Chapter 22

534K 9.6K 413
                                    

"So, kumusta ang Disney Land?" Preyh asks

"Disney Land parin, nand'on parin naman ang malaking mukha ni Mickey mouse." Inikutan siya ng mata ni Preyh.

"You look happy." Reghie says. Nasa opisina sila ni Cassandra, nakaupo siya sa swivel chair niya.

"Epekto ng Disney Land siguro." Nakapunta na rin siya ng Disney Land, pero bata pa siya n'on, buhay pa ang kuya  niya n'on.

"O baka  naman..." Preyh pauses for a while and smile mischievously.

"Iñigo's effect" Sabay ng dalawa niyang kaibigan. Napangiti ng husto si Cassandra at lumitaw ang pamumula ng pisngi nito.

"Sandali sandali, anong ngiti yan? May hindi ka sinasabi. Ano yun?" Nakagat ni Cassandra ang labi niya at nagpipigil mapangiti ng husto.

"Ano Andra?!" Halos sabay ng dalawa.

"Kami na." Napapikit pa si Cassandra na halos paanas.

Halos matulala naman ang dalawa, nag aantay si Cassandra na tumili ang dalawa, pero wala siyang narinig kaya dumilat siya. Tulala ang dalawa na nakatingin sakanya.

"Wow! Anong reaksyon yan?" Kinuha niya ang nakarulyong blue print sa ibabaw ng table at pinukpok ang dalawa.

"Hindi ba 'to, panaginip? Baka naman nasa night mare tayo ni Andra." Nakatulalang sabi ni Reghie.

"Night mare talaga. Hindi ba pwedeng dream." Pinukpok uli niya ang dalawa ng mas malakas.

"Para malaman niyong nasa realidad kayo."

"Aaaahhhh!" Napangiwi si Cassandra sa biglang pagsigaw ng dalawa.

"Anong nangyari!?" Pumasok si Vera na parang gulat na gulat.

"Ahaha! Wala Vera, nag papaka OA lang 'tong dalawa." Natatawang sabi ni Cassandra.

"Kala ko kung na paano na eh." Lumabas uli si Vera na kakamot-kamot sa ulo.

"Oh my god! Totoo ba talaga? No kidding?" -Preyh

"Kelan ba ako nag biro ng tungkol sa ganitong bagay?"

"Never!" Halos paanas na sabi ng dalawa.

"Anong nangyari? Nangliligaw ba siya sayo na hindi naman alam?" - Reghie

"Actually..No,  mangliligaw palang siya dapat kaso, something happened, so sinagot ko nalang agad."

"That's good.. buti naman at sinagot mo na, diyos ko isang himala ito. Buti naman at hindi mo pinaabot ng isang taon." Natatawa nalang si Cassandra sa dalawa.

"But wait, you said something happened, what was that?" Parang umurong ang dila niya sa tanong na yun, bakit ba nasabi pa niya yun.

"Did I say something happened?  wala naman eh." Pagkakaila niya.

"Oh c'mon Andra don't fool us. What was that?" Lumakas na ang boses ni Reghie.

Tss. Grabe talaga 'tong mga 'to.

"Wala nga!"

"Wait. Don't tell us, aaahh! Oh my god!" Napangiwi uli si Cassandra sa hiyaw nito.

"Narating mo  na ba ang ikapitong langit?" Excited na tanong ni Reghie.

"Anong ikapitong langit?" Naguguluhang tanong ni Cassandra.

"God! S*x... Have you done it already?" Napaawang ang  bigbig ni Cassandra,  pero bigla siyang napuyoko.

"No!" Nakayukong sabi niya.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now