9. Heartless by Jonaxx

7.1K 78 31
                                    

Author's Own Blurb:

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupuntahan mo. Yung feeling na palapit pa lang yung birthday mo. Yung feeling na palapit pa ang isa pang espesyal na araw. Yung feeling na ilang oras na lang ay pasko na. Yung feeling na tatlong araw na lang simula na ulit ng pasukan. Yung feeling na nasa gitna ka pa lang at di ka pa nakakarating. Yung feeling na malapit na pero hindi pa. Yun ang laging gusto ko. Yung nasa gitna pa lang. Yung nasa gitna ka ng dalawang bagay. Gitna ng isang building. Gitna ng langit at lupa. Gitna ng dalawang matatabang tinapay. Gitna ng byahe papuntang disneyland. Mas gusto ko yung feeling tuwing nagbabyahe kesa doon sa nakarating ka na. Mas gusto ko yung feeling na may inaantay ka kesa doon sa nandyan na.

I always like the things in between.

"You only like things in between, Coreen. You only like the chase... You only want me chasing after you. You don't want to decide... Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko... You are just too heartless."

(The longest blurb I've ever had here.)

====================

My first book review of the year and it's 64 chapters long.  Ang libro, ha.  Not my review.  Susme.  Sino namang timang ang magtatangkang magbasa ng ganoon kahabang review.  Certainly not me.  And for sure, ikaw din.

Ipagpaumanhin mo if I'm blabbering.  7 months din akong hindi nakapagsulat ng kahit na ano kaya kumukuha pa ako ng buwelo.  Yeah.  It took me that long to get over Yolanda.  I had to get pass a chaotic house, no electricity, cartons of yet-to-be-unpacked books, office documents that needs to be reorganized, and getting my writing rhythm kickstarted.

Anyway, I'm over all that and I'm back.  So, unto Heartless…

Book Cover

Sinimulan ko ito noong less than 1,000 reads pa lang siya.  At hindi pa itong candy fluffball ang book cover niya.  Sorry, Jonaxx.  I prefer your first book cover.  Iyon ang kumumbinsi sa aking subukan itong likha mo.  

For those na hindi na naabutan ang lumang book cover, pink siya with a figure of an anime guy na parang gangster.  Hmmm.  If you have "Siya nga pala si C.K." on your reading list, ang book cover niya is similar to what I'm describing here. I hope I remembered it right.  Ang tagal na noon and I never profess to have a perfect memory.  Basta ang sigurado ko, mas gusto ko 'yon.  In fact, when I went online again sa Wattpad to check updates on this book, nagduda pa ako noong una if it is the same book.  Worlds apart and current cover and the old one.  I guess mas nasanay lang ako sa previous book cover.  Or mas nareremind ako kay Rozen with that book cover kaya I prefer the old one.  This current book cover is so fluffy for Rozena nd Coreen.  Pero that's just me.

The Story Length & Chapters

Ang haba ng kuwentong ito.  Nabanggit ko nang may 64 itong kabanata.  At ang bawat kabanata ay mahahaba.  May kagandahan naman ang ganitong format lalo na sa mga mambabasang mahilig sa detalye.  Pero para sa mga readers na gusto ang direct to the point na estilo ng pagkukuwento, magkakaroon sila ng kaunting problema sa haba.   

I think we have to consider the time frame ng kuwento to justify the many and long chapters.  The story started when the main characters were kids hanggang sa nagka-asawahan  (Oopps… Sorry.  Spoiler 'ata).  

The good thing is that sa kahabaan ng libro, may tiyak na ending.  Hindi katulad sa mga nauuso ngayong kuwento na ending na nga cliff hanger pa din.  At least dito, may sure na sure na closure.

The Premise

Ang kuwento ay nagsimula sa isang simpleng love triangle.  Patay na patay si Coreen kay Noah.  Patay na patay naman si Rozen kay Coreen.  Pero doon nagtatapos ang cliché sapagkat itong si Noah ay ayaw na ayaw kay Coreen at si Coreen naman ay ayaw na ayaw kay Rozen.  And Noah and Rozen are brothers. At para sa akin, that little twist  makes for  an interesting premise.  

Usually, na-tu-turn off ako sa mga rivalries between bestfriends.  Kaya nga despite sa dami ng eyecandy guys ng Fushigi Yugi dati ay inayawan ko siya dahil magbestfriend and magkaribal.  Mas masaklap pa nga dito dapat kasi magkapatid talaga ang magkaribal.  Pero this one works for me.  Kasi nga siguro it doesn't follow the love triangle formula sa first glance.

The Characters

I like the main characters: Coreen, Rozen, Noah.  Straight forward and very decisive ang personalities.  Gusto ko ang katiyakan nila sa kung sino ang gusto at ayaw nila.  Here, Coreen is assured in her like for Noah and hatred for Rozen.  Noah isn't playing coy with showing his dislike of Coreen.  And of course, Rozen is like Dao of F4 fame.  Hahamakin and lahat pati impiyerno makuha lang si Coreen.  A bit creepy pero I ldig that.  Hahaha...Kung iba siguro ang mga ugali ng mga characters nito, hindi ako umabot sa last page.

Sure, habang tumatakbo ang kuwento ay nagbabago din ang isip ng mga characters pero at least hindi ang core value nila.  Nang magbago man ang isip ni Coreen tungkol kay Rozen, at least walang chapters na sinayang sa pagkaka-confuse niya or ang pagiging in-denial niya sa pagbabagong naganap.   (Ala, spoiler.  Pero okay lang naman siguro.  Habang binabasa mo naman ito, natitiyak kong mararamdaman mong this is a Coreen-Rozen story).

Oh, and I have to say this, I love the name Rozen for a guy.  Very masculine ang feel kahit na feminine ang pagbabasa (sounds like 'rose' pero malakas ang dating).  Bagay na bagay sa personality ni Rozen ang pangalan niya.  Kaya lang, parang nabasa ko na ang name na ito sa isang Japanese manga.  Correct me if I'm wrong, Jonaxx, pero parang name ng lead singer ng isang Japanese band sa isang manga ang Rozen.

Why Read?

So, why is this one on the list?  

The main reason is that, so far, sa mga nabasa ko kasi dito, ito pa lang ang nagtagumpay sa pagsasanib ng mga magagandang aspeto ng mga Koreanovelas, Japanese shoujo manga, at Filipino telenovelas.  

Heartless has the elements of Korean stories wherein the guys are maldito and the girl is a bit love obsessed.  

The story also has the vibe of a Japanese shoujo manga sa katauhan ni Rozen.  Rozen is like a Japanese bad boy heartthrob.  I luuurve those kinds of heartthrobs!  Korean bad boys have nothing on Japanese bad boys.  Hahahahaha.  And lumalabas pagka-otaku ko.  (Although acting-wise, Korean actors are way, way, waaaay better.  The best! 'Yon nga lang Japanese writers write better bad boys).  

At siyempre pa, ang kuwentong ito ay nagbibida ng isang independent at palaban na babae na typical of our telenovelas.  The type of heroine na wala sa dalawang nauna kong nabanggit.  Pansinin kung gaano katanga ang mga babaeng karakter sa mga Koreanovela at Japanese manga (Not all siguro, pero 80-90% of the time).  Thankfully, hindi ganoon si Coreen.  

May mga bahaging mukhang minadali at mukhang may out of character experience ang mga character.  May ibang chapters na iba ang tone pero sa sunod na chapter iba na ulit.  For example, may chapter na iritable ang tone ni Coreen pero sa next chapter melancholic na siya.  Pero these are minor things lang naman.  They are not enough para mag-detract sa kagandahan ng premise at ng kabuuang kuwento.  

Also, I want you to read this until the end if nothing else but for the last chapter.  Para sa akin that last bit is the best.  Pagkabasa ko noon, how I wish that Jonaxx wrote more chapters like that.  Naaalala ko ang Midnight Sun ni Stephenie Meyer sa last chapter na iyon. Kung bakit, basahin mo na lamang ang Heartless para malaman mo. <<wink wink>>

P.S.

Jonaxx, sorry kung meyo sabog ang pagkakasulat ko ng portion na ito.  This isn't my best write up here pero promise, I tried my best.  Ayaw ko namang maghintay pa for the time when I'm totally normal bago ko ito isulat dahil this work of yours does not deserve to wait. I think 5 months is enough waiting already. Anyway, thank you.  You kept me company during my dark days (literally dark days of no electricity tanging mga mobile phones lang ang ma-cha-charge). 

Wattpad Must-Read Stories by Filipino AuthorsWhere stories live. Discover now