01

25.2K 468 140
                                    

"Saan tayo ngayon?"


Inakbayan ako ni Oliver habang naglalakad kami palabas ng university. Naglakad naman si Kenzo sa tabi ko at reklamo nang reklamo tungkol sa mga items na 'di niya nasagutan kanina sa exam.


Sa tono ng tanong ni Oliver at sa pagpaparinig ng isa ko pang kaibigan na si Rina, alam kong nagbabalak na naman silang uminom at 'di nga ako nagkamali.


"May alam akong bagong bukas sa Arellano," sabi ni Claire. "Nakita ko sa Facebook noong nakaraan. May discount daw kasi bagong bukas. Ano? G?"


"Gusto ko uminom kaya up ako!" excited na sabi ni Rina. "I need to let out my stress."


Biyernes ngayon at katatapos lang ng finals week. Patapos na rin ang second semester at third year college na kami sa susunod na pasukan. Ang bilis ng panahon.


Kung tutuusin, pwede naman akong sumama sa kanila dahil pwede ko namang bawiin na lang ang pahinga ko sa susunod na araw lalo't bakasyon na, pero dahil medyo na-drain ang buong kaluluwa ko ngayon, wala akong balak na sumama sa kanila kasi pagod ako at gusto kong maglaro. Uminom naman kami noong nakaraang linggo kaya ayokong uminom ngayon. Ayokong patayin ang sarili ko.


"Sa mukha nitong si Jiro, halatang 'di na naman sasama," puna ni Kenzo.


Nabasa nila ang itsura ko kaya nag-duet sa pagrereklamo sina Claire at Rina. Nakatanim na sa utak ko na 'di ako magpapadala sa mga paawa nila ngayon. Ewan ko sa mga 'to kung bakit patay na patay sa alak. Nadadamay pa ako.


"Tama," pag-kumpirma ko.


"Ang KJ mo talaga!" reklamo ni Claire. "Minsan lang naman, eh."


Nakalabas na kami ng university pero 'di pa rin matahimik kapipilit sa 'kin ang mga kaibigan ko. Lalo na 'tong pinsan kong si Claire. Napakarami niyang offer para lang sumama ako. Nariyang ililibre niya raw ako kahit anong gusto ko. Kulang na lang ay mag-offer siya sa 'kin ng bahay at lupa.


"Oo na," pagpayag ko. Alam kong hindi sila titigil sa pangungulit sa 'kin kaya pumayag na lang ako para matahimik ang mga kaluluwa nilang uhaw sa alak.


Nagpalakpakan naman sila na parang mga bata dahil sa sinabi ko at sinabing mag-check na lang daw sa group chat mamaya para sa updates.


Sabay kaming umuwi ni Claire. Nasa iisang building lang ang condo unit namin kaya palagi talaga kaming magkasabay. Nasa 8th floor siya at nasa 4th floor naman ako. Madalas din siyang tumambay sa unit ko at kulang na lang ay doon na siya tumira. Doon din siya madalas kumain kaya gusto ko na talaga siyang singilin dahil sa katakawan niya.


Bago ako bumaba ng elevator ay panay paalala siya sa 'kin na pupuntahan niya ako mamaya sa unit ko para daw wala talaga akong takas. Napailing na lang ako at saka nagpaalam na sa kanya.


"Noei Espina. BS Data Science."


Bumuntong-hininga ako. Dumadagdag si Kenzo sa nakakaburyong ingay ng paligid. Sobrang ingay nitong lugar na pinasukan namin at nagsisimula na akong manghinayang dahil nagpapilit akong sumama sa kanila. Dapat pala ay nagmatigas ako. Magmamatigas na talaga ako sa susunod.

Sundowns of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon