5. Class 3-C Has A Secret by charotera101

11K 64 17
                                    

Author's Own Blurb:

Kung titingnan mo, mga ordinaryong estudyante lang kami.  Nag-aasaran, nagtatawanan, at kung minsan ay nagkakatampuhan.

Ngunit sa kabila ng imahe namin na ito.  May nakukubling mga sikreto.  Mga sikreto na hindi maaaring malaman ng iba.  Kung hindi... isasama ka nila sa impyerno.  

Handa ka na bang mamatay?

Kasi kami... matagal na.

WELCOME TO HELL.

====================

Ito ang kauna-unahang book dito sa Wattpad na nakita ko through recommendation ng another Wattpad user (Thank you VioletTokki).  Medyo ma-effort pa before ko ito nakita.

Si VioletTokki, for unknown reason, even though gusto niya ang book na ito ay hindi niya nailagay sa reading list niya.  Maybe, dahil kagaya ko rin siyang medyo new user, hindi niya pa alam paano mag-add ng books sa library niya.  I really don't know.  I ended up using the search engine ng Wattpad and I'm telling you guys, the search thingy of Wattpad is very mind-boggling sa akin.  Ewan ko kung ako lang ang nakakaranas nito pero whenever I use the search thing, ilang tries pa bago ko makita ang hinahanap ko.  Sa case ng book na ito, hindi talaga nakatulong sa akin ang search engine.  

May Charotera nga akong nakita pero hindi ang Charotera101 na hinahanap ko.  I tried searching for the title of the book pero ang lumalabas puro fanfiction ng book.  (Yup!May fanfiction ang book na ito.  Ang dami!)  I went back to looking for the author.  Iba na naman ang nakita ko.  Hindi ang author kundi ang book where included ang interview sa kanya done by another Wattpad user.  So through that Wattpad interviewer, I checked kung fina-follow niya si Charotera101.  Thank God at fina-follow niya nga.  So I checked sa profile ni Charotera101 at sa list of works niya kung nasaan na ang "Class 3-C has A Secret."  I don't know kung may galit ba ang Wattpad sa akin or ano pero hindi ko makita ang book sa list of work niya.  Ayon, sobrang na-frustrate ako to the point na nag-message na ako mismo kay Charotera101 na please maawa siya at bigyan niya ako ng link ng work niya.  It took 3 days I think before siya nakapag-reply pero grateful pa din ako kasi na-satisfy ang craving ko.

And that was how I finally read the first mystery/thriller book na ilalagay ko sa listahan na ito.  

VioletTokki said sa message niya that this book may "blow my mind".  Seriously, 'yan ang words na ginamit niya.  I think that recommendation made me obsessed to read this book.  I want my mind to be blown off =)

Well, did it?  Hmmm.  Yes (a lot of instances)and no (some).

Let me get the 'no's out of the way first.  

>>Maraming POV sa kuwentong ito at minsan hindi smooth ang pag-shi-shift from one POV to another.  

>>I don't get why kailangan ang POV ni Chief Guevarra dito.  It would have been better if puro POV lang ng class members ang nandito sa book.  

>>May mga chapters na feeling ko minadali. Especially the ending.  Hindi ko pa nababasa ang book 2.  The author said that it's a different set of characters and stories.  If that is the case, bakit parang minadali ang ending?    Dinescribe ang pagpatay (spoiler ?) sa ibang mga characters pero bakit sa main characters parang kanina buhay tapos nag-blink ako patay na kaagad.  Still, ok naman ang ending but I wanted to know more.

Enough with the 'no's.  Ayaw ko naman talagang masyadong mag-nitpick ng book that I enjoyed sa kabuuan.  Let's go the stuffs that blew my mind.

**The author tackled some topics that are considered too taboo for Philippine literature.  (Spoiler Alert:  Bullying. Rape.  Suicide. Teen pregnancy. Psychopathic urges of teenagers.  ) Tapos ang paraan pa niya nang pagkakuwento direct to the point at walang preno.  Natutuwa lang ako na magbasa ng mga ganitong realistic situations na hindi binabalot ng mga euphemism na kailangan pang pag-isipan ng malalim.  

Some Filipino published authors do tackle these subjects pero ang treatment is parang tula.  Matalinghaga.  Tapos kung ikuwento parang ina-aallude lang.  Hindi diretsang sinasabi.  If you're a reader na may mahaba pang listahan ng mga books na kailangang basahin under such limited time (katulad ko), nakakainip basahin.

If this was physically published under sa genre na teen-fiction/thriller/mystery, malilist ito sa "Books that are Banned".  That's not necessarily a bad thing.  Being on a banned list.  Some of the best books out there are actually on the list.

**The sheer bitchiness and evilness of all-- as in ALL -- characters kahit ang mga bida is AWESOME!  Reading how their mind works makes me giddy with excitement.  I felt kasi na ang mga characters hindi one-dimensional.  Alam n'yo 'yon?  'Yong tipong white and black ang personality.  Sa romance, okay ang mga ganoong characters.  Pero so, thriller genre, bleh.  Personality-wise, thrilling silang lahat.

**3 or more murderers makes this one thrilling guessing game.  I rooted for the wrong person as the murderer but still I felt good. Pinapag-isip ka ng author and makes you pay attention to details.  Kumbaga, Charotera101 makes you feel involved and engaged sa story niya.  Isn't it the point of thrillers?  To keep your blood pumping for the next event?  The author hit the bull's eye with this.

**Unexpected revelations ng mga characters.  I will not say more para hindi na masyadong ma-spoil ang kuwento for other potential readers pero I doubt if you would guess correctly who Akira is.

**I'm amazed na naipagtagpi-tagpi ng author ang komplikadong mga buhay ng mga batang ito into one cohesive story.   Seryoso, mahirap itong gawin.  Iniisip ko pa lang gumawa ng similar kuwento, nanlulumo na ako.  Oh well, thrillers are not my forte anyway.

---------------------

As a whole, I definitely enjoyed this book.  Hindi man siya kasing pulido ng ibang nabasa ko but the story really draws you in.  Hindi mo na mapapansin ang mga quirks ng pagkakasulat.  You will be too distracted and eager to find out sino-sino ba talaga silang lahat.  May mga sikretong gusto mong inaalam kaagad.  Ora mismo.  Pero ang sikreto ng CHAS is something na ninanamnam at hinihimay.  Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ang daming fanfic nitong book na ito.

Charotera101, thank you so much for giving me a link to this.  Thank you for the thrilling ride and around 2 nights na hindi ko pagkatulog ng maayos.  Hehehe.  You made me realize that maging ako ay may violent tendencies and there's satisfaction in giving in to the urge.  Hahahaha.  

And to those of you na nagkaka-interes dito, go and give it a try.  Hindi naman puwedeng puro walang hangganang pagmamahal lang i-entertain natin 'di ba?  Dapat may ups and downs din.  Go to your extreme down and welcome to CHAS =)

Wattpad Must-Read Stories by Filipino AuthorsOnde histórias criam vida. Descubra agora