16. 100 Words: Arcane by YowenFate

3.2K 30 13
                                    

Author's Own Blurb:

Mga misteryosong kwento sa loob ng isandaang salita.

====================

I have one word to sum up this work:  Elegant!

This got me so excited!  Sa unang kabanata palang na-hooked na ako.  At ngayon pa lang, sinasabi ko na na wala akong maireklamo sa likhang ito.  As in totally wala.  I'm a fan!

It has everything I want:

*Fantasy ang genre nito.  Ang tagal ko nang naghahanap ng mababasa under that category ng Wattpad.  Sure marami namang nakalista doon pero, so far, nothing comes close to the quality of this one.

*Kapuri-puri ang paggamit ng wikang Filipino sa mga likhang nakapaloob sa librong ito.  Nakakataba ng puso at nakakabusog ng mata.  Hindi na ako madalas nakakapagbasa ng ganitong paraan ng pagsusulat sa palasak na babasahing katulad ng mga nandito sa Wattpad.  'Yong tipong kailangan mo ng Filipino-English dictionary para maintindihan ang ibang malalalim na salita.  Very lyrical kasi ang kinalalabasan.  Nagbabasa ka ng sanaysay pero parang tula na rin dahil sa ganda ng mga salitang ginagamit.

I think, one of the reasons why Filipino writers don't write a lot sa genre na fantasy ay dahil sa they don't know or we have already forgotten how to use our own language effectively.  Ang bulto kasi ng sinusulat mo sa genre na ito ay mga descriptions.  Sa isang chapter, 1/4 lang halos ang dialogue  and the rest are descriptions na.  And a lot of people feel na kulang ang mga salitang Filipino para maisalarawan ang kung ano mang naabot ng ating imahinasyon.  This collection of drabbles proves us all wrong.

*It's a collection of stories and I'm a fan of anthologies. Isang libro pero ang daming kuwento.  Sabi nga ni Yowen, nagsimula ang likhang ito bilang katuwaan at bilang ehersisyo once the writer's block comes along.  I can see why it helps.  Each chapter is like a blurb of a full novel.  To borrow (and twist) a line from the movie Forrest Gump:  This book is like a box of chocolate.  You'll never know what kind you'll get.  Each chapter is a surprise.

*Amazing chapter titles!  I suck at writing titles.  As in total flop ang lola niyo sa ganyan.  If I could get away with it, lahat ng title ng mga works ko dito would be Untitled #1, Untitled #2, etc.  You get the picture.  Pero itong 100 Words: Arcane, chapter title pa lang super clickable na that when you get to the story itself you will feel like double-dead ka na sa ganda ng nabasa mo.  Seryoso.  Ganoon ang na-feel ko.  'Yong tipong peeved ka na kasi wala kang maipintas.  Hahahaha.  Ganda na nga ng title ganda pa ng kuwento.  Sige, kayo na ang magaling.  Asar, asar, asar.

I could probably go on and on and on about how much I liked this work.   Baka ang iba pa sa inyo maisip na baka milyon ang binayad ni YowenFate sa akin to heap praises on this.  Wish ko lang na bayaran ako sa ginagawa kong ito.  Anyway, hindi ko naman kailangan ng bribe.  Ang satisfaction na naramdaman ko at patuloy na nararamdaman (I reread some chapters at random) dahil dito is enough nang kabayaran.  May sukli pa nga si Yowen kung tutuusin. 

So ikaw, subukan mo na.  Hindi ka magsisisi and you will literally feel your brain expand chapter by chapter.  Can you see that book cover of that guy flying up to the skies as if he's weightless?  Ganyang-ganyan ang feels ng likhang ito.  Nakaka-high :-)

To @YowenFate, thank you isn't enough but that's all I have for the moment.   Maraming salamat sa lahat ng effort.  This work definitely deserves its high ranking. If you decided to get this physically published, pleaseee, PM me the when and the how so I could get my greedy hands on a copy.  Your work is my first review for this year and you've set the bar sa mga susunod kong babasahin under this genre.  So far, wala pang nakakalapit sa level mo and it's depressing. 

P.S. 

Marami sa mga chapters ay madedevelop mo into a full blown short story or kahit nobela na mismo.  Na-mention ko lang kasi nasasayangan ako sa seed ng premise.  I can sense kasi na ang ilan has more stories to tell but they are boxed in by the limits of the drabble.  Think about it lang.  I won't envy you the brainbleed if you ever decide to make them longer.  Pero, I would definitely read them.

 P.S.S

Is this really completed or on-going anthology ito?  Kasi parang last time I've checked hanggang Ensemble: Heavenly Battles lang siya.  Pero ngayon, may Heart's Day na.

Wattpad Must-Read Stories by Filipino AuthorsWhere stories live. Discover now