CHAPTER 27

506K 9K 855
                                    

Nasa conference room si Cassandra kasama ang abogado na ni-recommend ni Miguel, inaantay niya ang pag dating ni Iñigo. Tinawagan niya si Iñigo ng nakaraang gabi, at sinabi naman nitong ibabalik si Gelo, pero kailangan nilang mag-usap. Sinabi ni Cassandra kay Iñigo na abogado niya ang kausapin nito, kaya sigurado siyang may kasama rin 'tong abogado ngayon.

"Ms. Lopez, in general rule, the child under seven years of age shall not be separated from his or her mother. So, wala kang dapat ikabahala kasi sayo mapupunta ang bata." Paliwanag ng abogado niya.

"I know, pero paano kung mag file siya ng custody right? Possible po bang ma-grant yun?"

"It possible, visitation right ang pwedeng ibigay sakanya." Kung siya lang ayaw niya sana kahit visitation right. Ayaw niya na rin mag karoon pa ng ugnayan kay Iñigo.

May pumasok sa kwartong isang babae.

"Good morning, I'm attorney Santos, Mr. Galvez' lawyer." Umupo ito sa kabilang side ng mahabang kahoy na lamesa, maya-maya pumasok si Iñigo karga nito si Gelo.

"Gelo!" Agad na tumayo si Cassandra at lumapit.

"Mommy" Agad na lumapit si Gelo sakanya, kinarga niya at mahigpit na niyakap ang anak.

"I miss you baby." Hinalik-halikan niya ito sa pisngi. Tumingin siya kay Iñigo ng masama, Iñigo mouthed 'I'm sorry' umupo uli si Cassandra na kalong si Gelo, at si Iñigo naman sa tapat ni Cassandra umupo katabi ng sariling abogado.

"Let's start." Simula ng abogado ni Iñigo.

"Mr. Galvez wants a custody of his son." Panimula  ng Abogado ni Iñigo usapin.

"Hindi ako papayag, kahit visitation right wala siyang karapatan." Agad na sagot ni Cassandra at matalim na sulyap ang pinukol niya kay Iñigo.

"I'm sorry Ms. Lopez, pero hindi ikaw ang mag-de-desisyon niyan kundi ang korte." Sagot uli ng abogado nito.

"Hindi naman gusto ng client kong kunin ang full custody ng bata, ang gusto lang niya makasama niya ang anak niya.... Ms. Lopez, kahit saang korte natin dalhin 'to, papanigan ng korte ang client ko, financial aspect at kahit saang aspeto ang basahihan kaya niyang makakuha ng custody sa anak mo." Tumingin siya sa abogado niya, hindi rin ito makapagsalita dahil alam niyang may karapatan ang tatay sa custody ng bata lalo't kung financial aspect ang pag babasihan walang dudang kaya nitong tustusan ang bata.

Maliban nalang kung may mga problema ito, like addiction, abandoned, mentally problem and more, pero alam naman nilang wala itong gan'on problema.

"Ms. Lopez, don't make it hard, lalo na sa bata, he needs his father. Alam mo naman siguro yun. Alam mo nanay din ako, hiwalay kami ng asawa ko, pero hindi ko pinagkait ang tatay nila sa 'kanila." Natahimik si Cassandra, alam niya rin kasi kung gaano kahalaga kay Gelo ang magkaroon ng daddy.

"Okay, pwede niyang bisitahin ang anak ko." Mahina niyang sabi, na hindi tumitingin kay Iñigo.

"Joint custody ang gusto ko." Doon mabilis na tumingin si Cassandra kay Iñigo.

"Hindi. Alam mong hindi ko gustong nalalayo ang anak ko sakin diba? Pasalamat ka nga hindi kita dinemanda ng kidnapping eh." Medyo na palakas na ang boses niya sa inis, dahil sa demand nito.

"Alam ko naman yun eh. Pero Andra please, gusto ko rin makasama ang anak ko. Kung gusto mo sumama ka. Pag araw ko kay Gelo, sumama ka."

"Sasama ako!? Suklam na suklam nga akong makita ka tapos sasama pa ako." Pinangdilatan niya na 'to ng husto, natahimik at napa-buntong hininga si Iñigo sa sinabi ni Cassandra.

Slept with a Stranger #Wattys2015Where stories live. Discover now