7. PS I'm Still Not Over You by ThatKindaGirl

8.6K 32 8
                                    

Author's Own Blurb:

Not provided.

====================

I have a confession to make:  I'm a sucker for happy endings.  Sa totoong buhay ay hindi ako umaasa at nagtitiwala sa happily-ever-afters, but when it comes to stories I usually like, I want the Disney fairytale endings.  Well, spoiler na kung spoiler pero this one shot, it does not end well especially for the main character.  Still, nagustuhan ko pa rin siya.  Nakapagtataka.

Hindi ako madalas umulit ng mga nababasa ko.  Kung may inuulit man akong basahin, madalas ito ay pagkalipas pa ng ilang buwan.  Minsan nga taon pa, eh.  Pero ito, pagkatapos na pagkatapos kong mabasa inulit ko ulit.  Pagkalipas ng ilang araw, binasa ko ulit.  Hindi kasi ako mapakali kung bakit kahit hindi happy ending o nakakakilig ang kuwento, nagustuhan ko siya.  At ang tipo ng pagkagusto ko dito, hindi ko madaling maipaliwanag.  Ngunit dahil sa somekinda book review ang artikulong ito, susubukan kong maipaliwanag.

Maihahambing ko ito sa spicy foods.  Hindi ako mahilig sa maanghang.  Hindi lang sa hindi ako mahilig.  Ayaw ko talaga.  Feeling ko namamatay ang taste buds ko at baka hindi na magbalik kung kumakain ako ng maanghang.  Pero kumakain ako ng pulang Sugo (kapamilya ng Happy pero iba pa rin.  Wow.  Ang labo ko.)  At sweet and spicy na Lucky Me Pancit Canton (Sugo company and Lucky Me should be paying me for plugging their products here).  Noong una ko silang nakain, halos isuka ko.  Pero habang nginunguya ko at nagrereklamo ako, pagtagal, sumasarap na din siya.  Parang ganoon ang nangyari sa akin sa likhang ito.

Hindi na ako masyadong magkukuwento tungkol sa kuwento mismo at baka maikuwento ko nang lahat.  Ninakawan pa kita ng kaligayahang makita for yourself how good this book would make you feel kahit mahapdi siya sa puso.  

Ang "PS I'm Still Not Over You" ay tumpak na titulo para dito.  Ang kuwento ay tungkol sa paghihiwalay at kung gaano kahirap mag-move-on.  Sure, hindi na bago ang ganitong mga kuwento.  Diyos ko!  Malamang, sa isang laksang kuwento na mayroon dito sa Wattpad na nasa genre ng romance, kalahati noon ay about breaking up and moving on.  Pero ewan ko ba.  Iba ang dating ng kuwentong ito sa akin.

Wala sa ganda nang pagkakasulat ang strength nito.  Author, please don't get angry with me pero really, this needs some polishing.  Wala din sa character development.  May mga times na masarap batukan at sarap sakalin ng bidang babae dito.  Sa dinami-dami ng personality type na puwedeng ibigay sa bidang babae matigas ang ulong tanga ang napili ni author.   Read first before you disagree with me on this.  Wala din sa uniqueness ng theme.  I don't have to eleborate on this.  Tingnan ang nauna kong parapo.  

So, saan ka na lang tatagain ng kuwentong ito?  Sa sinseridad lang naman ng mga dialogues at reaksyon ng bidang babae.  Ang dami ko nang nabasang mga kuwentong ganito ang tema.  Pero ito ang naaalala kong nagpalimot sa akin na nagbabasa ako ng fiction.  Para siyang diary eh.  Hindi nagmamalinis at nagtatapang-tapangan ang character dito.  Kung depressed siya, talagang pinaninindigan.  Kung masaya siya, the world knows it.  Ano ngayon kung mukha siyang timang at dinadala niya sa putikan ang pangalan ng buong hukbong kababaihan sa kagagahan niya sa ex niya?  Eh sa ganoon siya magmahal, ano magagawa natin?  Every line and punctuation that conveys her feelings feels so real.  Hango ba 'to sa totoong buhay?  I don't know na and I don't care.  Basta ang mahalaga nadala niya ako.  Ang mahalaga naipaalala niya sa akin na ang mga tunay na babae, oo nga't umiiyak at nagpapakatanga sa pag-ibig pero hindi ibig sabihin mahina.  Nope.  Nagmamahal lang ng totoo.  Tasha's kind of strength, I  envy.

ThatKindaGirl, hindi ko alam kung may pinanghuhugutan ka ba sa kuwento mong ito, pero salamat for sharing this.  Sa mga potential readers, you've been warned.  This may not have a happy ending but not all stories need that to be damn good.  If you don't feel a twinge after mong mabasa ito, ala, magpa-check-up ka na sa cardiologist.  

(To the story) P.S.  I'm still not over you pero alam kong kahit anong gawin ko hindi na kita malilimutan.

Wattpad Must-Read Stories by Filipino AuthorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon