05

16 2 0
                                    

"Yvough kapatid ko yan! Siya nalang ang meron ako pero ano pang ginawa mo? Kinuha mo! Dahil sayo kaya nag iisa nalang ako ngayon!"





From that day mas lalo akong nawala sa sarili ko kakaisip. I've never knew na meron siyang kapatid dahil ever since we met hindi naman siya nagkwento saakin ng kung ano ano tungkol sa family niya.





Well minsan pero alam kong hindi lahat.





"Nasaan ka nanaman?!" Napairap nalang ako nung iyon ang bumungad saakin pag-sagot ko ng tawag ni mommy.





"Nasa lumang bahay ako" Bored kong sagot habang inaayos ko yung mga gamit ko para bumaba ng sasakyan ko.





"Yvough naman! Wala ka bang isip?" Nilayo ko yung phone sa tenga ko nung sigawan niya ako.





Nakakatuleg





"Tss" Hindi ko talaga maiwasang hindi maiwasang hindi mainis sa tuwing kausap ko itong si mommy.  Nakakabanas lang.





Walang ano anong pinatay ko yung tawag at bumaba nlang ng sasakayan habang dala ko yung bag ko at ilang gamit ko dahil plano kong mag stay muna dito hanggat hindi pa nagsisimula ang klase ko.





Ilang taon na din naman kasi nung huli akong nakabisita dito at miss ko na yung mga friendship kong lasenggo sa kanto.





"Yvough?" Napalingon ako sa tumawag saakin at napangiti nalang ako ng makita ko yung chismosa na anak ng aming kapitbahay. "Kamusta ka na? Tagal nating hindi nakapag chismisan ah?"





"Oo nga po eh. Kamusta po ba yung anak ni Mang Kanor? Buntis nanaman ba?"





"Nako! Ang isang iyon hindi na nadala at ayon tatlo na anak" Seryoso niyang pagkakasabi saakin at napailing nalang ako.





"Grabe, ang wild"





"Sinabi mo pa. Kaya ikaw, ayusin mo buhay mo! Wag ka muna magpapabuntis tutal afford mo naman ang condom"





"Wag kang mag alala efas to" Proud ko pang sagot saknaya at tinawanan niya lang ako "Sige, mamaya nalang ulit mag aayos pa ako"





"Dito ka ba muna?" Tumango lang ako sakanya bilang sagot habang binubuksan ko yung gate "Aba himala! Me pinagtatagun kang boylet no? Hindi na ba kayo nagkabalikan nung jowa mo date?"





"Miss mo ko no? Ang daming tanong"





"Proud chismosa here" Inilingan ko nalang siya ay siya naman ay tinawanan lang ako.





Hindi na rin naman nagtagal ang isang yun dahil tinawag na siya ng ina niya. Kinawayan pa nga ako nito at sinabing dadalhan ako ng ulam.





Kaya gustong gusto ko na uuwi dito eh. Bukod sa mababait ang tao ay nagkakaisa din kahit na puro chismisan lang ang mga alam.





Well kung ako ang tatanungin masgusto ko pang mag stay dito ang kaso lang ay malayo at masyadong hassle para saakin dahil sa layo ng school ko.  





Nung tanghali ay nagtungo ang ilan naming kapitbahay para batiin ako ng welcome back. Pwede na rin dahil may mga dala din naman silang pag-kain na pwede kong initin nalang para sa susunod na araw.  Ewan ko ba sakanila at masyado akong namiss.





Yvough lang to!





Hapon na at pabalik na sana ako sa bahay galing sa mall para bumili ng mga grocery nung may napansin akong nakaparada sa harapan ng gate.





Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Where stories live. Discover now