23

8 3 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala si Florence at Jariah sa nakikita. Paano banaman ay hindi na umalis pa si Chad sa tabi ko.





May ilang bumabati sakanyang naging client niya ata mga iyon. Samantala tanging tango at ngiti lang ang sinasagot niya.





Tss, walang modo!





"What are you thinking?" Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga niya sa bandang leeg ko.





Shit, why are you doing this to me!





"None of your business"







Nagangat ako ng tingin sa harapan at napairap nalang ako ng makita ko ang nakakalokong ngiti ni Florence. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan.





"Yvough Maya?" Napalingon ako sa tumawag saakin.





Tumayo ako sa kinauupuan ko at agad na nakipag beso dito.





He's a famous Filipino fashion designer at mas kilala siya sa states bukod sa doon siya naka base.  Ilang beses ko na ding naisuot ang mga designs niya sa mga events.





"I'm glad to see you here" Hinawakan niya ang kamay ko at inikot ako sa harapan "Your still gorgeous! I can't imagine that you already have a chi--" Walang pagaalinlangan kong tinakpan ang bibig niya at inakay palayo sa table kung nasaan sila Chad.





"How are you? Hindi manlang ako nakapag paalam sayo" Pag iiba ko sa usapan namin. Napalingon akong muli sa table namin at nakita ko ang mapapanuring tingin ni Chad.





"Well, I'm so much fine! And sino iyong boylet na kasama mo? Introduce me naman" Napairap ako dahil sa huling sinabi.





Akin yan!





Saglit lang kaming nagkwentuhan bago namin naisipang bumalik sa mga pwesto namin. Pero hindi pa ako tuluyang nakakahakbang ng may hindi inaasahan akong nabangga. 





"I'm sorry, oh my God!" At nung nilingon ko kung sino iyon ay agad na sinakop ng takot ang buo kong sistema "Creed" 





"Yvough" Nakangisi niyang pagkakasabi. "It's been a while" Pinagmasdan niya ang kabuuan ko ng puno ng pagnanasa sa mga mata "You grow-" 





HIndi pa natatapos ang sasabihin niya ng may biglang humila saakin. Nagpupumiglas ako hanggang sa madala niya ako sa powder room. 





"Are you alright? May masakit ba sayo?" Sunod sunod niyang tanong at nung mag tama ang mga mata namin ni Chad ay agad ko itong mahigpit na niyakap. 





Panay ang hagulgol ko dahil sa takot na nararamdaman. Naramdaman ko naman ang paghimas ng kamay niya sa likuran ko habang ang isa ay mahigpit na nakayakap sa bewang ko. 





"Shh, don't be scared" Alo niya saakin. Ilang beses niya pang hinalikan ang gilid ng ulo ko "I will protect you" 





Saglit kaming nanatili doon at pabalik na sana kami sa table namin para magpaalam kila Jariah ng biglang may nagpaputok ng baril na naging dahilan para mapayuko ako. Mahigpit naman akong yakap ni Chad habang inaalalayan patungo sa kung saan. 





Mula sa fire exit ay naririnig ko ang sunod sunod na barilan sa loob. And when were finally at the basement mahigpit naming hawak ang kamay ng bawat isa habang tinatakbo ang kahabaan ng parking area.





Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Where stories live. Discover now