07

10 2 0
                                    

"Pahirap ka talaga sa buhay eh no?" Sabi ko habang nakatingin sa likuran niya. 



Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sakanya at lumusong din katulad ng ginawa niya. Hindi ko na maiwasang hindi makaramdam ng sobrang takot para sa sarili ko dahil hindi naman ako sanay lumangoy pero binaliwala ko nalang iyon. 



This would be easy.



Nilingon niya lang ako saglit at nag-iwas din naman agad ng tingin. Pinilit ko ang sarili kong huwag lumubog sa kada pag-hampas ng alon pero kahit ganon ay tinatangay padin ako.



Shet naman 



"Chad!" Lumapit ako sakanya at mahigpit na kumapit nung muntikan na akong malunod at mabuti nalang talaga at nakaangat ako agad. 



Hindi niya ako pinansin at hinayaan lang ako. Hindi na rin naman ako nag salita pa at hinigpitan nalang ang kapit ko sakanya. 



"Ang lalim na" Pikit mata kong sabi sakanya nung hindi ko na maramdaman ang ilalim. Pakiramdam ko anytime ay makakawala ako at malulunod na ng tuluyan. 



"Don't worry" Nilingon niya ako at nailang nalang ako bigla ng magkadikit ang ilong naming dalawa. "Hindi kita pababayaan" Seryoso niya pang pag-kakakasabi bago ako magiwas ng tingin. 



Nagpatianod kami sa dagat hanggang sa unti unti naming narating ang pampang. Napangiwi naman ako nung maradaman ko ang pananakit ng ilong at lalamunan ko dahil sa dami kong nainom at nasinghot na tubig alat. 



"Mag suswimming lesson na talaga ako" Nasabi ko nalang pag-kahiga ko sa buhangin. Ramdam na ramdam ko na ang sobrang pagod na nararamdaman sabayan pa ng matinding gutom. 



Magkakasakit pa ata ako



"Tumayo ka jan" Nilingon ko si Chad na nakatayo sa gilid ko at inirapan ko siya agad. 



Hindi ko na siya sinagot pa at tumayo nalang. Nagpagpag din ako dahil punong puno ako ng buhangin dahil sa pag-kakahiga ko. 



"Hintay!" Sigaw ko nung iwan niya ako at naglakad sa kung saan. "Ang panget ng ugale" Bulong ko pa sa sarili ko habang palapit sakanya. 



Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mula sa malayo ay nakakakita na ako ng mga kabahayan at nabuhayan naman agad ako ng loob. 



May pag-asa pang magbago! Thank you Lord!



Nakasunod lang ako sakanya hanggang sa makarating kami sa parang small village na nandon. Merong ilang napapatingin sa gawi namin dahil siguro hindi nila kami kilalaa at bigla nalang sumusulpot sa kung saan.



"Chad?" Natigilan ako nung may tumawag sakanya at lumapit naman agad sakanya si Chad kaya napasunod ako. I think magkasing idad lang sila ni Chad base sa itchura nito "Anong nangyare sayo? Bakit basang basa ka? At sino itong kasama mo?" Sunod na sunod nitong tanong. Nailang naman ako ng tignan niya ang kabuuan ko. 



Shet ang panget ko!



"Pwedeng makahiram ng cellphone?" Rinig kong balik niyang tanong sa kausap. 



"Osige, pero mag-bihis muna kayo nitong kasama mo at baka magkasakit pa iyan" Nilingon ako ni Chad kaya nginitian ko siya ng pilit. 



Mukha ba akong unhealthy person? 



"Girlfriend ka ba ni Chad?" Nailang ako bigla nung tanungin niya ako nang maiwan kakming dalawa. 



"Ah, no" 



Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Where stories live. Discover now