The Finale

676K 11.9K 1.4K
                                    

A simple ending... don't expect too much! hehe.... sana magustuhan niyo.. muawh! Pakitignan po kung may butas na hindi na pasakan para ma-edit.. hehe!

__________________

Pagkatapos ng lahat ng pag-subok na pinag-daanan nila ni Iñigo, mas naging matatag na sila. Mas tumatatag ang kanilang samahan, ang pag-mamahal sa isa't isa at mas nagkaroon ng tiwala sa isa't isa.

Minsan iniisip niya na mukhang nakabuti pa ang mga nangyari. Dahil sa mga nangyari nalaman niya kung gaano siya kamahal ng magulang niya. Nang malaman ng kanyang ama ang pinagdaanan niya.

Sinabi nito na hindi niya dapat iyon ginawa dahil mas mahalaga siya at ang pamilya sa ano pa mang bagay. Naiyak siya ng husto sa sinabi ng kanyang ama, lalo ng sabihin nito na mahal na mahal siya nito.

Sobra ang iyak niya ng marinig iyon mula sa kanyang ama. Mula ng mamatay ang kanyang kapatid, hindi na niya narinig ang mga salitang iyon sa daddy niya. Lubos-lubos ang kaligayahang naramdaman niya dahil doon.

About Martina, humingi ito ng tawad at maging si Mr. Martinez dahil naipit lang din sila sa sitwasyon. At first, hindi nag-atubili si Martinang gawin ang pinapagawa ni Miguel. Ano nga naman ang pakialam nito sa kanya? galit nga ito sa kanya at isa pa mas importante ang kompanya ng pamilya nito kaysa sa ano pa man.

Pero nang lumuhod daw siya sa harap nito at umiyak, nasagi daw ang nagkukubling kabutihan nito sa puso. Totoong naawa ito sa kanya at sinubukang kausapin si Miguel para itigil na ang lahat. Napangiti si Andra ng maalala ang pag-uusap nila nito.

"Kung noon mo siguro ako sinampal pinatulan kita," ani Martina sa huli nilang pag-uusap. May nobyo na rin ito-- ang lalaking nakita niya noong puntahan niya ito sa condominium.

Si Miguel, hindi na sila nagkita pa pagkatapos ng mga nangyari. But now, Miguel sent her a letter. Kinuha niya ang isang maliit na puting sobre sa ibabaw ng tokador. She opened it, slipping a letter out, at sinimulang basahin ang sulat.

Dearest Cassy,

I want to apologize for everything what I've done. You've been so special to me. You are amazing woman I've ever meet. You are perfect in so many ways. You are the only person that made me feel that love really exists, so I told myself that you should be mine. I manipulated people and used your situation to force you to marry me. That was the craziest thing that I've done in my life and I regret. I am terribly sorry. I had caused you so much pain and I know it's not that easy to forgive me, but I hope someday you will find it in your heart to forgive me. I wish all the best for you.

Miguel


Nilagay niya ang sulat sa kanyang dibdib at pinikit ang mata. Sumilay ang mabining ngiti sa labi niya.

I've already forgiven you, Miguel. I'm hoping that you'll find the right girl for you. - she thought to herself.

Mabuting tao si Miguel para sa kanya, at totoong minahal niya ito bilang kaibigan. Wala na rin dahilan para magkimkim pa siya ng galit, masaya na siya at okay na ang lahat-lahat. She heard the knock on the door and opened it at the same time. Niluwa nun ang isang babae.

"Ms. Lopez, it's time," the girl said. She slipped the letter back into its envelope before stood up. Tinignan muna niya ang sarili sa salamin.

Ito ang araw na pinaka-aantay niya, ang araw na maging isang Mrs. Galvez siya. Suot niya ang isang eleganteng puting traje de boda na gawa ni Bettina Yap. Pumasok ang mommy niya at nilapitan siya nito.

"Andra, baby, ikakasal ka na. I'm so happy for you," bakas ng kagalakan ang mukha ng kanyang ina at nagyakap sila nito.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now