CHAPTER 42

509K 8.6K 515
                                    

"Congratulation dude!"Bati ni Matthew kay Iñigo.

Nasa loob sila ng conference room kasama ang lahat ng board members para sa isang pagpupulong.  Nakuha kasi ng kompanya nila ang 45% Shares sa isang electric power plant. 

Maraming kompanya ang halos nag agawan at lahat ginawa para makuha ang share sa naturang power plant. Si Iñigo ang nakipag negotiate dito at napagtagumpayan niya itong makuha. Malaking bagay ito at malaking pera nag ipapasok nito sa kompanya nila.

"Congratulation son, I think it's about time for you to take over my position." Nag-manly hug sila ng kanyang ama.

"It's up to you dad. Pero tingin ko hindi pa naman kailangan,  malakas pa kayo sa kalabaw para mag retire." Pag bibiro niya at nagtawanan ang ilan sa biro niyang 'yon. Binati  rin siya ng lahat ng board members.

"Akala namin makukuha ng Monticello holding corp. Ang share. 'Yon kasi ang naging bulong-bulungan  recently na sa Montecillo daw ibebenta ito. But you made it Iñigo, congratulation." Pahayag ng isang board member.

"Thank you Mr. Bautista." Wika ni Iñigo.

Lumabas ang lahat sa conference room pagkatapos ng meeting. Nagtungo si Matthew at Iñigo sa opisina ni Iñigo. Umupo ang dalawa sa sofa. Ilang minuto pagkatapos nilang pumasok, muli namang bumukas ang pinto at niluwa noon si Mark.

"Hey dude!" Masiglang bati nito sa dalawa. Agad namang tumayo ang dalawa at binigyan ito ng manly hug.

"Himala, napadalaw ka ngayon." Wika ni Matthew.

"May pinuntahan ako sa malapit kaya naisipan kong dumaan dito." Umupo  si Mark sa katapat nila.

"Kumasta mag iina mo?" Tanong ni Iñigo.

"Ayos naman, buntis uli si misis." Masayang wika nito.

"Woah! Talaga!? Anong ginawa mo? Paano nabuntis?" Tanong ni Iñigo na parang excited na hindi malaman.

"Tang-inang 'to kung mag tanong parang hindi alam ang proseso ng paggawa na bata. Hinubaran ko lang gago." Natawa ng malakas si Matthew. Si Iñigo naman napakamot sa ulo dahil sa katangahan na tanong niya. Pero ang ibig kasi niyang sabihin kong paano nakabuo agad. 

"Ibig kong sabihin, bakit ang bilis mong makabuo? Langhiya! Pang-apat mo na yan ah." Pinalo-palo ni Mark ang dibdib niya bilang sagot sa tanong ni Iñigo.

"Kasi hindi kami makabuo ni Andra. Gusto ko na talagang mag kaanak uli."

"Alam mo dude may alam ako. Dati kasi hindi kami makabuo talaga ni Celline. May ininom ako." Payahag ni Mark.

"Ano?"

"Halamang ugat. 'Yong katulong namin ang nagsabi no'n. Effective naman, nabuntis nga agad si Celline."

"Saan ka naman kukuha ng halaman ugat dito?" Tanong naman ni Matthew.

"Sa Quiapo marami n'on."Napakuskos si Mark bigla sa pispisan niya.

"Sandali nga! Dati naman ang bilis mo nakabuo ah. Isang putukan lang bata agad. Anong nangyari?"

"Ewan ko ba."

"Hmm! Baka naman gumagamit ng contraceptive pills si Andra ng hindi mo alam." Bahagyang nangunot ang noo ni Iñigo sa sinabi ni Mark.

"Pills?" Patanong niyang sambit.

"Oo."

"No no no, that's impossible. Wala naman siyang sinasabi sa akin eh. Isa pa walang dahilan para gawin niya 'yon, kasi alam niyang gustong gusto ko ng mag kaanak na uli." Pahayag ni Iñigo at tumango-tango naman si Mark.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now