CHAPTER 35

595K 10.4K 711
                                    

This is not that good, pero pwede na sigurong pag-tyagaan ng mga nababagot out there.

Palike naman ng page na ito.

Wattpad stories by Whroxie sa mag-lilike nito may kiss kay Iñigo. Wala na talagang edit 'to, pa comment na lang po sa mga mali ng matama . Enjoy reading. #14 in romance today.

________________________________

Bumukas ang elevator, hinawakan uli ni Iñigo ang kamay niya at hinila uli siya palabas ng elevator. Nag-tungo sila sa isang unit at agad na In-enter ni Iñigo ang password ng pad niya at agad itong binuksan.

Pumasok sila at muling sinara ni Iñigo ang pinto na hindi pa rin siya binibitawan nito, binuksan lang nito ang ilaw at muli siyang hinila nito tungo sa isang kwarto at doon lang siya nito binitawan pag kabukas ng ilaw.

"So, anong pag-uusapan natin?" Agad na tanong ni Cassandra.

Binuksan muna ni Iñigo ang aircon at hinubad nito ang coat at tinapon sa ibabaw ng gilid ng kama, inalis din niya ang necktie niya at tinapon din sa kama sa ibabaw ng coat niya. Inalis niya ang pag kakabutones ng white polo niya, hanggang apat na butones sapat para lumantad ang dibdib nito, pati ang butones sa bottom sleeves.

"Ikaw sobra ka na ah, nasasanay ka na lang na nangangaladkad lagi."Sita ni Cassandra dito.

"Bakit? Kung sasabihin ko sa 'yong sumama ka sa 'kin sasama ka ba?" Hindi na ka imik si Cassandra, dahil hindi nga talaga siya sasama.

Umupo si Iñigo sa gilid ng kama at inalis ang sapatos niya, sinunod nito ang medyas at sinuksok sa sapatos. Pinulot niya ang sapatos at medyo patapon na nilagay sa gilid. Marahas muna itong huminga tsaka hinarap si Cassandra na nakatayo sa may pinto. Ginulo pa nito ang sariling buhok gamit ang isang kamay.

"We need to talk Andra."

"Then let's talk ng makauwi na ako."

"NO!Walang uuwi, you'll stay here with me." Sabi ni Iñigo na medyo tumaas ang boses.

"Wag mo akong sisigawan at mas lalong wag mo akong uutusan." Tinaasan rin ni Cassandra ang boses niya. Agad niyang binuksan ang bag niya para kunin ang cellphone niya ng tumunog ito. Agad niyang sinagot ang tawag.

"Hello Miguel nandi-" Agad na inagaw ni Iñigo ang cellphone sa kanya.

"Damn you Miguel! Tigilan mo si Cassandra. Layuan mo siya! Dahil hinding-hindi ko siya ibibigay sa 'yo." Sabay patay nito sa cellphone, kinuha niya ang clutch bag kay Cassandra at binalik ang cellphone sabay tapon ng clutch bag sa kama at muling hinarap si Cassandra.

Kinalma muna ni Iñigo ang sarili dahil talagang nakakaramdam siya ng galit at matinding selos sa mga nakita niya sa party.

"Kayo na ba ni Miguel?" Tanong ni Iñigo na talagang tiim na tiim ang bagang.

"Yon ba ang pag-uusapan natin? Ang tungkol sa amin ni Miguel?"Kalmadong tanong ni Cassandra.

"Sagutin mo na lang ang tanong ko."

"Hindi"

"Then bakit mo siya kasama? Bakit ka nag papahalik?"Tumaas na naman ang boses nito.

"Hindi ako nag papahalik?" Tumaas din ang boses ni Cassandra.

"Hindi ako bulag Andra."Halos walang nag-papatinag sa dalawa, parehas mataas nag boses ng bawat isa.

"Okay fine! Di nag papahalik ako. Anong masama? Wala naman akong asawa at mas lalong wala akong BOYFRIEND!" Agad siyang nilapitan ni Iñigo at hinawakan siya magkabilang balikat at pinasandal sa likod ng pinto.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now