CHAPTER 7

632K 10.4K 312
                                    


Napahinto si Iñigo sa pagbaba ng hagdan ng mapansin nito ang mga workers na wala sa ginagawa ang tuon ng mga ito. Sinundan niya ang direksiyon kung saan ang mga mata nito matamang nakatitig. Napa-second-look siya-- it was Cassandra.

Nasa folding ladder ito, nakaapak ang isang paa sa mas mataas na baitang ng hagdan. Naka-white short short and green top, kitang-kita ang makinis at maliit na baywang nito dahil sa pagtaas ng kamay nito. May kinakabit itong wall decor.

Kung hindi mo alam na may anak ito, mapapagkamalan itong dalaga pa at pwedeng-pwede pa itong sumali sa beauty queen o kaya ay maging super model.

Bumababa si Iñigo ng hagdan, nagsiiwasan ng tingin ang lahat at ibinalik sa trabaho ang atensiyon ng makita siya. Lumapit siya sa likuran ni Cassandra, binababa ni Cassandra ang isang paa para bumaba pero ang tingin ay nasa sa wall decor na nilagay niya.

"Cassandra,"

"Oh. Oh. Oh! Aaayy!" dahil sa gulat sa biglang pagtawag ni Iñigo, ay nadulas ang isang paa nito at tuloy-tulo itong nahulog, pero agad itong nasalo ng binata. The corner of his lips curled up, an attractive smirk had formed.

"You're a little bit clumsy, huh?"

"G-ginulat mo kasi ako. Baba mo na ako," alangan nitong sagot dahil sa pagkailang.

Imbis na ibaba niya ito, dinala niya ang dalaga sa medyo malayo sa mga gumagawa at doon niya binaba.

"I'm sorry," he apologized

"Nandito ka pa pala," tumango lang si Iñigo. Nag-excuse siya ng biglang nag-ring ang cellphone niya.

"Excuse me," she just nodded at tumalikod na siya, pero humarap uli siya kay Cassandra.

"I think, you have to wear pants when you're climbing up the ladder," bumuka ang bibig ni Cassandra na parang magtatanong pero tinalikuran na niya ito at sinagot ang tawag.

"Dude! Where the hell are you? It's already 9 o'clock. God dammit!" napangiwi si Iñigo sa parang nag-he-hysterical na si Matthew sa kabilang linya.

"It's too early for vocalization, dude," sagot niya at humalakhak pa.

"Nagawa mo pa talagang tumawa ah! Kanina ka pa inaantay dito, umuusok na ilong ng erpat mo."

"Oh! Sorry, dude, ikaw na muna bahala, just cancel it," he had forgotten that he must to attend a meeting today.

"ANO!?" napa 'whew' siya sa sigaw ni Matthew at nailayo pa ang cellphone tainga.

"We can't cancel the meeting, dude! It is extremely important, pambihira naman oh! Asan ka ba?"

"Resthouse," he replied.

"What the hell are you doing there?"

"Nothing, I'm just monitoring here, the workers," he reasoned out.

"Monitoring the workers. Or monitoring, Cassandra," malakas pa rin ang boses nito. Natawa lang siya sa sinabi nito.

"Sige na, ikaw na bahala d'yan, kaya mo na 'yan. Makikipaglaro pa ako kay Gelo," aniya at tumawa uli ng malakas.

"God dammit, Iñigo! Siraulo ka," natatawang pinatay niya ang tawag dahil sa pagkairita ni Matthew.

Tumingin uli siya kay Cassandra na bumalik na sa ginagawa. Malapit na matapos ang living room. Napalitan na ang paint at decor na lang ang nilalagay dito.

***

"Just put it there." Utos ni Cassandra sa isang worker. Biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at tinignan. Pangalan ng yaya niya ang nagflah sa screen.

Slept with a Stranger #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon