6. One Shot - Hoy Chua! by erindizon

9K 28 18
                                    

Author's Own Blurb:

Mayabang pero torpe.

Masungit pero sensitive.

=========================

This is another story I found through a recommendation.  This time mula naman sa "Recommended Stories" by JhingBautista.

[Out of Topic:  Maraming mga magagandang storya na nandoon sa list na 'yon.  Halo-halo nga lang.  May on-going.  Meron ding completed at maraming one shots na katulad nitong "Hoy Chua".  May mga foreign made din.  I personally liked "The Right Kind of Wrong" which is a Harry Potter fanfic.  Love story between Draco Malfoy's son and Hermione and Ron's daughter.  Well-made.  Kung likhang Pinoy 'yon hindi ako magdadalawang isip na ilagay 'yon dito.]

Hindi ko alam what's with recommended books na nagugustuhan ko.  Pinahihirapan ako.  Kung sa C3-CHAS ay nahirapan akong hanapin 'yong book at author, kabaliktaran naman dito. Sobrang dali ko itong nahanap at na-add sa library ko. 'Yon nga lang, nang babasahin ko na sa phone ko, putol.  Pag-flip ko ng page, iba na ang kinukuwento.  Halatang may mga pages na na-skip. Nag-ha-hang pa ang application.  I had to force close Wattpad several times sa phone ko.  I even uninstalled and re-installed Wattpad three times before I gave up and just read the thing on my laptop.  At sa 12 books na nasa library ko, siya lang ang bukod tanging nag-i-inarte ng ganoon.  Take note, siya ang may pinaka-konting page ha.

Pero, despite all the pains I went through (exag galore lang?!) to read it, it was worth getting frustrated over. Hehehe.  I totally enjoyed and love this short piece.

To be quite frank, if I found this book through the blurb alone, hindi ako ma-a-attract dito. C'mon! Hindi pa kaya umabot sa sampung salita ang blurb nito.  Tapos no clue pang binigay kung what about ba ang kuwento except romance siya.  Ano bang clue makukuha mo sa anim na salita?  If book cover naman nito ang pagbabasehan, wala din.   It's nothing fancy.  

Pero malakas ang dating ng title nito sa akin kaya nga naisipan kong basahin.  "Hoy Chua!".  Hindi ba't nakakatawag ng atensiyon mo ang title kahit wala namang ka-Chua-Chua sa pangalan at apelyido mo?  I don't know how to exactly explain the feeling.  But I'm sure you'll feel it once you see the book cover with the title.  Mag-ze-zero in talaga ang focus mo sa title and you'll not notice the super short blurb and the not-so-fancy cover.

As for the story itself, kung iisipin mo, cliché siya.  Collection nga ng cliché, eh. Magkapitbahay, magka-away, nagkatuluyan.  End of story. Hindi ba't formulaic na?  Pero siyempre, kung ganoon lang 'yon, anong ginagawa nito sa list ko?  Sa unang tingin, cliché should have worked against it but amazingly, it did not.   Sa halip na ma-bore ka kasi sasabihin mo sa sarili mong may nabasa ka nang kapareho nito dati, mas nahulog ka pa nga sa kuwento.  Ginamit kasi ng author ang cliché scenario to make you feel affinity for the characters and for the situation.  It makes you feel like the story could have been yours  in reality.

Hari ng kasimplehan din ang kuwentong ito.

*Walang anik-anik ang mga characters.  My gulay!  Ni hindi nga niya dinescribe ang itsura ng mga characters dito.  

*Walang forced drama (alam mo 'yon? 'Yong paglalagay ng author ng mga sad scenes kuno eventhough the story don't need it at hindi fit para lang magkaroon ng tension sa kuwento). 

*Walang grand confession gimmicks (no letter, no recorded mp3 ng confession, no roses and fireworks and balloons and cakes and all).  I have nothing against those confessions.  Sometimes, they work naman.  Pero leery lang ako sa mga ganoon sa mga kuwento.  Para kasing writer's default na ang mga ganoong scenario para magpakita si guy ng pagmamahal sa girl.  Seriously, parang template na.

Some could say that these would have made the story bland, but, again, amazingly, it did not. What it did was focus your limited attention span to the genius of the story.

And of course, special mention ang POV at dialogues dito.  Sa pagkakaalam ko, babae ang author nito pero male POV niya ay very believable.  Sa rhythm ng pagkukuwento at internal  dialogues ng POV, nai-imagine mo talagang lalaki ang nagsasalita. At ang iba pang dialogues, babae man o lalaki, ay swak na swak.  I salute the author for this.  Never akong na-confused sa identity ng speaker. 

To end this, ito ang kuwentong naaalala kong  pumatay sa akin sa kilig habang binabasa ko without overloading me with cheesy lines and moves.  Pinapatunayan ng kuwentong ito ang kasabihang "Simplicity is beauty."  Hindi kailangan ng gangster, cassanova, Adonis, at kung sino-sino pang alpha male (although I have nothing against those.  I love alpha males. Hehehehe.) para lang magkaroon ng kuwentong magpapakilig sa'yo.  All we need is a kapitbahay na torpe na malaki ang lihim na pagsinta sa atin.  Hahahahaha.  Spoiler na ako.  Patawad.  Basahin niyo lang at siguradong hindi kayo magsisisi.  Sabay-sabay tayong mangarap ng isang Bautista na pupuno ng pagiging Chua natin.  And vice versa (for male readers).

Wattpad Must-Read Stories by Filipino AuthorsWhere stories live. Discover now