Chapter 17

2K 67 4
                                    

Shin POV

HINAYA ako ni Khairron na mag sayaw sa gitna, nakalahad ang kamay niya sa'kin, napatingin ako sa gawi nila Xyro at sobrang sama ng tingin niya kay Khairron. Nag aalinlangan akong tanggapin iyon, pero kung hindi ko naman tatanggapin iyon ay mapapahiya siya.

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang kamay niya, damang-dama ko ang lamig at pawis ng aking kamay dahil sa kaba, ba'ka magalit si Xyro at pag awayan namin ito.

Nagsasayaw na kami sa gitna, nakahawak ako sa magkabilaang dibdib niya at nakahawak siya sa baywang ko, nakangiti lang siyang pinagmamasdan ang mukha ko.

Ang totoo naiilang ako sa sitwasyon, ewan ko ba paramg buhat nung hinalikan niya ako ay hindi na ako komportable sa kan'ya.

"You're so beautiful, Shin." kumikinang ang mata niya habang sinasabi iyon, lalo akong nailang at hindi ako makatingin ng deretso sa mata niya, nahagip ng paningin ko ang pwesto nila Xyro at nakita kong inaalog at hinihila ni Mitchell ang braso niya pero nakatingin lang sa'min ng matulis si Xyro. Mas lalo akong kinabahan.

"Naiilang ka'ba sakin?" at hinuhuli niya ang paningin ko.

"Ahh, hindi naman, hindi lang ako komportable sa suot ko." pagdadahilan ko.

"Uhmm, pwede ba tayong mag lunch bukas?" umaasang tanong niya.

"Ha? Bakit?" napakunot ang noo ko.

"Aalis na kasi ako at gusto ko lang na makasabay kang kumain, lilipat na akong school." umaasang anya niya, "Please?"

'Ano bang gagawin ko?papayag ba ko o hinde?magpapaalam muna ko Kay Xyro tama.'

"Ahhm, hindi ako sigurado, ahh mag papaalam muna ko sa papa ko. . ." pilit ngiting anya ko.

"Hmm, hihintayin kita sa 4A restaurant nalang tayo magkita." anya niya.

"Uhmm, s-sige" napatingin ako kay Xyro at umirap lang siya, napanguso ako.

PAG UWI namin ni Xyro ay ang sama ng timpla ng mukha niya, naka salubong ang dalawang kilay.

Magkatabi kami ngayon sa sofa habang nanonood ng TV, kakatapos ko lang maligo kaya pinupunasan ko ito ng twalya.

Humugot muna ako ng hininga at pinalakas ang loob bago mag salita.

"Ahmm, X-Xyro?" kinakabahan talaga ako, baka kasi magalit siya.

"Hmm? May gusto ka bang kainin?" mahinahon na anya. Nanatiling naka tingin siya sa TV.

"Ahh kasi. . ."

"Kasi?" ginaya niya ang tono ng pananalita ko.

"Pwede ba kong lumabas bukas? Sige na,may pupuntahan lang ako." umaasang anya ko.

"Sige," syaka lang siya tumingin sa'kin at kinuha ang twalya sa kamay ko, "Turn around." utos niya, tumalikod ako.

Siya na nagpatuloy ng pagpupunas sa buhok ko, napapangiti ako. Kinikilig ako sa mga ginagawa niya, lalo ata akong nahuhulog sa kan/ya.

"Diba may binili ako sayong dress nung isang araw? Ayon nalang suotin mo bukas." busy pa rin siya sa pag pupunas.

"Ha? Bakit?" nagkunot noo ako.

"Gusto ko lang kasing makitang suot mo 'yon, siguradong babagay 'yon sayo." halata sa pananalita niya na naka ngiti siya.

"Ahmm, sige. . ."

KINABUKASAN.11:00 am akong umalis ng bahay, sinuot ko yung binili sakin ni Xyro na dress, kulay asul ito na manipis lang ang tali sa balikat, may mga bulaklak na maliit pa sa ibabang bahagi ng palda, sobrang ganda talaga.

Hindi na ako hinatid ni Xyro dahil may pupuntahan daw siya, tinanong ko kung saan siya pupunta pero ang sinagot nya lang sa akin ay 'please 'wag ka ng magtanong' kaya wala na akong nagawa.

Pumara na ako ng taxi at sumakay na, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, para naman akong makikipagdate kay Khairron nito, bakit pa kasi ito ang ipinasuot sa'kin ni Xyro.

Nasa 4A restaurant na ako at papasok palang ako ng pinto ay naaninag ko na Khairron na naghihintay, kumaway ako sa kan'ya at ngumiti lang siya sa akin. Lumapit na ako "Kanina kapa?"

"Hindi naman kararating ko lang din." naka ngiting anya. Inalalayan niya akong umupo.

Tumawag na siya ng waiter, umorder na kami. Sobrang dami niyang inorder.

"Buti pinayagan ka ng papa mo?" panimula niya, hindi ko alam kung bakit parang diniinan niya ang salitang 'papa' o praning lang talaga ako.

"Ahh, oo." maiksing anya ko, sumubo ako ng pagkain at nanlaki ang mga mata ko sa sobrang sarap nito.

"You like it?" tanong niya, tumango ako ng sunod-sunod.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano. Pagkatapos naming kumain ay may pupuntahan daw kami, 'yung una ayoko sanang pumayag pero last na daw ito.

Inalalayan niya akong sumakay ng Ferrari na kotse niya at sumakay na siya sa driver seat, habang nag susuot ako ng seat belt ay bigla niya na lamang tinakpan ang ilong ko ng panyo, nag pupumiglas ako.

"Khaihskfreo—!" nagpupumiglas pa rin ako, unti-unti na akong inaantok, hanggang sa nilamon na nang dilim ang paningin ko.

Pursuit of Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now