12. Fifteen Days by pilosopotasya

5.1K 30 11
                                    

Author's Own Blurb:

Sabi nila, kapag daw ginawa mong wallpaper ang picture ng taong mahal mo sa cellphone mo at walang nakakita nito within 15 days, magkakatuluyan daw kayo. Teka teka, naniniwala ka ba don?

====================

Thank God, I found you!

Iyan ang peg ko sa one-shot na ito.  Binasa ko ito after ng Six Degrees of Separation by JhingBautista.  Binasa ko on the same day.  Mga ilang hours after noon.  Gawd, was I desperate to read this!  Read my previous book review to know why.

So ayon, I was desperate na nga.  Pero hindi ko talaga ito sinadyang makita.  Hindi ko hinanap sa search box ng Wattpad.  Asa pa ako sa box na 'yon na hindi nagwo-work for me 80% of the time.  Hindi ko na maalala kung paano ko ito nakita pero I remember vividly na ang profile name ng author ang nakahagip talaga ng atensyon ko bago pa man ang work na ito.  Pilosopotasya.  "Bakit hindi pilosopatasya eh babae siya? Mabuksan nga 'to."  Yeah.  Lame of me pero 'yon talaga ang sample ng mga kababawan kong naiisip.  Nagbukas ng list of works dahil na-curious sa wrong gender ng adjective.  Ewan ko ba sa akin.

Pero, buti na lang ganoon ang profile name ni Author.  Kung hindi, ay naku, nagwa-wallow pa rin ako sa doom and gloom vibes ko.

This is a short one pero what stands out for me sa likhang ito ay ang paggamit ng writer sa isang urban legend to drive the story.  Urban legend na ngayon ko lang ever narinig.  And I guess, base na rin sa mga nabasa kong comments sa kuwentong ito, first time din marinig ng karamihan.  Sure, this isn'the first time a writer uses an urban legend to drive a story pero usually, sa Pilipinas, ang mga urban legends ay ginagamit to drive horror stories.  Horror.  Shudder. Shudder.  Shudder.  Think of the bagwa sa Feng Shui at ang mga tradisyon sa kasal sa Sukob.  Oh, what horror those were (okay, ang ilan siguro sa inyo ay masasabing ang duwag duwag ko na natakot ako sa mga movies na 'yon, pero, ano magawa ko eh sa ganoon talaga?)!  

Thankfully, Fifteen Days is a love story.  A very cute, funny, and light love story.  Masarap siya basahin.  Not because I was traumatized by the book before it pero dahil masarap lang siya talagang basahin.  Sa ikli ng kuwento, I can say na maayos at polido ang pagkabalangkas nito.  'Yong tipo na kahit maikli, pinag-isipan talaga ang plot bago isulat.  

One page lang siya.  Yup ganoon lang kaiksi-- literal one shot talaga. Pero, sa ganoon ka-short na time, nakilala mo na agad ang mga characters to the point na you can visually imagine them.  And those visual images did not come from the description of the characters.  Maybe for the guy may description pero for the girl, wala.  So saan mo huhugutin ang mga imahe?  Mula sa tone ng narration.  Saktong-sakto.  Sa tono ng pagsasalita, alam mong ang babae ay highschooler (or sige na, someone barely out of highschool).  You can imagine her as bubbly pero medyo mahiyain.  Not a wallflower pero not a social butterfly.

I especially like the narrator.  Pleasant ang tone niya.  Parang kapatid ko lang noong nakaranas ng unang kurot ng first love.  Hahahaha.  You know those times.  'Yong parang kumikinang-kinang ang mga mata habang nagkukuwento.  Tapos parang nahihiya pa pero hindi mapigilang ibuka ang bibig at isiwalat ang lahat.  I can vividly imagine the narrator sitting across me and doing all those things.  To borrow one of the commenters' expression -- ang kyot-kyot!

And the kilig factor.  No fireworks.  Nor grand gestures.  Wala namang nangyayari pero kinikilig na ako.  Hahahaha.  Hell, wala pa nga sa ending kinikilig na ako.  At nang ending na, awww!  I wanna go back to highschool and do this all over again.  Bakit walang nagsabi sa akin ng 15 days wallpaper thingy na ito dati?  Bakit???  Siguro if someone did, baka naging first lady na ako ng Passi ngayon. Hahahaha.  

At ayon pa, this story, despite its very short length is making you a proactive reader.  Basahin ang mga comments ng mga tao sa likhang ito.  Almost all of them tried this urban legend while the rest are thinking of doing it.  Ako iniisip kong ilagay sa wallpaper ko si Adam Levine.  Malay natin. Totoo nga ito.  Wala namang mawawala.  At 'pag nagkatuluyan kami ni Mr. Droolworthy, hell, invited kayong lahat!!!  Just print this page and it will serve as your invitation.

Also, ang dami kong tawa sa likhang ito dahil sa mga pinagsasabi ni narrator."Minanyak ko ang buo kong katawan pero hindi ko makapa o makita ang cellphone ko." Dito talaga ako natawa.   Ano daw?  Minanyak ang sarili?Paano ba minamanyak ang sarili?  Ma-try nga one of these days. Hahaha. Ito pa ang isa: "Hindi ako makatingin sa kanya kasi baka bigla ko na lang siyang ma-rape ng hindi sinasadya."  Go girl!  Hahahaha.  Akala ko pa naman inosente kang bata ka. Puro lustful thoughts ang nasa utak ng batang ito.  Paano kaya ang not guilty plea niya sa korte? "Umm.  Your Honor, I'm not guilty po kasi hindi ko naman po sinasadyang ma-rape siya, eh.  Ampogi niya kasi.  Tapos andiyan lang siya, nakatayo sa harapan ko.  Ano pong gusto niyong gawin ko?  Sorry po talaga.  Aksidente lang po ang lahat."  Bwahahaha.

Para sa mga potential readers, subukan ito.  Kahit gaano man kapangit ang mood mo, namatay man ang pusang itim ng nanay mo (Yeah.  May hang-up talaga ako sa black cat ng nanay ko.), hindi papalya ang kuwentong itong magpangiti sa'yo.  16 years old ka man o 60 na, hindi ito papalyang pakiligin ka.  And if mabitin ka sa ikli ng kuwento, don't worry may short film at graphic novels pa na puwede mong pagbalingan ng atensyon.  Yeah.  This  story was that great na may nag-attempt na isapelikula siya at i-drawing pa.

For pilosopotasya, thank you so much for saving me.  If si Ms. Jhing pinatay ako sa sakit, ikaw pinatay mo ako sa saya.  And for that, I'm grateful.  And maganda talaga itong likha mo.  Hindi malayong magka-fan fic ito.  Fan-fic, for me, is the highest praise and ode a reader could give to a writer.  I hope someone does it for you.  Pero I think, a short film and a graphic novel isn't bad at all.  Great job!  

P.S.  You're not obligated to answer this, pero, really, bakit pilosopo at hindi pilosopa? Hindi ko pa rin kasi alam.

Wattpad Must-Read Stories by Filipino AuthorsWhere stories live. Discover now