mga luha ko. "Stop crying," naka kunot na anya.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumango. Humugot ako ng hininga para mapatigil ko ang sarili sa pag iyak.

Sumilong kami ni Khairron sa isang department store, naka upo kami sa isang akupahang mesa dito banda sa bintana kaya kitang - kita na umiiyak ang langit.

Umorder 'din siya ng dalawang hot coffee, mag kaharap kami, humigop ako ng kape samantalang siya ay nakatitig lang sakin.

"Three times." anya niya, tumingin ako sa kan'ya.

"H-ha?" anya ko.

"Tatlong beses na kitang nakitang umiyak, tss crying lady." napanguso ako, "Pasensya na."nahihiyang anya ko.

"Why are you cried again, then?" nakakunot na ang kan'yang noo.

"K-kase may problema ako sa bahay namin."palusot ko. Buti nalang ay naniwala siya sa palusot ko.

Nagpapasalamat akong nandiyan si Khairron dahil may nasasandalan ako kahit papaano, kahit hindi ko sinasabi sa kan'ya ang problema ko ay hindi pa 'rin siya umaalis sa tabi ko tuwing umiiyak ako at pinapatahan niya ako. Hindi ako ganito kay Grace dahil alam kong hahalungkatin niya kung bakit ako umiyak at baka malaman niya pa asawa ko ang prof namin.

Buti nalang at tumila na ang ulan nung matapos kaming uminom ng kape. Ihahatid pa sana ako ni Khairron sa bahay pero hindi ako pumayag dahil baka malaman niya ang sekreto ko at sinabi kong malapit lang naman ang bahay ko. Pinayagan naman niya akong umuwi mag isa, pag dating ko sa bahay tahimik na tahimik ang lugar, wala ka nang maririnig na halinghing, bumuntong hininga ako at umakyat na sa kwarto ko at naligo, feeling ko lalagnatin ako pero wala akong gamot.

Tiningnan ko ang orasan at 3:08 na ng madaling araw napagpasyahan ko ng matulog.

Nananaginip ako tungkol kay Xyro. Nakatali ang paa't kamay ko sa isang silya at nakatayo si Xyro sa harap ko ng nanlilisik ang mga mata habang nakatutok ang baril sakin.

"X-Xyro huwag please m-maawa ka sakin please. . ." humahagulgol na anya ko.

"Maawa? Ha?! Bakit sa'kin ba naawa ka ha!?!" galit na galit na sigaw niya sa'kin.

"Please let me go X-Xyro, I'm sorry hindi ko sinasadya 'yon!" anya ko.

Nag tiim bagang siya"Sorry? Hindi na mababawi ng sorry mo ang nangyari!" kinalabit niya ang baril.

"Xyro huwag!" at nag dilim na ang lahat. . .

Pag kagising ko nakita ko si Khairron na may nag aalalang mukha, yumakap agad ako sa kan'ya "Khairron salamat. . ." anya ko.

Bigla akong nagising na naghahabol ng hininga, may nararamdaman akong basa saking pisngi at pinunasan ko ito, tinitigan ko ang luhang ito sa daliri ko.

'Umiyak nanaman ba ako? pero hindi basa ang mata ko? ' 

'Anong ibig sabihin ng panaginip na yon?'

Nalilitong ani ko sa isip, kinapa ko ang noo at sobrang init ko, siguro dahil lang may sinat ako.

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now