CHAPTER 37

614K 10.3K 735
                                    


A/N; Waahh! #7 pangarap ko lang umabot ng top10 ito, pero narating pa ang #7. Thanks guys! Vote pa more, comment pa more. Grabe dumadami na followers ko.. huhuhu! madaming salamat po.

__________________________________

Binabaybay ni Cassandra at Iñigo ang daan papunta sa bahay ng mga magulang niya. Nakasuot si Cassandra ng isang black sheer spaghetti strap top at isang royal blue printed maxi skirt.

Nagpa-bili si Iñigo sa secretary niya ng damit nito bago sila umalis sa condo unit nito.

Tumingin si Iñigo kay Cassandra at napangiti dahil sa pag-kakaupo nitong pata-gilid at sa tuwing kikilos napapangiwi. Napansin bigla ni Cassandra ang pagkaka-ngiti nito.

"Anong ngini-ngiti-ngiti mo?" Kunot noong tanong nito, lalo naman lumapad ang pag-kakangiti ni Iñigo.

"Masakit ba? Hayaan mo masasanay ka rin, araw-arawin natin para masanay ang katawan mo."

"Iñigo! Ikaw pasaway--oucch!" Lalong natawa si Iñigo dahil bigla siya nitong pinalo sa braso pero bigla naman napahawak sa balakang.

Natawa na rin lang si Cassandra dahil sobrang sakit talaga ng katawan niya at mukha siyang ewan sa pag-kilos niya.

Narating nila ang bahay nila at inihinto ni Iñigo ang sasakyan sa tapat ng gate nito.

"Opps!" Pigil ni Iñigo kay Cassandra ng akma itong lalabas.

Mabilis na lumabas si Iñigo at pumunta sa passenger seat, agad nitong binuksan ang pinto at yumukod sa kanya. Tsaka siya nito hinalikan sa labi, natawa na lang si Cassandra sa ginawa nito.
Lumabas siya at tumingin kay Iñigo.

"Ganyan ka pa kaya ka-sweet sa mga susunod na araw?" Bigla itong hinapit ni Iñigo sa baywang at pinasandal sa kotse.

"Hinding-hindi ako mag-babago." Sabay halik ng isang mabilis na halik sa labi nito.

"Halika ka na. be ready, nakakatakot si daddy, siguradong maraming itatanong yon."

"Ako ng bahala." Sinara lang nito ang pinto, inakbayan nito si Cassandra at kinawit naman nito ang braso sa baywang ni Iñigo at sabay na nag-tungo sa gate.

"Walang alam sila dad sa nangyari sa 'tin noon, alam lang nila nabuntis ako at hindi mo alam." Sabi ni Cassandra pag-katapos mag-door bell. Mga ilang sandali bumukas naman ang gate.

"Andra ano bang nangyari sa 'yong bata ka? Kanina pa nag-aalala ang daddy at mommy mo sa 'yo." Bungad ng yaya niya sa kanya at biglang nabaling ang tingin kay Iñigo.

"Siya 'yong kumidnap sa 'yo?"

"Yaya hindi, siya si Iñigo, boyfriend ko po." Agad na sabi nito sa yaya dahil masama agad ang tingin nito kay Iñigo.

"Magandang araw po." Magalang na bati ni Iñigo, ngumiti na rin ang yaya nito.

"Halika ka na." Pumasok sila sa gate, inalis ni Iñigo ang kamay niya sa pag-kakaakbay kay Cassandra.

Inalis niya ang kamay ni Cassandra sa pagkakahawak sa baywang niya at hinawakan nalang ang kamay nito at pinisil niya ng husto.

Shit! Bakit ba ako kinabahan bigla? Ngayon lang 'to nangyari sakin. -He thought himself as he takes a deep breath.

Pumasok sila sa bahay at agad nilang nakita ang magulang ni Cassandra, nakaupo sa living room at kalong-kalong ng mommy ni Andra si Gelo.

"Mommy, daddy!" Agad na bumababa si Gelo at mabilis na lumapit sa kanila. Agad naman itong binuhat ni Iñigo.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now