26

10 2 0
                                    

Magkahawak ang kamay namin ni Muriel na bumaba patungo sa sala kung nasaan sila Dad. Kumpleto sila doon kasama ang mga pinsan kong si Zale at Luke. Kasama din nila si Tito at Tita Blench.





"Lolo" Lumapit ako kay lolo para makipag beso.





As I know kagabi pa sila nakauwe at sa mansion ni lolo sila nag stay.





"Hija" Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko naman maiwasang hindi masaktan para kay lolo dahil sa nangyare kay lola. "Thank you"





"Lo naman" Hinarap ko siya saakin at nginitian "We will be strong for lola, okay?" Kahit bakas ang sakit sa mga mata at tumango ito saakin "We will be happy again for lola" 





Sabay sabay kaming nag tungo sa chapel. Nasa isang van sila lolo kasama sila Tito at Tita habang kami ni Muriel ay kasabay ni Dad. Si Luke at Zale naman ay magkasama.





"Are you sure about that?". Nilingon niya si Muriel na punong puno ng pag aalala. "Paano kung makita siya ni --"





"He's busy, he won't come" Siguradong sigurado kong pag kakasabi.





I'm not one of his priorities kaya hindi na ako magugulat kung wala siya. Even once nga hindi siya nag punta sa burol ni lola eh.





Hindi na sumagot pa si daddy at tumango nalang. Nagiwas ako ng tingin at tinuon nalang iyon sa labas ng sasakyan.







Pagdating namim da chapel ay sobrang daming tao. Yung iba ay totoong nakikiramay but most of the people mga pakitang tao lang naman sa media.





Bumaba kami ng sasakyan at mula sa kinaroroonan namin ay dinagsa kami ng mga reporters. Pinangko ni daddy si Muriel para maprotektahan ito.





"Lolo why so many people?" Nagtatakang tanong ni Muriel kay Dad habang ginagala nito ang paningin sa mga reporters.





"Ms. Yvough siya na ba ang anak mo?" Napatingin ako sa isanh reporter dahil sa tanong nito "Totoo bang si Chad ang tunay niyang ama?"





"That's a private question, I'm sorry"





Gamit ang isang kamay ni daddy ay inakay niya ako papasok sa loob ng Chapel. Nang makapasok naman na kami ay para akong nabunutan ng tinik. Hindi ko alam kung anong kinalaman ni Muriel para idamay siya dito.





"Gosh mga walang respetong reports" Lumapit si Tita kay Muriel at niyakap ito ng mahigpit "Don't mind them baby, okay?" Walang kamalay malay naman na tumango si Muriel sa matanda.





"Kanina pa kayo?" Tanong ko sa mga kaibigan ko ng lapitan nila ako.





"Halos kadadating lang din" Si Nally ang sumagot. Tumango nalang ako biglang sagot bago ko sila akayin paupo sa mga bloc chair. 





Nilingon ko sila daddy and he's with Muriel. Hindi na nga niya ata ito binaba simula pa kanina pag dating namin. 





"What's on your mind at dinala mo si Muriel dito? Alam mo namang may media" I sighed heavily. 





 HIndi ko na sinagot pa si Florence at hindi naman na ito nangulit pa. Para ngang nagsisisi na ako kung bakit dinala ko pa siya dito. 





Nagsimula ang ceremony at sa bawat minuto na lumipas ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa likuran. Hindi sa umaasa akong dumating si Chad but may pinagsamahan din naman silang dalawa ni lola before. 





Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon