17

9 2 0
                                    

Nakahinga ako ng maluwag ng maabutan ko sila Florence sa parking lot.  Agad kong hinila ang braso niya ng makalapit ako sakanya.


"Fuc-- Anong nangyare sayo?!"


Hinabol ko ang hininga ko dahil talagang para kong hihimatayin sa sobrang hingal na nararamdaman.


The heck!


"Hinga ka muna"


"Mommy" Napalingon ako kay Muriel ng tawagin niya ako. Umayos ako ng tayo at hinimas ang pisngi niya habang nanatili parin siya sa loob ng sasakayan.


Naalala ko naman si Chad kaya agad na nanlaki ang mata ko at muli ko nanaman naramdaman ang pag-kataranta.


"Tara na! Bilis" Umikot ako patungo sa passenger seat at agad na pumasok sa loob.


Si Muriel naman ay nagtataka lang na nakadungaw sa kung nasaan ako.


"Mommy are you okay?"She asked and I just sweetly smile at her.


"Gago--"


"Bunganga mo!" Saway ko kay Florence at siya naman ay napapikit nalang ng mariin habang nakahawak sa bibig niya.


"Bakit kasama mo yun?" Pangiintriga niya. 


Hindi ako sumagot kahit na alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya. Ayaw ko la ng na pag-usapan namin iyon sa harapan ni Muriel. 


Laking pasasalamat ko naman ng hindi na siya mag-salita pa. Siguro ay naintindihan na niya at mamaya nalang. 


Nang makarating kami sa bahay ay nakatulog na si Muriel kaya hinatid ko namuna siya sa kwarto. Si Florence naman ay naiwan lang sa sala. 


"Ano na nga?" 


Bungad niya saakin pag-labas ko ng kwarto. Huminga muna ako ng malalim bago ako nag lakad patungo sa tabi niya. 


"Hindi niya dapat malaman ang tungkol kay Muriel" Seryoso kong pag-kakasabi habang nakatingin sa picture naming dalawa. 


That was in New York. Kasama ko siya when I attended my first catwalk. And that was the time na sobrang saya ko to the point na walang makakahigit nuon dahil sa 2 years kong pag momodel ko dati ay nasama din ako.


She's my number 1 fun.


"Bakit mo nga kasama?" Tanong niya ulit. 


"Kapatid niya yung fiance ni Zale" Nilingon ko siya at halatang halata sa mukha niya ang pag-kabigla. Kahit ako man ay nabigla din naman nung una dahil sa dinami dami ay talagang related pa sakanya. 


What a small world 


Kinuwento ko saknya lahat ng nangyare simula nung makarating ako sa Yvotique hanggang sa nakita niya kami sa mall. 


"Gosh!" She reacted and I just heaved sigh. 


Ilang minuto rin kaming tahimik at tanging buntong hininga lang namin ang naririnig. Nung lingunin ko siya ay nahuli ko siyang nakatingin saakin. 


"Bakit?" 


"Anong plano mo?" 


"I... I mean we'll stay here" Seryoso ko pang pag-kakasabi at alangan niya naman akong tinignan na paran bang may gusto siyang sabihin saakin pero hindi niya alam kung saan mag sisimula "Okay ka lang?" 


Vengeance of The Sea (Essence Series #2)(UNEDITED)Where stories live. Discover now