Final wave

18 2 0
                                    

"Daddy please don't leave!" Halos magmakaawa na si Muriel habang mahigpit na yakap si Chad huwag lang umalis ito. 





"I'll be back and I promise you that" Using his hands pinunasan niya ang pawis ni Muriel sa noo dahil sa kakaiyak nito. 





Even I ayoko ding umalis si Chad at malayo siya sa paningin ko dahil iba ang kaba nararamdaman ko sa mga pagkakataong iyon. Hindi basta basta ang Creed na iyon at hindi iyon titigil hanggat walang napapahamak.





Pero si Chad na mismo ang nagsabi na hindi ko siya mapipigilan. At wala naman akong magagawa para doon. 





He's stick with words  





"Baby, Daddy will be back" Naupo ako sa tabi ni Chad para magpantay ang tingin namin ni Muriel "And we will never go away again" 





"But mommy--" 





"I promise and I won't break that" He gave an assurance smile to her at mukha namang kahit papaano ay nakumbinsi niya ito. 





"You promise, okay?" Ngumiti si Chad at tumango. HInalikan niya ang noo nito at si Muriel naman ay mahigpit na niyakap ito sakanyang leeg. 





"I love you...so much" Ilang beses niya pa itong hinalikan sa pisngi bago ako harapin "I will be back" Hindi ako nagsalita at nagiwas nalang ng tingin. 





Hindi niya ako makukumbinsi hangga't hindi natatapos ang lahat ng ito. 





"Yaya paki akyat muna si Muriel sa taas" NIlingon ko si mommy na papalapit na sa gawi namin. Seryoso lang itong nakatingin kay Chad at ako naman ay napabuntong hininga nalang. 





Gusto ko silang sisihin kung bakit kaylangan pang umalis ni Chad ngayon. Kung sana hindi nalang nila ito kinuha bilang abogado ko. 





"Hijo, mag ingat ka" Tinapik ni Daddy ang balikat nito at bahagyang nginitian "At pagbalik mo, katulad ng sinabi ko" At nung tumango si Chad ay nagkaintindihan ang mga ito.





Pinaglipat ko sakanilang dalawa ang paningin ko dahil sa pagtataka sa sinabi ni Daddy. Anong usapan nila? 





"Chad, hijo I know this is dangerous, and please take care" Niyakap siya ni mommy at niyakap niya naman ito ng pabalik.





"For my family" Kahit na mahina ay narinig kong sabi ni Chad. 





Hindi rin nagtagal nung iwan nila kaming dalawa. Nanatili lang akong nakatingin sa harap habang si Chad ay mariing nakatitig saakin. At nung hindi ko talaga siya nilingon ay siya na mismo ang lumapit saakin para yakapin ako





"Come on, don't make this hard for me" Hinalikan niya ang gilid ng noo ko "Babalik naman ako" 





"Dapat lang" Ngumuso ako at humarap sakanya. Nakita ko pa ang pagngisi nito habang kagat ang kanyang ibabang labi "Umalis ka na" 





Natigilan ako ng bigla niya akong hinalikan. Itutulak ko sana siya palayo saakin ng mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong pulsuhan. 





"I love you," He said in between our kiss 





Tinitigan ko ang mapupungay niyang mga mata bago ko siya muling halikan. Hindi ko iyon pinatagal at lumayo din agad. 





I need to stop myself dahil baka magkaroon ng kapatid ng wala sa oras si Muriel ngayon. Gosh, I'm not ready!





"Babalik ako sayo" He gave me an assurance smile before he kisses me again. 





Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Where stories live. Discover now