CHAPTER 2

1M 15.7K 1.3K
                                    

4 years later:

"Kumusta kayo ni Reghie? Wala pa ba kayong balak magpakasal?" Tanong ni Iñigo kay Matthew.

"Wala pa. Hindi pa namin napapag-usapan eh," Matthew replied as he sipped his coffee. Nasa isang coffee shop sila nito at hinihintay ang katipan ni Matthew.

"Talagang nahihilig ka na sa paginom ng kape ah," puna niya sa kaibigan.

"Yeah, okay naman. Nahawa na ako kay Reghie eh." Nag-smirk lang si Iñigo sa tinuran ng kaibigan. Nakita niya si Reghie na papasok sa naturang coffee shop.

"Ayan na pala si Reghie eh," wika niya. Tumingin naman si Matthew sa entrance. Kumaway sa kanila si Reghie habang papalapit ito sa kanila.

"Hi, kanina pa kayo?" Humalik ito kay Matthew sa labi bago umupo.

"Hindi naman, nakaka-two cups of coffee palang naman ang boyfriend mo," Iñigo said, grinning.

"Try mo Iñigo ang coffee. Magugustuhan mo promise. Before ayaw ko rin ng coffee, nahawa lang ako sa kaibigan ko na adik sa kape," Reghie stated.

"Where is she? Alam mo ang tagal na natin mag-boyfriend hindi mo pa sa 'kin yan napapakilala," Matthew said.

"Well, she's just homebody, that's why. Saka busy sa buhay 'yon. But you know what Iñigo, she's the best interior designer. Siguradong magugustuhan mo ang trabaho niya. Kayang-kaya niyang pagandahin ang resthouse mo." Ito ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon. Ipapakilala ni Reghie ang kaibigan nitong interior designer para sa ipapa-remodel niyang resthouse.

"Then good, may tiwala naman ako sa 'yo. Pero pag hindi ko nagustuhan, si Matthew ang magbabayad ng service niya," nakangiting sabi ni Iñigo.

"Tss. Bakit ako? Ako ba ang nag-recommend sa 'yo?" Ngumisi lang si Iñigo.

Napatingin si Iñigo sa may entrance, napa-second look siya ng may mahagip ang mata niyang isang babae. Palinga-linga ang babae na parang may hinahanap. Tumingin ang babae sa gawi nila. Ngumiti ito at agad na naglakad sa may gawi nila. Nakatingin lang si Iñigo sa babae habang papalapit ito at sa kanila nga ito lumapit.

"Reghie!" Tawag ng babae.

"Andra!" Agad na tumayo si Reghie at nag-beso ang dalawa.

"Guys, this is Cassandra Lopez. Andra, this is Matthew, my boyfriend," pakilala ni Reghie dito.

"Hi, nice to meet you." Andra said and extended her arm to shake. Tinanggap ito ni Matthew.

"Hi. I finally met you," Matthew said while shaking their hands.

"And this is Iñigo Galvez, siya ang magpapa-remodel ng resthouse," pakilala naman ni Reghie kay Iñigo.

"Hi," tipid na bati ni Iñigo at inalok ang kamay sa dalaga.

"Hello," ganting bati nito at tinanggap ang kamay.

Umupo si Cassandra sa isang side ng square table. Kaharap nito si Matthew at magkaharap naman si Reghie at Iñigo. Nag-signal si Reghie sa waiter at lumapit naman ito. Um-order ito ng two cups of coffee and two oreo cheesecake. Saka bumaling ito sa dalawa.

"Hey, mag-usap na kayo," ngumiti si Cassandra at tumingin kay Iñigo.

"So, Mr. Galvez, kailan mo gustong simulan ang remodeling ng resthouse mo?" she asked.

"As soon as possible. Gusto ko rin sana na ikaw na lang din ang mamili ng store na bibilhan ng furniture para sa resthouse," he stated as he stared at her.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now