02

10 2 0
                                    

Hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyare dahil ang alam ko nalang ay ligtas na ako bago ako tuluyang mawalan ng malay.


Dahan dahan akong nagising ng dahil sa sobrang sakit ng ulo. Pakiramdam ko ay binibiyak iyon at talaga dinaig pa ang hang over sa sobrang tindi.


Natigilan naman ako ng narealize kong hindi ko alam kung nasaan ako dahil hindi naman yung ceiling ng kwarto ko ang bumungad saakin pagmulat ko.


"You are finally awake" Napalingon ako at nakita ko naman si mommy na masamang nakatingin saakin.


"Bakit ako nandito? Nasaan ako?" Tanong ko sakanya at tatayo na sana ako nung bigla akong nakaramdam ng kirot sa bandang kamay ko "Bakit ako naka swero?"


"Bakit ba ang dami mong tanong?" She looks so irritated but I don't mind. 



Ano ba kasi ang ginagawa ng isang ito dito? As if she really cared for me. 

"Masama na palang mag tanong" Inirapan ko siya kasabay ng pag-iwas ko ng tingin habang inaalala ang nangyare sakin kagabi pero kahit anong pilit ang gawin ko ay wala talaga.


Anong kabobohan nanaman kaya ang ginawa ko kagabi?


"Kumain ka na" Naramdaman ko pang lumundo ang gilid ng kama kung nasaan ako "Anong naalala mo?" Nung nilingon ko naman siya ay mukha siyang nangangamba na para bang ayaw niyang may maalala ako. 


"Wala" Dahil ni isa ay wala naman talaga akong maalala.



"Gosh" Nasabi niya nalang na para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sa sagot ko na iyon. "Kumain ka na, later on Blench will come over" 

"Oh anong kinalaman ni Tita dito?"


"Isasama ka niya sa States at dun ka na titira"


"Ha?! Ayoko nga! Kung kelan naman matatapos na ako chaka pa ako lilipat? Mommy naman" Reklamo ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay "Eh basta ayoko"


"Bakit ba ang tigas ng ulo mo Yvough?! This is for your own sake!"


"Sake mo kamo!" Hindi ako nag dalawang isip at agad na tinanggal ang swero na nakatusok sa likod ng palad ko at napangiwi nalang ako dahil sa sakit na bigay niyon.


"Yvough!"


Hindi ko na siya pinansin at daredaretso nalang na naglakad palabas ng kwartong iyon. Agad naman akong naguluhan nung makita ako ang dami ng pasikot sikot.


"Umay naman!"


"Yvough" Napairap nalang ako ng nabosesan ko ang tumawag saakin at nung lingunin ko siya ay blanko lang siyang nakatingin saakin.


"What now Zale?" Bored kong tanong sakanya. Nakahalukipkip ko siyang hinintay na makalapit saakin. 



At bakit nandito din ang isang iyan? 


"Saan ka pupunta?" Balik niyang tanong saakin.


"Uuwi malamang chaka bakit ka nandito? Diba busy ka?" Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng tampo para sa isang 'to dahil halos ilang taon na din kaming hindi nag kikita sa hindi ko malamang dahilan.


"Tss" Lumapit siya saakin at agad naman niya akong inakbayan just like he used to do when we we're still kids "Tigas parin ng ulo" Ginulo niya ang buhok ko at napangiwi nalang ako.


"Ako lang to ano ba?!"


He's my cousin pero we are not totally like that dahil anak lang naman si mommy ng lolo ko sa sa labas sa lola ko na hanggang ngayon ay hindi ko padin nakikita. Kahit si mommy ay hindi alam kung nasaan siya at ang huli naming pagkikita sa pag-kakatanda ko ay nung 7 years old palang ako.  At wala din namang ibang nakakaalam nun bukod saamin lang kaya I can't considered myself na kamag anak sila dahil isa din naman iyon sa turo ni mommy saakin simula pa nung bata pa ako.


Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Where stories live. Discover now